Chapter 12: Laptop

2.4M 54.5K 13.2K
                                    

Ayu's Point of View


"Ano ba yan, ang tagal naman," reklamo ni Josh.

Nasa may meeting place na kami at si Zoe na lang hinihintay. Alas tres lang ang usapan pero 3:30 na wala pa rin siya.

"Huwag ka ngang panay reklamo diyan. Matuto kang maghintay." Ayan na naman. Magbabangayan na naman sila ni Sab.

"Hintay daw. Tss. Pupunta ba talaga 'yang kaibigan mo? Napakababagal talaga ng mga babae. Naiinip na ko!"

"Eh 'di lumayas ka na kung naiinip ka!"

"O, sige lalayas na ko! Alam niyo ba kung saan nakatira sila Ice?"

"Try mo kayang ibigay sa amin ang address para malaman namin, 'di ba? Utak naman! Try mo gamitin. Baka mabulok lang 'yan d'yan!"

"Kapag binigay – "

Ugh! Naririndi na ako. "Shut up!" sigaw ko sa kanila. "Ano ba kayong dalawa? Sigawan nang sigawan. Kung mag-aaway kayo, pwede bang lumayas layas lang kayo sa harapan ko?!"

"Pero, Ayu, nasa likod mo kami." Hay! Ito na naman ang reyna ng mga pilosopa.

"Sabrina! Hindi ko na lang kaya ililista ang names niyo kapag pinasa ko na 'to. Okay na ba 'yun?!"

Nag-action si Sab na parang zinizipper ang bibig niya at saka nanahimik. Si Josh naman ay lumapit sa isa namang kagrupo na lalaki at lumayo pero bago pa 'yun ay narinig ko pa ang pagsabi niya na ang gulo ng mga babae. As if naman siya hindi gumulo.

Ito namang si Zoe hanggang ngayon wala pa rin. Anong oras na? Hindi pa naman lahat pwedeng magpagabi. Kung hindi pa kami aalis ngayon, baka wala kaming magawa nito?

Sinubukan ko ulit tawagan si Zoe pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot. Napabuntong hininga na lang ako at inaya nang umalis ang mga kasamahan ko. Itetext ko na lang sa kanya ang address para makasunod siya.


***

Nang makarating kami kila Ice ay agad kaming sinalubong ng kasambahay nila. Dahil kilala nila si Josh ay agad naman kaming pinapasok.

Dinala kami sa living room nila Ice. Naunang pumasok si Josh at isa pa naming kagrupo pero bigla silang huminto sa gitna at mga nanglalaki pa ang mga mata. Parang gulat na hindi ko maintindihan. Habang papalapit ay pinagtatawanan ni Sab ang reaksyon ng dalawa.

Kaya lang nang tingnan namin kung saan sila nakatingin ay natigil ang pagtawa ni Sab at nagaya ang reaksyon namin sa reaksyon nila Josh.

Totoo ba 'tong nakikita namin? Hindi ba kami niloloko lang ng mata namin? Totoo ba 'to?

Si Ice?

At si Zoe?

Nakahiga parehas sa sahig at nasa ibabaw ni Ice si Zoe?

"Z...zoe?"


***

Zoe's Point of View


Nanunood kami ngayon sa living room. Kasama ko ang tatlong magkakapatid. Napagkaisahan ng dalawa si Ice kaya Phineas and Ferb ang pinapanood namin ngayon. At dahil favorite ko ang Phineas and Ferb, syempre hindi ako tatanggi.

"Wait lang. Tulungan ko lang sila manang sa paghanda ng pagkain," paalam ni Ash at nagpuntang kusina.

Tawa lang kami nang tawa ni Ate Cass habang nanunood samantalang si Ice... aba, anong malay ko. Hindi ko triny tingnan ang reaksyon niya.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon