Chapter 56: Girl Talk

Magsimula sa umpisa
                                    

"Si Tom – "

"Stop, Yannie. Puro ka Tom. Alam kong alam mo sa sarili mo na hindi na si Tom ang laman ng puso mo pero pinipilit mo pa rin kasi ayaw mong aminin na may mahal ka ng iba. At hindi si Tom 'yun!" sigaw sa akin ni Zoe. Nagbuntong hininga siya at umayos ng umupo. "Masyado mo kasing sinanay ang sarili mo na si Tom lang ang mahal mo, na siya lang ang kaya mong mahalin. Pero Yannie, iniisip mo na lang 'yan ngayon. Hindi mo na nararamdaman."

"Bakit hindi mo magawang aminin sa sarili mo na mahal mo na si Xander?" tanong naman ni Ayu.

Sa halip na sagutin sila aykinuha ko na lang ang isang bote ng beer at ininom 'yun. Ang duwag ko lang. Sinusubukan kong takasan ang bawat binabato nila sa akin.

Napailing lang sila pero nakiinom na rin.

Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming umiinom dito. Ang alam ko lang tahimik kami at walang nagsasalita. Mga umiinom lang.


***

Zoe's Point of View


Kanina pa kami nag-iinuman pero hindi naman kami 'yung umiinom ng marami. Sakto lang kumbaga. Pero si Yannie... nakakailang bote na ba 'to? Hay.

Ang tahimik pa. Hindi sila mga nagsasalita kaya hindi na lang din ako magsasalita. Nakakakabingi na ang katahimikan.

"Mahal ko siya," biglang sabi ni Yannie at saka tumungga ulit sa bote ng beer.

Nagkatinginan kaming lima. Finally. Ito lang talaga ang hinahantay namin – ang ilabas ni Yannie ang nararamdan niya.

"Sino?" tanong ni Ashley.

"Si Tom ba?" pahabol ni Ate Cass.

Umiling si Yannie at tumawa pa. Lasing na talaga 'to.

"Si Tom. Ex ko 'yun. Mahal ko 'yun. Dati," sabay tawa ni Yannie. "'Yung sinasabi ko, si ano... si Xander."

"Sa – "

"Ssh. Teka lang. Ako lang muna magsasalita, ha. 'Wag muna kayo," pagpapatahimik niya sa amin.

"Alam niyo kasi, si Xander, playboy 'yun. Kaya ayoko du'n. E tanga 'to," turo niya sa puso niya. "Ayun, nainlove sa playboy. Tanga kasi."

Tumungga ulit siya at nagpatuloy sa pagkwento, "Kasi naman ang bait bait sa akin ng bwisit na lalaking 'yun. Akala ko tuloy pwedeng may nararamdaman din siya para sa akin. Pero nung isang linggo... napatunayan kong wala naman pala. Hindi pa nga tapos 'yung usapan namin na fake relationship pero nakahanap agad siya ng babae. Hindi siguro nakatiis. Babaero kasi."

Dinukdok niya 'yung mukha niya sa kama ni Ate Cass. Nasa lapag kasi kami umiinom. Sabi na nga ba. Maraming kinikimkim 'tong si Yannie. Kailangan pang nalalasing bago umamin.

Maya maya lang ay naririnig ko na ang paghikbi niya. Umayos na siya at humarap sa amin. Umiiyak na.

"Ang sakit sakit pala. Akala ko wala lang. Pero nang makita ko siyang may kasamang iba? Fuck. Parang tinutusok 'yung puso ko. Harap harapan pa. Umasa ako, e. Umasa ako na baka mahal niya rin ako. Umasa ako na baka totoo 'yung mga pinapakita niya. Umasa ako... pero wala. Sa bandang huli ako rin 'yung nasaktan. Pero kasalanan ko naman 'to di ba? Wala naman siyang sinabi na umasa ko. Wala siyang sinabi na, 'Yannie, bago matapos ang deal natin kalimutan mo si Tom at mainlove ka sa akin. Tapos maiinlove din ako sayo.' wala namang ganun. Pasaway lang talaga 'tong bwisit na puso ko na walang ibang ginawa kung hindi ang ipahamak ako. Kaya ayokong nagmamahal. Lagi lang kasi akong masasaktan sa bandang huli."


***

Ice's Point of View


Nakatambay ako kila Ken kasama si Josh nang matanggap ko ang message ni Zoe.

[Kinakausap na namin si Yannie. Wag ka na munang umuwi sa inyo. Kausapin mo na lang din muna si Xander.]

Napatayo ako at inaya ang dalawa Ken kila Xander.

Nang makarating kami sa kanila ay dumiretsyo kami sa kwarto niya. Wala nang katok katok.

Inabutan namin siyang naggigitara habang nakaupo sa kama niya. Nang makita niya kami ay wala man lang siyang reaksyon. Hindi man lang siya nagulat o nagtaka na nandito kami. Tumingin lang siya sandali sa amin at ibinalik ang tingin sa gitara.

Magbuhat ng eksena noong isang linggo, ngayon lang ulit kami magkakausap ni Xander. Naging ilap kasi siya sa amin.

"Hindi mo man lang ba kami babatiin?" tanong ni Josh pero hindi siya pinansin ni Xander.

Umupo na lang kami at tiningnan siya habang naggigitara.

"Wala ka bang balak magkwento?" tanong ni Ken.

"Wala naman akong ikwekwento."

"Wala lang ba si Yannie sa 'yo?" diretsyo kong tanong sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Parang walang narinig. "Xander, ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit ka ba nagkakaganyan?"

"Ano bang problema mo Xander?"

Hindi pa rin pinapansin ni Xander ang mga tanong namin.

Nakakainis na. Tumayo ako at hindi ko napigilan ang sumigaw.

"Ano bang problema mo? Nasasaktan mo na si Yannie! Umiiyak ang tao dahil sa 'yo pero parang wala lang sa 'yo!"

Mukhang nagulat siya kaya napahinto siya sa paggigitara at humarap sa akin. "Umiiyak siya?"

"Oo! Gago ka kasi," sagot naman ni Ken.

"Bakit siya umiyak?" tanong ni Xander. Tss. Tapos ngayon, ano? Magiging concern siya sa nararamdaman ni Yannie kung kailan nasaktan na niya.

"Dalawa lang naman ang pwedeng dahilan kung bakit umiiyak ang isang tao," sabi ni Josh at itinaas ang dalawang daliri niya. "Una, kasi sobrang saya niya. O pangalawa, kasi sobrang nasasaktan na siya. Sa kaso ni Yannie, doon siya sa pangalawa. Umiyak siya kasi nasasaktan na siya. Nasasaktan siya ng dahil sa 'yo, Xander."

"Sa tingin niyo ba siya lang ang nasasaktan? Siya lang ang nahihirapan?" sagot sa amin ni Xander na naging dahilan para magkatinginan kaming tatlo. Ang ibig sabihin ba nito pati siya nasasaktan? Ano ba kasi ang nararamdaman niya? "Hindi rin ako masaya na nagkakaganito kami ni Yannie ngayon. Pero alam ko naman na matatapos na rin kami kaya habang mas maaga pa, sinasanay ko na ang sarili kong wala siya. Binabalik ko na ang dating Xander bago pa kami pumasok sa deal na 'to. Para habang mas maaga, mas mapapadali ang paglayo namin sa isa't isa."  

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon