Chapter 62: No title

1.8M 41.3K 10.8K
                                    

Zoe's Point of View


"Ang ganda naman pala dito."

Kitang kita kay Sab na sobra nga talaga siyang nagandahan sa pagbabakasyunan namin.

Sa bagay, ako man gandang ganda, e. Isa siyang beach. Puti 'yung sand. Hindi rin siya masyadong populated kaya hindi ka maiirita. May makikita ka rin na magkakasamang pamilya dito pero more on group of friends ang nakikita namin.

Ang tutuluyan naman namin, two-story house. Hindi masyadong malaki. Hindi rin naman maliit. Sakto lang kumbaga. Mayroong five rooms sa taas. Since walo kami, napagpasyahan namin na dalawang tao ang matutulog kada kwarto at hindi na lang namin gagamitin 'yung isang room.

Si Yannie at ako ang magkatabi; si Sab at Ayu; si Ice at Josh; at si Ken at Xander.

Nag-ayos lang kami ng gamit namin at kumain saglit saka naglibot.

Naglakadlakad kami nang bigla akong hilahin ni Sab.

"Oh? Problema mo?"

Sa halip na pansinin ay humarap lang siya sa iba at nagpaalam, "Guys, pasama lang ako kay Zoe. Kita kita na lang tayo mamaya. Bye!" kaway niya at hinila na ako palayo sa kanila.

"Hoy, Sab. Anong trip mo at kinakaladkad mo ko? Pwedeng medyo bagalan mo lang at nakakahingal kaya." Paano naman kasi ang bilis bilis ng lakad niya.

Huminto siya at humarap sa akin habang nakangiti ng malaki. "Sorry. Naexcite lang kasi ako."

"Naexcite saan?"

"Naexcite chikahin ka." Tinaasan ko siya ng kilay kaya napairap siya. "Huwag na patay malisya, Zoe. Alam ko na."

"Alam ang ano?"

"Na sasagutin mo na si Ice – " Nanlaki ang mata ko at tinakpan ko ang bibig niya.

"Huwag ka ngang maingay, Sab."

Hindi pa rin siya nagpaawat. Kung anu-ano pa rin ang sinasabi pero hindi ko maintindihan. "Ano?" Tinuro niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya kaya agad kong tinanggal 'yun. "Sorry. Kasi naman ang ingay mo. Baka may makarinig sa 'yo. Gusto ko nga surprise ang pagsagot sa kanya," bulong ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim at humawak pa sa dibdib niya. "I thought you want to kill me."

"Sorry. Anyway, paano mo nga pala nalaman? Sinabi ba ni Yannie? Loka loka talaga 'yun. Sinabihan – "

"Walang nagsabi sa akin. Narinig ko lang kayong dalawa sa C.R. Mag-c-C.R. dapat ako pero hindi na natuloy dahil sa sobrang kilig," ngiti pa niya at pinagdikit ang palad niya.

"Basta huwag kang maingay, ha?"

Sumaludo siya sa akin at kumindat. "Yes, ma'am."


Nagkwentuhan pa kami saglit ni Sab hanggang sa naisip na naming hanapin 'yung iba. Hanggang sa bigla na lang siyang huminto at tinapik sa balikat 'yung isang lalaki na nakasalubong namin.

"Sab!" saway ko sa kanya. Paano naman kasi, sinong matinong tao ang papaluin sa balikat ang taong hindi naman niya kilala?

Kaya lang ay hindi pa rin nagpaawat si Sab. Hindi niya ako pinansin at tinapik ulit ang lalaki. "Uy, Ice. Suplado naman nito." Ice? Nababaliw na ba si Sab? Hindi naman si Ice 'to.

Humarap ang lalaki na nagpagulat kay Sab. "Bakit ba miss?"

"Ay, kuya! Sorry. Akala ko ikaw 'yung kaibigan ko. Medyo kamukha mo kasi." Kamukha?

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon