Chapter 42: Kukunin ko siya

2M 46.6K 13K
                                    

Ice's Point of View


Nakatambay kami sa room at tulad kanina ay nakapaikot na naman ang mga silya namin. Si Zoe naman ay wala pa rin hanggang ngayon.

"Nagpunta dito kanina si Ate Cass," sabi sa akin ni Sab.

"Nakasalubong ko nga."

"Nakita nga rin niya si Zoe at Jude. Nang-iintriga tuloy." Psh. Narinig ko na naman 'yang pangalan ng asungot.

Siniko ni Yannie si Sab at pinandilatan. "What?!" iritang tanong ni Sab. "Alam niyo kasi, guys, hindi naman sa iniinis ko si Ice. Ang akin lang, gusto kong matauhan na 'tong torpeng lalaking 'to. Sagaran na kasi ang katorpehan mo. Medyo nakakainis na."

"Sab!" saway sa kanya ni Xander.

"Ano?! Sandali nga kasi. Walang nagsasabi sa kanya ng mga ganitong bagay kaya ako na lang ang magsasabi. Puro kayo pinapangunahan ng takot kay Ice, e." Tumahimik sila at nagpatuloy sa pagsasalita si Sab. "Alam mo kasi, Ice, ang bagal mo na masyado. Kung mahal mo, hindi mo siya hahayaang makitang may kasamang ibang lalaki."

"Ibang lalaki," pag-uulit ko sa sinabi niya pero pabulong lang.

"Oo, Ice! Ibang lalaki. Hindi lalaking pinsan. Hindi rin lalaking kapatid. Hindi sila magkamag-anak. Hindi sila magkadugo. Hindi mo ba naisip na baka nililigawan na niyang si Jude si Zoe? O ang masaklap pa, baka sila na. Kasi hindi malabong magkagusto si Zoe sa kanya. Kasi siya, kahit hindi pa sila matagal magkaclose ni Zoe, may ginagawa siya. Ikaw? Ano bang ginagawa mo? Wala. Tinitingnan mo lang siya. Sus! Ano magagawa ng pagtingin tingin mo? Ugh. Nakakainis na kasi." Tuloy tuloy na sabi ni Sab at ginulo pa ang buhok niya. Bakit ba inis na inis 'to sa akin ngayon?

"Pare, tama 'tong si Sab, e. Walang mangyayari sa 'yo niyan. Try mo naman kasing magparamdam kay Zoe. Ano bang gusto mong mangyari? Ano ba ikinakatakot mo? Rejection?" pagpanig ni Josh kay Sab.

Hindi ako sumagot kaya pinagpatuloy ni Josh sinasabi niya, "Tsk. Alam ko namang doon ka natatakot, e. Ang mareject. Pero di ba parang mas masakit naman 'yung napunta siya sa iba kasi wala kang ginawa para malaman niyang mahal mo siya. Syempre kung mangyari 'yun paniguradong araw-araw mong pagsisisihan na hindi mo nagawang umamin sa kanya. Kung ang gusto mo talaga ay ang mapunta siya sa iba, sige lang. Ipagpatuloy mo lang 'yan. 'Yung walang ginagawa."

"Kaibigan ko si Zoe. Kaibigan din kita. Kung may gugustuhin man akong magkatuluyan, kayo na 'yun. Pero kung ganyan ka ng ganyan, mukhang okay na rin kung kay Jude mapunta si Zoe," sabi ni Sab at lumabas na. Dinala na rin niya ang bag at mga gamit niya.

Sumunod naman sa kanya si Yannie kaya pati si Xander ay sumunod na rin. Naiwan akong kasama si Josh. Ayu at Ken.

"Nainis na nga ng tuluyan sa 'yo si Sab," iling na sabi ni Josh.

Ilang sandali lang ay biglang pumasok si Zoe sa room. Lumapit siya sa amin at inikot ang paningin sa room. "Nasaan na 'yung iba?"

"Nauna na," sagot ni Ayu.

"Ah. Kaya. Nga pala. Hindi muna ako sasabay sa inyo ngayon."

"Bakit?"

Sasagot pa lang sana si Zoe nang may kumatok sa pinto. Sino pa nga ba? 'Yung asungot.

"Uy, Jude. Nandyan ka na pala. Tara dito," tawag sa kanya ni Zoe.

Lumapit naman 'yung asungot sa amin at hinawakan siya ni Zoe sa balikat. "Guys, kilala niyo naman siguro si Jude. Wala lang pero gusto ko lang siya ipakilala sa inyo ng personal. Ngayon ko lang naisip gawin 'to kahit na kanina niyo pa siya nakikitang pumupunta dito sa room." Tumawa naman na halatang pilit 'yung tatlo kong kasama at ngumiti 'yung asungot.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon