Naglabas ako ng tissue at marahang pinunas yon upang ako'y maka upo. Isinandal ko ang aking ulo sa may pader at nag pang-dekwatro, inilabas ko ang aking libro sa may biology upang makapag basa. Hindi pa ako nakaka kalahating oras ng may marinig akong kaluskos kung saan. Hindi ko iyon pinansin, dahil baka may tao lang na katulad ko ay gusto din ng katahimikan.

Napaayos ako ng upo ng maging malakas ang kaluskos, at nasisiguro kong papalapit ito sa pwesto ko. Hindi na ako naka tiis at tumayo upang silipin ito, mula sa pinagpatong patong na bangko ay napansin ko ang likod ng isang lalaki, napaka lapad ng likod nito na para bang ang sarap sandalan gayundin ang mga balikat niya. Nakaharap siya sa pader at pansin ang pag galaw ng kaniyang mga kamay na parang may pinapagpag. What? Pagpag? Huwag mong sabihing--- kabado akong napa tuwid ng tayo at tinago ang sarili ng bigla itong lumingon.

God! Nakita niya ba ko? Baka akalain niyang sinisilipan ko siya.

Pigil ang hininga at maingat ang galaw na bumalik ako sa bangko, na inupuan kanina upang ayusin ang aking mga gamit. Kailangan ko ng makaalis dito! May god marga! bakit ba ang malas mo! Pagka kuha ng bag ay mabilis akong naglakad paalis, hindi pa man ako nakaka tatlong hakbang ng may kamay na humablot sa braso ko. Agad akong napatingin don at sinundan ng tingin ang nag mamay-ari non.

Yung lalaki!

Mariin akong pumikit at sinamaan siya ng tingin.

"Ano ba!" Saad ko at marahas na binawi ang kamay ko, ngunit hindi niya pa rin iyon binitawan.

"What are you doing here? Naninilip ka ba?" nang aakusa niyang tanong, habang mariing na ka titig sa akin.

"What?! Hoy walangya ang kapal mo! Hindi ako bastos katulad mo!"

"Ako bastos? Anong ginawa ko?" aniya

"Wala! Bitawan mo nga ko!" singhal ko sa kaniya, hindi naman mahigpit ang hawak niya pero nandidiri ako, malay ko ba kung iyon yung kamay na ginamit niya kanina!

"Sabihin mo muna kung anong ginagawa mo rito!"

"Bakit ba? Sa'yo ba to ha? Nauna ako dito! Tapos bigla ka na lang dadating at gagawa ng kasala-ulaan! Bitawan mo ko! Ang dumi ng kamay mo! tapos---"

"See? Tapos sasabihin mo hindi ka naninilip?"

Agad naman nanlaki ang mata ko, at natuptop ang aking bibig. Mabilis niyang binitawan ang braso ko, saka siya humalakhak ng malakas habang naka hawak sa tiyan.

"Jesus! Your face!" saad niya habang hindi pa rin tumitigil sa kakatawa. Yung mukha niyang kanina ay seryoso at madilim, ay parang bula na lang na nag laho. Saka ko lang siya napagmasdan. Ang kaniyang buhok ay maayos na naka suklay at wax, kulay brown iyon. Ang mga mata ay para'ng kay Vio na nawawala kapag tumatawa ngunit ang kaniyang mata ay brown. Mapula at manipis din ang kaniyang labi, ang ilong ay nag mamalaki, ang kaniyang panga ay parang hinubog ng isang kilalang pintor. In short Gwapo! Kung hindi lang siya parang tanga tumawa kahit wala namang nakaka tawa.

Ano ba ang nakaka tawa? Baliw ba siya? Ano daw? Yung mukha ko?

Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa, upang matignan ang mukha ko at baka mayroon doong dumi o hindi kaya kaaya-ayang tignan. Itinagilid at hinaplos ko ang aking mukha sa harap ng aking cellphone, upang hanapin ang nakaka tawa, pinikit-pikit ko pa ang aking mga mata. Pero wala akong makitang kakaiba. Walang hiya 'tong lalaking 'to pinag titripan niya ba ko?

Maayos na siyang naka tayo, hindi katulad kanina na halos bumaluktot siya sa kaka-tawa. Halos tingalain ko siya sa sobrang tangkad niya, halos hanggang leeg o di kaya ay balikat niya lamang ako. Nang mapatingin sa kaniyang mukha ay mabilis na bumalik ang inis ko.

"Tsk! Alam kong gwapo ako pero 'wag mo naman akong halayin sa tingin mo," saad niya, habang may naglalarong ngisi sa kaniyang mga labi.

"Siraulo! Kilabutan ka ngang bwisit ka!"

"Kanina lang sinisilipan mo 'ko diba? tapos ngayon hinahalay mo ko sa pag tingin mo, Sorry miss strict ang parents ko," he said and smirked

"Animal!"

Agad umakyat ang dugo sa ulo ko, dahil sa inis sa bastos na lalaking 'to, dali-dali kong hinubad ang suot na flat shoes, nang makita niya 'yon ay agad-agad siyang tumakbo patalikod habang naka ngisi. Hindi na 'ko nag dalawang isip na ibato 'yon sa kaniya. Masuwerte siya at mabilis niyang na iwasan yon na nakadagdag sa inis ko.

Walang galang! Bastos! Hinayupak!

Nang mawala siya sa paningin ko, ay agad kong kinuha ang flat shoes na ibinato ko. Pero talaga nga namang bwisit ang lalaking yon, dahil nakita ko siyang naka silip sa pader habang tumatawa ng mahina. Tila tawang-tawa sa reaction ko.

"Puppy!!" Sigaw ko at muli siyang binato. Patuloy siya sa pag takbo habang malakas na tumatawa.

Ang bwisit na 'yon!

Itutuloy...

Damn Good Friends (Hide Series #1)Where stories live. Discover now