Chapter 41: Asungot

2.1M 47.6K 20.1K
                                    

Ayu's Point of View


"Namiss kita Ayu."

Hindi ko magawang gumalaw. Totoo ba talaga 'to? Nandito na si Ken.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap pero nanatili pa rin akong tulala. Para kasing di lang ako makapaniwala. Kinaway niya 'yung kamay niya sa harap ng mukha ko. "Ayos ka lang ba?" Tinitigan ko lang siya at tinusok gamit ang pisngi niya gamit ang daliri ko. Totoo nga. Hindi ako nananaginip. Hindi siya ilusyon. Nandito talaga si Ken.

Natawa na lang siya nang mahina at pinisil ang pisngi ko. "Ano bang ginagawa mo? Haha." Wala. Ewan ko. Hindi ko pa rin magawang magsalita. "Hay. Ayaw magsalita nito," sabi pa niya at niyakap na naman ako. "Sorry, ha. Hindi ako nakapagpaalam. Babalikan naman talaga kita kahit hindi mo ako hinabol. Kaya lang nalaman ko sa tita ko na hinabol mo pala ako kaya napaaga ang uwi ko."

Bumitaw ulit siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Nakahawak siya sa balikat ko at nakatingin sa mga mata ko. "Ayu, gusto kong malaman mo na hindi kita nagustuhan dahil lang sa boses mo. Bago ko pa malaman na ikaw at ang babaeng hinahanap ko ay iisa, mahal na kita. Oo, Ayu. Mahal kita. Bigla ko na lang naramdaman 'to. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko lang mahal talaga kita."

Kung pwede lang magpagulong gulong ngayon sa sobrang kilig malamang ko ba ginawa ko na.

"Uy, Ayu. Magsalita ka naman. Ngayon lang tayo ulit nagkita after two weeks tapos hindi mo pa ko kakausapin? Galit ka pa ba sa akin? Kung galit ka – "

"Mahal din kita." Agad akong napatakip sa bibig ko nang masabi ko ang mga salitang 'yun habang si Ken ay nanlaki ang mata. Bakit ba kasi hindi ko makontrol 'tong bibig ko?

"M-mahal mo rin ako?" Paninigurado niya. Tutal nasabi ko na, paninindigan ko n. Tinanguan ko siya dahilan para biglang lumapad ang ngiti niya. "Ibig sabihin ba nito – "

Tinaas ko ang kamay ko at tinapat sa mukha niya. "Hindi. Hindi pa. Hindi dahil alam mong mahal kita ay magiging tayo na. Gusto ko naman maranasang ligawan."

Tinanggal naman niya sa tapat ng mukha niya 'yung kamay ko pero hindi niya 'yun binitawan. "Liligawan kita. Ayos na muna sa akin na alam kong mahal mo rin ako."

Nagkwentuhan lang kami sa may music room nang biglang nagbell. Late na kami nito. Pero kahit na late na kami, hindi pa rin kami nagmadali maglakad pabalik ng classroom. Wala ng tao sa corridor. Kami na lang. Pero ayos lang.



Bago pa kami makarating at makapasok sa room, ding na dinig na ang sigawan ng mga kaklase ko. Mukhang walang teacher.

Pagbukas namin ng pinto ay inabutan naming tumatakbo at nagbabatuhan ng papel 'yung mga boys at namumuno si Xander at Josh du'n. Si Ice naman ay nakaheadset at nakapikit habang nakasandal 'yung ulo sa pader. Habang si Sab at Zoe ay nakatayo sa teacher's desk at kumakanta samantalang si Yannie ay nakikipagkwentuhan sa iba.

Umubo si Xander para kuhanin ang atensyon nila at nagtagumpay naman siya. Huminto ang mga kaklase namin sa ginagawa nila at nilingon kami.

Nanglaki ang mga mata nila nang makita si Ken.

Gusto kong matawa sa reaksyon nila pero naalala ko na parang ganu'n din ang reaksyon ko kanina o baka mas malala pa kaya huwag na lang.

Isinigaw nila ang pangalan ni Ken. Tumalon sa may desk si Sab at Zoe at tumakbo payakap si Yannie kay Ken. Bigla rin naman tumakbo si Josh at Xander palapit kay Ken at halos daganan na siya.

"A-aray. Hoy, tama... Aray! Tama na," reklamo ni Ken. Tinigilan na naman siya ng iba kaya inayos niya ang buhok niya. "Tsk. Halatang masyado niyo akong namiss." Naks naman. Ang kapal ng mukha nito... pero totoo naman.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon