Be with Him(Kabanata 26)

561 21 2
                                    


Nagising ako na parang may kumikiliti saking tagiliran, bahagya kong minulat ang aking mga mata at tinignan ang buong paligid.

Nasa Elevator pa ako!

Tinignan ko ang kung anong bagay ang nasa aking tagiliran. Ngunit Nanlaki ang mata ko nang makita si Racylex na nakadukdok ang kanyang ulo sa aking tagiliran kaya nagdulot iyon ng Kiliti.

Mukang natutulog naman sya kaya dahan dahan akong umalis sa pagkakahiga mula sa lap nya, hinawakan ko ang kanyang ulo at sinandal iyon sa ding ding.

Dun ako nakakuha ng pagkakataon na titigan ang maamo at gwapo nyang muka, napakabuhaghag ng kanyang Eye brows at talagang bumabay sa kanyang maputing muka. Katamtaman lang ang hugis ng kanyang mata , medyo singkit na medyo nalaki, na hindi ko maipaliwanag. Kinaiinggitan talaga ang kanyang Eye lashes, napaka kapal at mahaba iyon, hindi sya Straight lang dahil naka curve yung pilik mata nya. Bumaling ako sa Matangos nyang ilong, para syang half Foreigner, pointed nose. My eyes were settled to Racylex's Lips. Damn that kissable lips!. Napaka pula nito.

Gusto kong kuhanan sya ng litrato pero naalala kong hindi ko pala hawak ang cellphone ko at nasa sling bag ko iyon.

Mabilis kong iniling ang aking ulo dahil sa pagnanasa ko sakanya, ang gwapo gwapo nya talaga, nakita kona ang mga mata nyang kulay Bughaw na, syang napabighani saakin.

Tumabi ako kay Racylex at bahagyang tinaas ang aking tuhod at dun ko sinubsob ang aking muka.

Hanggang ngayon, hindi ko maimagine na sa pagtatrabaho lang pala rito ang nagiging daan para magkalapit kami ni Racylex, no hindi ko nga maalala kung pano kami nagkalapit sa isat isa. Nagising nalang ako sa realidad kung saan sinabi nyang gusto nya ako.

Meron saking puso na maniwala sa sinasabi nya pero meron rin saking isip na huwag magpadalos dalos saking damdamin.

Bumuga ako ng marahas ng hininga at pinilig ang aking Ulo, ano na bang oras ngayon at ilang oras akong natulog? Sana ay hindi na lang ako natulog kanina para dere deretso ang tulog ko kagabihan hanggang umaga nang sa pag gising ko ay nakabukas na ang Elevator.

"Anong iniisip mo?"

Nagulat ako nang biglang nagsalita si Racylex sa tabi ko, He is now Awake Already, I can't feel alone now. Napaka boring naman rito sa loob kung hindi ko kakausapin si Racylex

"Anong oras na?" tanong ko sakanYa

Eto nanaman ang nagwawala kong puso, kahit kanina lang kami nagkakasama ay hindi parin mawala ang kabang nararamdaman ko sa tuwing nagsasalita sya.

Tinignan ng bahagya ni Racylex ang kanyang cellphone.

"It's now 7:28Pm, ibig sabihin gabi na, looks like hindi tayo madaling makakatulog ngayon kagagaling lang natin sa tulog" aniya "are you hungry?" he asked

Kahit naman sabihin ko sakanyang gutom ako ay wala naman syang magagawa dahil wala namang pagkain rito sa Loob.

"Kaya ko naman"mahina kong sabi ngunit sapat na iyon para marinig nya.

Narinig kong bumuntong hininga sya, ngayon ko lang napansin na may dala syang bag kaya nagtaka ako kung bakit may dinukot sya roon.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang kanyang hawak hawak! Damn! Kailan pa sya nagdala ng sandwich? Tatlong sandwich iyon!.

CHASING YOU MY LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now