Yannie's Point of View


"Yes Yannie. I'm damn jealous. Happy?"

Huh? Teka, ano raw?

Nagseselos siya? Seryoso ba 'to? Pero bakit? At bakit parang bigla akong kinabahan? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Nakatitig lang ako sa kanya nu'n at ganu'n lang din siya. Kaya lang parang ang awkward na bigla. What's wrong with me?

"Yannie – "

"Hoy, Yannie at Xander. Nandyan lang pala kayo. Tara na kaya sa loob. Magkantahan na lang tayo," sulpot ni Josh at saka ako inakbayan. "Yannie, may sakit ka ba? Bakit namumula ka?"

"Ha? Wala. Tara na sa loob," sabi ko kay Josh at tinanggal ang pagkakaakbay niya saka pumasok sa loob.

Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Sab na umiinom ng kung ano man. Inagaw ko ang inumin niya at ininom 'yun. Para kasing bigla akong nainitan.

"Hoy! Ano ba?! Inumin ko yan, e!" reklamo nya sabay sibi. "Teka, Yannie. Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" tanong pa niya at hinawakan ang noo ko.

Inilayo ko ang kamay niya at umiling, "Wala nga kasi akong sakit. Para kang si Josh."

Para namang may radar 'tong si Josh at sumulpot na naman saka tumabi sa amin ni Sab. "Yo! I heard my name."

"O tapos?" tanong ni Sab.

"Hoy, Sab, huwag ka munang makipag-away sa akin. Nagcecelebrate tayo. Next time na lang!"

Tumahimik sandali si Sab at tiningnan ang mga kasamahan namin, "Fine! Hangga't kaya kong hindi ka barahin, hindi kita babarahin."

Ginulo naman ni Josh ang buhok ni Sab dahil sa naging sagot niya. "Madali ka naman palang kausap."

"Pero maiba nga tayo... bakit ka ba namumula, Yannie? Sigurado kang okay ka lang?" Ang kulit naman nitong si Sab.

"Sabi ko sa'yo namumula ka, e. Teka... Baka naman nagblablush ka lang. Yii," tinusok tusok pa ni Josh ang tagiliran ko.

"Blush? Ano yun?" pagmamaang maangan ko.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Josh at tinawag si Sab.

"Bakit?"

"Kung araw-araw ko lang makikita yang pagmumukha mo – "

Pinutol naman ni Sab ang sasabihin niya, "Ano?! Maiirita ka? Maiinis? Magagalit? Mabwibwisit? Hay nako, Josh! The feeling is mutual kung ganun."

Nagkamot ng ulo si Josh. "Try mo kayang patapusin muna ako sa sasabihin ko?!" inis na reklamo niya kaya tumahimik naman si Sab.

Umubo at umayos ng upo saka humarap kay Sab. "Sabrina Fortalejo. Alam mo ba... kung araw-araw ko lang makikita 'yang pagmumukha mo... wala ng malungkot na araw pa ang darating sa buhay ko," sabi niya sabay ngiti kay Sab.

Si Sab? Ayun. Tulala. Nashock siguro. Paano naman kasi bigla bigla na lang babanat 'tong si Josh.

"O, Yannie. Tingnan mo si Sab. Ayan. Ayan ang tinatawag na nagblublush. Ngayon alam mo na," ngisi niya.

Nagsalubong naman ang kilay ni Sab dahil sa sinabi ni Josh at saka siya pinagpapalo. "Bakulaw ka talaga! Sino nagsabing nagblush ako? Patawa ka! Asa ka! Bahala ka nga dyan! Bwisit!" sigaw ni Sab sa kanya sabay tayo at inagaw ang mic kay Ken saka kumanta. Tawa naman nang tawa si Josh sa tabi ko.

"Sus. Tatawa tawa pa. If I know totoo naman ang sinabi mo kay Sab. Gagamitin mo pa ko sa mga paghirit mo, ha."

Tumigil siya sa pagtawa at saka ako umiling. "Nababaliw ka na ata," sabi niya sa akin at iniwan din ako.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!