Napaisip naman sila saglit dahil natahimik sila at ang mga mukha at halatang may iniisip. Maya maya lang ay tumango rin sila sa 'kin kaya napangiti ako. We started thinking anything. Lahat naman ng grupo ay wala pang naiisip for sure kaya okay lang kahit wala pa kami ngayon.

"Pa'no kung "Biag ni Lam Ang" nalang kaya? We just need simple costumes tsaka may gamit naman dito si prof na pwede nating mahiram para sa ibang mga scenes." I suggested. 

They pause for a second but eventually just nodded at it. Hindi naman masyadong mahirap 'to at tsaka kung props man, may mga gamit naman dito si prof na designs niya sa room. Magpa-paalam nalang kami at sa tingin ko naman ay papayag siya....sana.

"So I think we're done. Let's talk about this on our gc for further details." We parted ways after that quick meeting.

Tapos naman na 'yung iba e kaya maingay na pero hindi pa time kaya dito lang muna kami mags-stay. Biglang lumapit si Michelle sa 'kin para kausapin ako. She drag me to a center and talked about something.

"Alam mo si Sky, lagi siyang bungisngis. Natatawa nga ako kasi--"

Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang nagtawanan ng malakas ang mga kaklase namin. Nagkatinginan kami ni Mich dahil naguguluhan sa nangyari ngunit natatawa ang mga mukha dahil sa tawa ng mga kaklase namin.

"Ken, anong mayro'n?" She called Kendrick who's just in front of us, also laughing. He look at her to answer.

"Masyado raw kasing madali ang pinapagawa ni prof sabi ni Wave kaya nagbiro siyang dagdagan niya ito hanggang sa magsawa si Wave."

He was laughing at us so we just laugh as well of what we heard. Wave is really naughty, hindi pa nga kami nakakapag plano nang maayos sa amin tapos dagdagan pa nang dahil lang sa kanya.

Kinagabihan, nagplano ulit kami para sa gagawin. I'm not the leader but they put their trust on me so I just did my best. And besides wala naman ding gustong maging leader kaya ako nalang ang umako.

Ellie : Guys, trailer lang naman 'yung gagawin natin e, mabilis lang. We just need to have a concept and ideas, then we're good.

JJ : God of Egypt nga.

Beatrice : Mag reresearch ako ng iba pa.

'Yon lang 'yung naging convo namin sa unang araw ng plano via online. Kaming tatlo lang 'yung active nung time na 'yon kaya tahimik pa kami.

Kinabukasan hindi ako nakapasok dahil sumali ako ng camp sa school kasama ang mga kaibigan ko with. Ashley is also an active member in math club. Malaking bag ang dala ko pagpasok ko palang dahil narito na lahat ng mga gamit ko. Hindi na kasi ako uuwi pa dahil malayo ang bahay namin sa school kaya dala dala ko 'to buong klase.

Wala rin namang masyadong pasok, majors lang talaga 'yung may maayos na klase sa araw na 'to. Alam naman ng mga ka grupo ko na sasali ako kaya pinakiusapan ko muna sila tutal planning palang naman, hindi pa shooting. At tsaka isang araw lang naman 'to. Maulan pa naman ngayon, paano na 'yung tent namin mamaya.

"Kung gusto niyo sa building nalang tayo tutal marami rin naman do'n ang matutulog e."

Hindi naman matutulog sa amin si Ash dahil officer 'yon kaya apat lang kami. Si Vina kina Ynna raw siya makikitulog kasi hati sila ng tent. Ayoko naman do'n kasi pakiramdam ko ma aakward lang ako lalo pa't wala si Kesha kaya rito nalang ako kina Mich.

"Ash, dito ka ba matutulog?"

Hapon na. Tapos na ang klase kaya naghahanda na kami rito sa may field. Maraming tao dahil marami rami rin naman 'yung mga sumali pero sa section namin, kaming magkakaibigan lang talaga. I stayed the night in our school, forgetting about my group and the task.



Too Late, EllieDove le storie prendono vita. Scoprilo ora