Leave(Kabanata 8)

757 34 0
                                    


Minsan sa nangyayari sa totoong buhay, pinapangarap mo talagang sana panaginip na lang ang lahat, sana walang pumapag ibig para walang masasaktan. Walang umaasa at walang paasa. Akala ko may magmamahal sakin ng buong buo perp pesteng pag ibig to.


Ako yung tumulong sa ibang tao para mahalin sila ng taong mahal nila pero habang ako rito, bwesit, hindi ko magawang mahalin ako ng taong mahal ko, kaya sa mga taong nag mamahal na hindi minamahal jan, umuwi nalang kayo sa bahay nyo at maghugas ng pinggan.


Walang patutunguhan tong istoryang toh, bwesit kasi, pasikat kasi yung racylex nayun , o gusto nya lang magpasikat, gusto nya lang may umasa o gusto nya lang magpaasa , it's PASAKIT TIME!



PUYEMAS..

Kung ano tuloy iniisip ko


Bumuntong hininga ako matapos kong mag impake at umupo sa aking kama.


Pinalibot ko ang aking mata sa buong kwarto. Iniisip ko lang na iwan ang kwartong ito ay maiiyak nako, gustong gusto ko talaga tong room nato eh, kaso kailangan kong umalis dahil sa letseng lalaking yun. Pano ko ba minahal ang lalaking yun. Bwesit.



Nagulantang ako nang may biglang kumatok galing sa labas ng Condo , wala akong ganang naglakad papunta sa pintuan, baka nalaman ni Amaya na aalis nako. Pero kanino naman nya nalaman?.


Dahan dahan kong binuksan ang pintuan, bahagya akong napaatras nang mapagtantong hindi si Amaya ang nasa harap ngayon kundi si




Racylex...





"A-Ano?"

Shet!, kahit gaano nya pa ako nasasaktan, hindi parin mawala ang tibok ng puso ko para sakanya . May kunting ligaya sa puso ko nang makita ko sya ngayon.


Ang rupok ko sis!.


"Nag impake kana?" tanong nya


Talagang gustong gusto nya talagang umalis ako rito sa Spain. Masakit pero tatanggapin ko nalang.


"Talagang gustong gusto mo nang umalis ako ano?" nanginginig ang aking boses habang sinasabi ko iyon.


"Hmm" tumikhim muna sya bago nagsalita ulit "Mag iingat ka" aniya saka nag iwas ng tingin


Oh bakit nag iiwas ka ng tingin? Ke ganda ganda ko iiwasan mo lang? Attitude amp!.


"Mag iingat o talagang dinadalangin mo na Ma crash ang Eroplano na sasakyan ko tapos mamatay at hindi mona makikita, " sabi ko, umawang ang kanyang bibig


"Look, hindi kita gust--"

"Hindi monga ako gusto, huwag mong ipamukha sakin yun tangina" galit kong sabi


"Hindi kita gusto pero may pake parin ako sayo"



"Oh talaga may pake ka? HAHAHA hindi halata brader, umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong ihampas ko sayo yung maleta ko" nag aalab sa galit kong sabi


CHASING YOU MY LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now