Inis ulit akong bumaba ng kotse nang makarating kami ng Restaurant. Mabuti nalang at nakisabay sila at nasa ibang tables sila kung hindi ay ibibigwas ko talaga sa malanding babaeng yun ang bawat silya rito.
Umupo kami sa table for two at umorder na nang dumating ang waiter, pagkatapos ay nag antay kami kung kailan eh se serve ang order, nasa kalagitnaan kami ng paghihintay nang biglang tawagin ako ng kalikasan.
"Racylex, excuse me CCr lang ako" nakangiti kong sabi tumango naman sya
"Sama"
"Gago hahah" nagmadali akong umalis roon at hinanap ang Cr. Nang makita ko iyon ay mabilis akong nagpunta roon at pumasok.
Pagkatapos akong nag pee ay nag hilamos ako sa cubicle at tinignan ang sarili sa malaking salamin.
Napabuga nalang ako ng hininga nang makita ang maganda kong muka. Mula sa salamin ay kitang kita ko ang repleksyon ng babae pumasok sa Cr na ikinagulat ko. Nagtama ang paningin namin na ikinataas ng dugo ko! Sinasadya nya bang sundan nya ako rito? Pati ba naman sa Cr?..
I rolled my Eyes. Nakita kong tumabi sya sakin sa Cubicle.
"Hi" aniya at ngumisi
"Huwag ka ngang pa plastic, tayo nalang dalawa rito kaya pwede ng ilabas yang malandi mong ugali" tinitigan ko sya ng mariin sya naman ay tumawa.
"Nung unang araw namin nang pagpunta rito sa Guam, sabi ko sa sarili ko wala na talagang pag asa na magbago ang isip ko, wala na talaga akong mahanap na sign , ipagpatuloy kona talaga ang pag aasawa but when i Saw racylex" biglang kuminang ang mata nya "Sabi ko sa sarili ko, gusto ko sya at gagawin ko ang lahat makuha lang sya, and I finally I knew na mag boyfriend lang kayo kaya may chance na maagaw ko sya sayo" aniya at ngumisi
Abat sinusubakan talaga ako ng babaeng to! You want war? I'll give you a war then.
Tumaas ang aking kilay
"Oh? Talaga? Kahit may asawa ka na? Wala kang konsensya no?" Hindi ko mapigilang taasan ang boses ko tumawa sya ng malademonyo
"Hindi ko naman sya gusto" aniya
"Kung gusto mong hiwalayan sya at maghanap ka ng iba please, huwag sa may boyfriend na, mahiya ka naman sa sarili mo hinding hindi mo kami mapapaghiwalay" nakataas noo kong sabi
Humarap ang malandi sa salamin at tinignan ako galing sa salamin at ngumisi.
"Asawa nga may Divorce mag boyfriend pa kaya?" Nakataas nyang kilay na sabi
Ngumisi naman ako na ikinagulat nya
"Well bulkan nga sumasabog muka mo pa kaya?. Racylex is mine and no one can touch him at isa pa" pinag cross ko ang aking mga braso "ang ayaw ni Racylex yung second hand na" nakangisi kong sabi
![](https://img.wattpad.com/cover/237581129-288-k454961.jpg)
YOU ARE READING
CHASING YOU MY LOVE[COMPLETED]
RomanceWhen you stop chasing the wrong things..you give the wrong things a chance to catch you. Glaiza Chase her love of her life subalit, hindi sya magawang mahalin ng taong mahal nya. Si Glaiza ang tipong susundin ka lahat kahit saang sulok ng mundo, ngu...