Truth Hurts(Kabanata 23)

682 20 0
                                    


Lutang akong gumising kinabukasan, hindi man lang ako kumain kagabi dahil wala akong gana. Paulit ulit kumatok ang mga kasambahay pero hindi ako umiimik.

Namamaga ang mata ko kakaiyak, masakit din yung mata ko, mabuti nalang at linggo ngayon, rest day ko kaya okay lang na mag mukmok ako buong araw.

Ayaw kong isipin ang nangyari sa nakaraan ko, sino ba naman kase ang gugustuhing isipin iyon. Okay na sana na malaman ko iyon pero masakit kasi na nalaman ko iyon hindi dahil sinabi ng magulang ko kundi nalaman ko iyon dahil bumalik , bumalik yung ginawa kong istorya sa sarili kong mundo.

"Tama na nga, hindi kona iisipin yun" sabi ko sa sarili

Sumisinghot singhot pako dahil sa sipon ko dulot ng kakaiyak.

Bumuntong hininga ako at naligo na, matapos maligo ay humiga ako sa kama. Kakahiga ko palang nang may biglang kumatok sa pintuan. Akala ko yayayain nananaman akong kumain pero hindi.


"Miss Glaiza, may naghahanap po sainyo" aniyang kasambahay sa labas ng kwarto ko

"Sino?"

"Si Miss Emely po" aniya

"Papasukin mo"

"Maam pumasok na po sya"

Kung kailan ako mag eemote dun naman umarangkada ang pagka gaga ng kasambahay ko.

Inayos ko ang bed sheet ko at umupo na sa kama at hinintay na kumatok si Emely. Maya maya pay may kumatok na at si Emely nga iyon. Dahan dahan akong tumayo at binuksan ang Pintuan.

Nakita ko ang malapad na ngisi nya at dali dali pa syang pumasok sa kwarto at umupo ng kama, nilapag nya ang dalang sa tingin ko ay Pizza.


"Hays ang sarap ng trabaho ko Aiza!" aniya at halatang kinikilig pa.

"Alam mo namang may asawa na yung tao at kaibigan ko pa, huwag ka ngang umaaligid" i rolled my eyes

"Nako mabuti pa yung asawa nyang si Miss Zeevean ay hindi galit pero yung bestfriend nyang si Megan ba iyon ah basta! Tuwing nagkakatinginan kami! Grabe kung makatitig! Halatang inis sakin!"

"Maiinis talaga sya dahil nilalandi mo yung asawa ng bestfriend nya!"

"Shoo! Nilalandi ka jan! Masaya lang naman ako kung nanjan sya pero hindi ko naman sya nilalandi as in no! Natutuwa lang ako duh!"


"If you say so"

"Talagang mahal na mahal nila ang isat isa Aiza, tuwing tumatawag si Ellson kay Zeevean, nangingiti sya! Jusko sana magkaruon ako ng lovelife na ganyan!!!"


Ede wow sakanila, sila na yung may forever.

Bigla akong nalungkot dahil sa sakit ko. Iniisip kong baka may alam si Emely kasi diba since grade 7 ay bestfriends na kami.

"Emely" tawag ko sakanya at nilingon naman nya Ko. Magtatanong na,sana ako nang bigla syang magsalita

"Ay oo nga pala! Mag kwento ka nga sa kapatid mo! Ikaw huh! Mag kwento ka dali!"

Tinapik tapik nya ang kama , senyales na pauupuin nya ako sa kama kaya wala akong magawa kundi ang sumunod nalang.

"So ano?" excited nyang sabi

"Yes May kapatid ako named by Lairexy"


"Wow! Lairexy, parang Glaiza at Racylex lang! HAHAHAHA combine!"

CHASING YOU MY LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now