Jealous! (Kabanata 49)

359 18 0
                                    

(Hello mga Shainatowners, I'm zo zo zo zorry kasi yung updates ko masyadong matagal, alam nyo naman ang SITWASYON NATIN NGAYON KAYA KAILANGANG MAG ARAL LANG SA BAHAY, WITH MODULES.. HUEHUE BUSY AKO EH, PINAPRIORITIZE KO YUNG BABIES KO, BABY MODULES..... SO IM ZOZOZOZORRY)

***********************************

Hindi pa natatapos ang teleserye at nababagot nako, hindi naman ako makafocus dahil iniisip ko itong katabi kong may katabi ring surot.

I'm jealous at alam kong wala sa lugar ang pagseselos ko dahil wala naman silang ginagawang masama.

Ganto na ba talaga ako ka adik kay Racylex?

Wow. Adik..Sana lahat adik.

Inayos ko ang aking inuupuan dahil naiipit ang laylayan ng damit ko. Mula sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita ko ang paglingon ni Racylex sakin, hindi ko namang maiwasang hindi mapatingin ngunit tinaasan ko na lamang sya ng kilay.

Pilit na ngisi ang tinatago nya ngunit binalik ko ang aking tingin sa teleseryeng hindi ko naman sinubaybayan.

Gusto ko nang lumabas at kanina kopa naramdamang ihing ihi na talaga ako. Hindi kona natiis baka maka ihi ako rito at kahihiyan iyon kaya tumayo na ako. Lahat ng ka grupo ko ay napabaling sakin.

"Mag c cr lang ako" ani ko, hindi kona nilingon si Racylex pero alam kong napahinto sya sa panunuod at naka focus lamang saakin.

Tumango ang lahat, bumaling ako sa katabi ni Racylex, nakatingin lamang sya sa screen ng sinehan habang kumukuha ng popcorn na hawak hawak ni Racylex.

Sweet.

Napangiwi ako, hindi kona tinapunan ng tingin si Racy at aakmang aalis na lamang pero sadyang pakialamero lang tong lalaking to at may pa hawak hawak pa sa kamay ko.. Suminghap ang lahat.

"I'll come with you"

Binawi ko ang aking kamay at umiling "Hindi na, mag aantay na lang ako sa labas kung kailan matatapos, excuse me" hindi kona inantay ang sagot nya at nagmadalo nang lumabas

Nakakahiya naamn doon sa manunuod humaharang harang ako.

Nang sa wakas ay nakalabas na ako ay nakatingin naman ang lahat ng taong dumadaan roon, ang isa pay nahuli kong muntik nang ma slide dahil sa titig nya sa akin

Chusera, ang ganda ko naman.

Lumapit ako doon sa babaeng mukhang trabahante ng isang mall, she smiled sweetly at me.

"Hi Miss What Can I do for you?"

"Uhm I just wanna ask where's the comfort room here?"

"Oh! These right ma'am then turn left, you'll find the comfort room"

I smiled to her "Thank you"

Papunta na ako roon, nang makita ko ang Cr pumasok na ako. After peeing, inayos ko ang aking buhok at ni retouch ng kaunte ang aking muka pagkatapos ay napagpasyahan ko nang umalis roon.

Hindi pa ako nakakalabas ng cr ay nakita kong papasok naman ang personal assistant ni Racylex.

Ngumiti sya sakin at pumunta sa cubicle, mukang mag reretouch rin.

Wew, nagpaganda para sa boss nya.

Aalis na ako nang bigla syang mag salita, may panginginig pa sa kanyang boses.

"U-Uhm, M-Miss Glaiza, P-pasensya na po kayo s-sakin, s-sana hindi ka magalit" She's scared.

I turned to her, i showed my smile, walang halong peke..

CHASING YOU MY LOVE[COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن