Chapter 65: So In Love

1.8M 46.8K 14.2K
                                    

Zoe's Point of View


"Umiyak ka ba?" bulong sa akin ni Sab habang kumakain ng almusal.

Napatingin naman ako sa kanya at umiling. "Napuyat lang."

Tumango lang siya pero halata namang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Napatingin naman ako sa katapat kong upuan. Wala pa siya. Siguro natutulog pa.

"Nasaan na ba si Ice?" Napatingin kay Xander nang tanungin niya 'yan.

"Tinawag ko na kanina. Baka pababa na," sagot naman sa kanya ni Josh.

Yumuko ulit ako at tiningnan lang ang pinggan habang tinutusok tusok ang ulam ko.

"O, Ice, buti bumaba ka na." Inalis ko ang tingin sa ulam at napatingin sa bagong dating na si Ice. "Ang tagal mo... teka... parang may mali sa mata mo. Umi – "

"Napuyat lang," sagot niya at umupo sa tapat ko.

Napatingin siya sa akin pero iniwas ko kaagad ang tinign ko sa kanya. Nahihiya na kasi ako. Pagkatapos ng lahat ng pananakit ko sa kanya parang hindi ko na siya magawang tingnan ng diretsyo sa mata.

"Parehas puyat," bulong ni Sab kaya sinipa ko ang paa niya. "Aw."

"Bakit? Anong nangyari sa 'yo?" tanong sa kanya ni Josh.

"Ha? Ah, may lamok lang."

Nagmadali ako sa pagkain at hindi ko na sila hinintay. Niligpit ko na agad ang pinagkainan ko saka umakyat sa kwarto ko. Ang hirap pa rin na nasa iisang lugar lang kami ni Ice.


Nakakainis lang. Sa isang araw aalis na kami dito pero hindi pa rin kami ayos ni Ice. Ano nga ba naman ang ineexpect ko? Siya pa ang maghahabol sa akin? Ang kapal naman ng mukha ko kung ganun. Ako na nga ang nanakit, ako pa ba ang hahabulin?

Susubukan ko na lang sana ulit matulog kahit halos kakagising ko lang nang magtext si Alex, 'yung kamukha ni Ice. Nagpalitan kasi kami ng number dahil pakiramdam namin ay magkakaintdihan talaga kami kasi parehas kaming may problema sa puso.

'Zoe, I need you now.' Ayan ang nakalagay sa message niya.

"Anong I need you I need you 'yan? At sino ang Alex na 'yan?"

Halos mapatalon ako nang bigla na lang sumulpot si Sab at hinila ang phone ko.

"Hoy! Akin na nga 'yan. At saka paano ka ba nakapasok dito?"

"Sino ba kasi ang Alex na 'yan at bakit ka sinasabihan ng I need you? Saka try mo kaya magsara minsan ng pinto para walang makapasok," irap niya sa akin.

Napatingin ako sa may pinto kaya lang hindi ko inaasahan ang nakita ko doon. Si Ice. Nakahinto lang siya sa tapat ng pintuan pero hindi naman siya nakatingin sa amin.

Nakatingin lang ako kay Ice nang magsalita na naman si Sab. "Zoe! Sino ba kasi 'yang Alex?" pagsabi ni Sab nun ay saka umalis si Ice.

Napayuko na lang ako at huminga ng malalim. "A friend," walang buhay kong sagot at kumuha ng damit para makapaligo at makapunta na kay Alex.


***

"I'm sorry, Alex. Hindi ko naman gustong saktan ka."

"Pero nasaktan mo naman na ako di ba?"

"Alex naman. Lalo akong nahihirapan nito."

"Sa tingin mo ba ako hindi nahihirapan? Eunice, nahihirapan na rin ako."

Nang sabihin ni Alex 'yun ay natahimik na silang dalawa. At sobrang awkward nito para sa akin. Bakit nga ba ulit ako nandito?

Nasa may gawing forest kami. Kaming tatlo lang. Nagpatulong sa akin si Alex na maghanda para kay Eunice kaya tinulungan ko naman siya. Nag-ayos kami ng lamesa at upuan para sa dalawang tao. Basta inayos namin ang lahat para masurprise siya.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon