Chapter 56: Girl Talk

Magsimula sa umpisa
                                    

We used to be like that. Hay.

Nasa may kwarto kami ngayon ni Ate Cass. Hindi ko alam kung ano bang trip niya at dinala niya kami dito. May mga nakahanda pang pagkain at alcohol.

"Ash, bat ka ba kasi nandito?" tanong ni Ate Cass kay Ashley.

"Dito na muna ako, ate, please."

"No. Usapang babae 'to kaya lumayas ka."

"Babae ako, ate!"

"Usapang puso 'to kaya hindi ka makakarelate."

"May puso naman ako kaya makakarelate din ako. Ate, sige na. Dito na muna ako. Please?" tanong niya at pinagdikit pa ang palad saka nagpacute.

"Fine. You win."

Nagsalang ng DVD si Ate Cass at umupo sa may sahig. Si Ashley, Zoe at Sab naman ay akadapa sa may kama habang nanunuod at kami naman ni Ayu ay nakatabi kay Ate Cass.

Natapos ang palabas nang hindi ko naintindihan 'yung pinanuod ko. Lumulutang na naman kasi ang diwa ko. Tsk.

"Napakasweet lang nila, ano? Just like me and Ry," biro ni Ate Cass.

"Parang kami lang din ni Ken."

"Syempre ganun din kami ni Josh kahit bakulaw 'yun."

"Magiging ganyan din kasweet si Kuya Ice at Ate Zoe," sabat ni Ashley.

Tumingin sila sa akin as if waiting for me to speak. Hay nako. Fine. "Yah, yah. Ganyan din kami kasweet ni Xan – I mean Tom."

"Wait, what? Parang I heard you said Xander?" pang-iintriga ni Ate Cass na sinang-ayunan naman ng apat.

"Wala. Hindi ko sinabi 'yun. Si Tom ang sinabi ko. Si Tom lang naman kasi di ba ang naging boyfriend ko?"

"Si Kuya Xander din Ate Yannie."

"Fake lang 'yun, Ash. Kaya hindi counted," sabi ko sa kanya.

"Fake. Real. Parehas lang 'yan basta ba minahal mo 'yung nakarelasyon mo," katwiran naman ni Zoe.

Sabagay. May point nga naman si Zoe. Kahit na ano pa 'yun, basta ba mahal – ha? Teka lang naman. Mahal? Ano 'yun, joke? Tss.

"Ah. So magkaiba nga si Xander at Tom. Kasi si Tom minahal ko 'yun. Si Xander – "

"Mahal mo," pagputol ni Ayu sa sinasabi ko.

Natawa ako at pinalo pa siya ng mahina sa balikaw. "Galing mo magjoke, Ayu."

"Hindi ako nagjojoke. Totoo 'yun. Alam kong mahal mo na si Xander."

"Hindi mo kasi naiintindihan. Deal nga kasi 'yun di ba?"

"Alam mo, Yannie, pwede ka naman umalis sa deal na 'yan kahit noon pa. Pero hindi mo ginawa. Bakit? Kasi di ba napapalapit na 'yung loob mo sa kanya."

"Ngayon mo sabihin sa amin na lahat ng ginawa, pinakita at pinaramdam mo kay Xander ay puro parte lang ng deal niyo," sabi ni Sab.

Hindi ko magawang sabihin 'yun. Napayuko ako at pilit sinasaksak sa isip ko 'yung mga sinabi nila sa akin.

"Nagseselos. Nag-aalala. Iniisip kung anong ginagawa niya. Sumasaya kapag kasama siya. Nalulungkot kapag wala siya. Nasasaktan kapag may kasama siyang iba," sabi ni Ate Cass habang kumakain pa ng chips. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko lang kasi talaga nagets. Nilapag niya 'yung pinggan na may chips at humarap sa akin. "Ganu'n ang nararamdaman mo para sa kanya, di ba?"

Iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya kasi alam kong tama siya. Alam kong ganun nga ang nararamdaman ko kay Xander.

"Mahal mo si Kuya Xander," mahinahon na sabi ni Ash.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon