Jealous (Kabanata 24)

677 19 0
                                    


May pinagdadaanan ako pero hindi naman ibig sabihin niyon ay susuko nako, hihinto nako sa buhay ko, hindi naman malala ang sakit nito pag bawas sa stress. Gusto kong e enjoy ang buhay ko, I don't want that fucking Schizophrenia ruin my fucking life.

I'll do whatever I want to do, kase hindi ko alam kung kailan ito aatake pero tatanggalin ko sa isip ko na may sakit ako, tatanggalin ko sa isip ko na may kulang sakin.

Pero sa ngayon ay hindi ko muna kakausapin ang mga magulang ko, ayaw kong makarinig ng kahit na anong salita sakanila kase masyado akong nasaktan.

Emely was just doing for what my parents told her, walang kasalanan si Emely kaya hindi ko magawang magalit sakanya, she was my bestfriend after all.

When I was 17-18 years old, masyado silang maingat sakin, bawal mag hang outs everywhere kaya nagtataka ako kung bakit, iniisip ko sa sarili ko na they are just doing for my safety, they were very selfish, hindi nila ako hinayaang magsaya kasama ang mga kaibigan ko kase iniisip nila ang kapakanan ko. Hindi sila naniniwalang makakaya ko ang sakit ko, pinamuka nila sakin na wala akong magagawa sa sakit ko, that I'm coward to fight between schizophrenia.

Suot ko ang kulay Pushia pink na bodycon dress at Puting flat shoes nang pumasok ako sa Opisina. Lamig na lamig nako saking sarili dahil malakas anh Aircon sa Loob. Panay hawak ko saking braso para mainitan doon kaso hindi naman nawawala ang lamig kaya napagdesisyonan kong lumabas na lang at magpapainit lang.


Kakalabas ko lang ay napaatras agad ako nang makita ko sa labas si Racylex. Naka sandal ito sa pader at nasapamulsa ito. Nakapatong ang kanyang kaliwang paa sa pader at deretsong nakatingin saakin.

Nag iwas ako ng tingin dahil ayaw kong tignan n ang posisyon nya, ang hot hot nyang tignan at parang certified model.

Ayaw ko syang kausapin kaya dere deretso lang ang lakad ko. Hindi pako nakakalayo sakanya ay hinila na nya ang braso ko. Inis kong pilit na inalis ang pagkakahawak nya saakin kaso masyado syang malakas kaya nabigo akong kumawala sakanya.


"Let go off me Moron!" inis na sigaw ko sakanya

"Are you avoiding me Glaiza Mary Roque?" nakataas nitong kilay na sabi. Bahagya akong natigilan...


Iniiwasan? Pano ko sya iiwasan eg sya mismo tong umiiwas sakin! Pagkatapos niyang umamin hindi nako pinansin? Thats bullshit.

"Hindi kita iniiwasan, busy akong tao" pinalibot ko ang aking mata, hawak hawak nya parin yung braso ko.


"Busy?" natawa ito ng sarkastiko "Busy din naman ako ah, but I'm here, trying to talk to you! It's been two days!"

"Don't blame me Racylex, ikaw itong hindi ako pinapansin pero okay lang naman" ngumisi ako ng peke "kase sino ba naman ako para pansinin mo diba? Empleyado lang ako dito diba? Diba? DIBA?!" INIS kong inalis ang aking braso sa kanyang pagkakahawak at nagmartsa papaalis roon.


Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sakanya, alam ko namang wala dapat akong ikapag alala dahil alam ko namang wala akong karapatang magalit kung hindi man nya ako pansinin. Ang pagtatrabaho rito ay hindi nakakabuti saakin , alam ko iyon pero wala naman akong magagawa, kasi pag hindi ko sinunod ang boss namin ay paniguradong sa kalsada ako pupulutin.


Natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa labas ako ng building. Naglakad lang ako nang naglakad ngunit napahinto ako sa isang kotseng nasa harapan ko at lumabas roon si Hero.


"Hero" nakangiti kong sabi

"Hi, anong ginagawa mo rito sa labas?" takang tanong nya, saglit akong napakamot sa aking sintido dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya.


CHASING YOU MY LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now