32

3 0 0
                                    

Lea POV

"hey! wake up!"

na ramdaman kong may tumatapik sa paa ko pero hindi ko pinansin.

"gusto ko pang matulog!"

angal ko dahil antok na antok talaga ako.

"gabi na, bumangon ka na diyan!"

maawtoridad na utos ni demon sa akin kaya inis akong ns paupo saka tinignan siya.

"ano naman kung gabi na?!"

masungit kong tanong sa kaniya dahil yung higit sa ayoko ay yung iniistorbo ang pag tulog ko.

"it's time for dinner"

sagot niya habang kinukusot ko ang mata ko.

"oo na! oo na! babangon na!"

sabi ko saka tumayo na at tulog pa si zoe kaya iiwan ko na lang siya dito.

na kahawak ako sa tagiliran ko dahil kumikirot pa din kapag kumikilos ako kaya dahan dahan ang ginagawa kong pag lakad.

ng makalabas ako ng kuwarto niya ay mabagal lang ang ginawa kong lakad dahil kapag binilisan ko ay lalong sasakit kahit na mag iisang buwan na.

"tss....ang bagal mo naman"

na palingon ako ng may mag salita kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"masakit kasi ang sugat ko!"

sigaw ko sa kaniya at malapit na kami sa hagdan.

"ang sabihin mo maarte ka lang"

tugon niya kaya biglang nag init ang ulo ko.

aba't! nang aasar ba siya?!

kung siya kaya ang saksakin ko?!

ng nasa hagdan na ako ay kumapit ako sa hawakan at linagpasan niya ako.

"kapag kay Elaine alalang alala pero sakin na asawa niya hindi man lang nag alala, sa bagay mas mahal niya nga pala yung kirida niya at sino ba naman ako para mag reklamo, kapag gumaling na ang sugat ko talagang aalis na ako dito"

bulong ko at na gulat ako ng mapalingon sa akin si demon.

"oh anong tinitingin tingin mo diyan?!"

masungit kong tanong sa kaniya saka linag pasan siya.

na rinig niya ata?

tsk! wag mo na lang kasi pansinin lea!

na gulat ako ng may biglang bumuhat sa akin.

"demon! ano ba!"

angal ko sa kaniya pero na padaing ako dahil sa sugat ko.

"tss, I'm hungry at matatagalan pa tayo kapag hindi kita binuhat"

seryoso niyang pag kakasabi saka nag lakad na pababa.

hindi na ako umangal at ng nasa baba na kami ay agad niya akong binaba.

"mag luluto lang ako, 30 minutes handa na"

sabi ko saka nag patuloy na sa pag lalakad papuntang kusina.

ng nasa kusina na ako ay lumapit ako sa refrigerator saka binuksan iyon.

mag luluto na nga lang ako ng beef stake para mabilis na.

agad ko namang kinuha ang nasa loob saka ihinandan na ang mga kailangan.

wala na dito sina liam dahil ang alam ko ay sa gantong oras ay umuwi na sila.

ilang sandali pa ay na luto na ang beef stake kaya ilinabas ko na ng kusina at dinala na sa dining table.

kumuha ako ng dalawang plato at dalawang baso.

nag lagay na din ako ng mga kutsara at tinidor, pati na ng kanin.

may na itabi pa naman ako na cheesecake sa ref pero yung ibang ginawa ko na dessert ay na wala na naman.

may malaking daga talaga dito na kumakain ng gawa ko eh.

ng na ayos ko na ang lahat ay pumunta na ako sa sala dahil nandoon si demon at na nonood ng t.v.

"demon handa na ang pag kain!"

pag tawag ko sa kaniya pero na patigil ako dahil nasa labas pala siya at may kausap sa cellphone niya.

nag lakad na ako pabalik sa dining  area pero na patigil ako ng makita ang isang pinto sa gilid ng comfort room.

ngayon ko lang na kita to ah?

hindi ko na pansin na may pinto pala sa gilid ng comfort room?

pero kakaiba siya dahil kulay pilak at ginto na may disenyo ng dragon.

hindi ko alam kung anong puwersa ang nag bigay sa dalawa kong paa para lumapit dun.

ng nasa tapat na ako ng pinto ay pinihit ko na pabukas ang hawakan.

ng makapasok ako ay tumambad sa akin ang mga gintong rebulto ng dragon at iba pa.

pero may mas na kaagaw ng pansin ko dahil may isa pang pinto pero nasa sahig siya?

nag kikinanangan ang kulay nito.

akmang hahawakan ko ang hawakan ng may humawak sa kamay ko para pigilan kaya na palingon ako.

"d-demon?"

gulat kong tawag saka umayos ng pag kakatayo.

"what are you doing here?"

seryoso niyang tanong saka binitawan ang kamay ko.

"a-ah wala na padaan lang"

pinilit kong hindi mautal saka na patingin sa pinto.

"ano palang meron diyan?"

tanong ko sa kaniya habang na katuro.

"non of you business"

seryoso niyang sagot saka itinulak ako palabas.

"teka lang-"

hindi ko na natuloy dahil isinara na niya ang pinto.

ano bang meron dun?

bakit parang may ayaw sabihin si demon?

kakaiba kasi ang pakiramdam ko eh.

oras na siguro para alamin ko ang mga sagot sa mga tanong sa utak ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Cold Hearted Mafia KingWhere stories live. Discover now