15

1 0 0
                                    

Lea POV

ng makababa ako ay agad akong pumunta sa simbahan dahil mahuhuli na ako.

dumadami na ang mga tao ngayon dito at umiinit na din.

ng makapasok ako sa simbahan ay agad akong humanap ng mauupuan.

pumuwesto ako sa gitna saka lumuhod.

sana lord mahanap ko na ang lalakeng mamahalin ko habang buhay.

miss na miss ko na kayo mama at papa, pinapangako kong hahanapin ko ang pumatay sa inyo.

hinding hindi ko makakalimutan ang araw na pinatay kayo mismo sa harapan ko.

ng na tapos na ako mag dasal ay nag sign of the cross na ako saka tumayo na.

pinahid ko ang luha na pumatak sa mata ko dahil hanggang ngayon ay sobrang sakit pa din.

wala man lang ako na gawa ng araw ng iyon, sobrang hina ko ng mga panahong iyon pero ngayon ay hindi na ako ang lea na mahina.

ng makalabas ako ng simbahan ay na patigil ako ng makita si lucas at ganon din siya.

agad akong tumakbo palapit sa kaniya saka dinamba siya ng yakap dahil sobrang tagal ng umalis siya.

"lucas kailan ka pa bumalik?"

na gagalak kong tanong sa kaniya saka humiwalay ng pag kakayakap.

"kahapon lang"

sagot niya saka pinisil ang ilong ko.

"akala ko hindi ka na babalik eh!"

may halong pag tatampo sa boses ko.

"pwede ba yun? siyempre babalik ako dahil papakasalan pa kita"

tugon niya kaya na tigilan ako sa sinabi niya.

"hindi mo ba na tanggap yung sulat na pinadala ko sayo?"

tanong ko sa kaniya dahil sinulatan ko ng araw na pumayag ako.

"sulat? anong sulat? madami kasing nag papadala sa akin eh"

tanong niya kaya na patango tango ako.

"lucas may asawa na ako"

tugon ko kaya na tigilan siya.

"asawa? kailan pa?"

tanong niya saka na paiwas ng tingin.

si lucas ang matalik kong kaibigan at na ngako na pakakasalan niya ako kapag bumalik siya pero hindi ko siya masagot ng oo dahil hindi ko kayang ibigay ang pag mamahal na binibigay niya.

"last month lang"

sagot ko habang nag lalakad kami.

"tara kain muna tayo, na gugutom na ako eh"

pag aya niya kaya tumango na lang ako sa kaniya.  pumunta kami sa isang karinderya dito dahil dun talaga kami kumakain dati pa kahit na pwede namang sa mamahaling kainan pero mas gusto namin sa karinderya.

nag order naman agad kami saka humanap ng mauupuan.

habang kumakain ay panay ang tawanan namin dahil sa mga kalokohan na ginawa namin ng mga bata pa kami.

lagi kasi namin pinag lalaruan si lolo pangochi ng mga bata pa kami at matalik na mag kaibigan ang mga magulang namin kaya naging malapit din kami dahil ng minsang dinala si lucas sa mansion namin ay masungit siya pero dahil nga sa likas akong makulit eh hindi ko siya tinigilan hanggang sa naging mag kaibigan kami.

ng na tapos na kami kumain ay lumabas na kami.

"gusto mo bang pumunta muna sa bahay namin?"

tanong ko sa kaniya dahil mahaba pa naman ang oras at gusto ko pa siyang makasama.

"sige ba, wala naman akong gagawin ngayon eh"

sagot niya kaya na patalon talon ako sa tuwa.

hindi ko ba alam kung bakit nagiging isip bata ako kapag kasama ko si lucas.

limang taon din siya na wala dahil sa dinala siya sa ibang bansa at hindi ko alam kung bakit pero ang sabi ay para na din daw sa kaligtasan naming dalawa.

masaya naman nag buhay namin dahil laging may oras sa akin ang mga magulang ko pati na din sa kapatid kong lalake na humahawak ng company namin.

hindi naman ako close kay kuya dahil ubod yun ng sungit at damot.

may dala palang sasakyan si lucas kaya dun ako sasakay dahil tirik na din ang araw.

pinag buksan naman niya ako ng pinto kaya agad akong pumasok sa loob.

habang nasa biyahe kami ay panay pa din ang tawanan namin dahil sobrang saya talaga ng childhood namin dati.

naalala ko kapag nag lalaro kami ay lagi namin pinipindot ang door bell ng bawat katabing mansion sa amin hanggang sa mahuli kami pero si lolo naman ang kumausap.

itinuro ko sa kaniya kung saan ako na katira ngayon.  ng tumigil na kami sa tapat ng malaking pinto ng mansion ay agad siyang bumaba saka pinag buksan ako kaya lumabas na ako.

"doon muna tayo sa loob para maigawa kita ng paborito mong cheesecake"

anyaya ko sa kaniya kaya sumunod siya sa akin.

"nandito ba yung asawa mo?"

tanong niya ng makapasok kami.

"wala siya, nandon siya sa london at baka hindi na bumalik"

sagot ko kaya na patingin siya sa akin.

"hindi na bumalik? bakit nag talo ba kayo?"

tanong niya kaya umiling ako.

"biro lang yun! saka wala akong pakielam kung bumalik pa ang lalakeng yun o hindi na"

sagot ko sa kaniya.

na tigilan ako ng makita si demon na seryosong na katingin sa aming dalawa.

kailan pa siya bumalik?!

"saan ka galing?"

seryoso niyang tanong kaya na patigil din si lucas.

"sa tabi tabi lang nag pahangin"

walang gana kong sagot sa kaniya kaya na patingin siya kay lucas ng matalim.

"teka nga! kailan ka pa bumalik? at akala ko ba doon ka na titira?"

tanong ko sa kaniya kaya na patingin siya sa akin.

"madaming beses kitang tinawagan pero hindi mo sinasagot at hindi ka nag papasa ng mga file"

seryoso niyang sagot kaya na pakunot ang noo ko.

nag papasa?

"wala kang sinabing ganon!"

giit ko dahil kung ano ano na naman ang na iisip niya.

"lucas tara na nga, hayaan mo na siya diyan"

sabi ko saka hinila si lucas palayo doon dahil ayokong makipag talo.

kailan pa siya bumalik?

ano naman gusto niya sagutin ko ang mga tawag niya sa kalagitnaan ng urgent meeting?

may sapi talaga ang lalakeng yun, paiba iba ng iniisip.

bahala siya sa buhay niya basta ako kasama ko na si lucas kaya hindi na ako mag iisa.

The Cold Hearted Mafia KingWhere stories live. Discover now