25

1 0 0
                                    

Lea POV

Pumasok na ako sa hospital at muntikan na akong malate.

madami namang mga pasiyente pero hindi ko na lang binigyan pansin ang mga pasiyente.

pero may kakaiba akong na raramdaman kanina ng makapasok ako sa loob na parang may nag mamasid sa akin?

hindi ko alam kung meron nga talaga pero may kakaiba akong na raramdaman.

"lea kailangan na natin siya mailipat sa E.R"

hindi pa din mawala sa isip ko ang na kita kong baril sa closet ni demon at na paka misteryoso niyang tao na kahit ang pangalan niya ay hindi niya sinasabi sa akin.

"lea! sabi ko tulungan mo kami na mailipat ito sa E.R!"

na tauhan ako ng sumigaw si doc saimon kaya dali dali akong kumilos.

"lutang ka na naman! pang ilang araw na yan"

sermon ni doc saimon sa akin kaya na payuko na lang ako.

"hehehe sorry doc may iniisip lang po kasi ako eh"

sagot ko kaya pinaka titigan ako ni doc saimon na parang binabasa  niya ang iniisip ko.

hindi naman na lalayo ang edad ko kay doc saimon dahil isang taon lang naman ang tanda niya sa akin at hindi siya mukhang matanda dahil kung titignan siya ay pang binata pa.

ng makapasok kami sa E.R ay agad akong pumuwesto sa likod ni doc para iabot ang mga iuutos niya.

ilang oras pa ay na tapos na din kaya dali dali akong lumabas ng E.R dahil na gugutom na din ako.

nandito ako ngayon sa lobby ng hospital dahil sabi ni doc saimon ay may gusto daw kumausap sa akin.

pero wala namang katao tao?

akmang mag lalakad ako ng may maramdaman ako sa likod ko kaya na patigil ako.

na pangisi na lang ako dahil alam kong ako ang pakay niya.

umarte akong hindi siya na papansin at ng akmang hahawakan niya ako ay nag lakad ako sa ibang direksyon kaya hindi niya ako na hawakan.

pumunta ako sa kanan na para bang may tinitignan.

Hindi ko alam kung babae ba o lalake ang nasa likod ko basta ang alam ko ay gusto niya akong kunin.

ramdam kong na iinis na ang tao sa likod ko dahil kanina niya pa ako hindi makuha kuha.

na rinig ko ang pag atras niya na para bang bumubwelo siya.

hanggang sa sunod sunod na nga yabag na tumatakbo at malapit na siya ay agad akong gumilid.

na untog ang taong yun sa pader kaya na pahawak siya sa ulo niya.

"tanga, kung gusto mo ako makuha dapat kanina pa"

sabi ko sa kaniya kaya tinanggal niya ang sumbrero na suot niya.

lalake nga.

ang akala siguro ng lalakeng ito ay maiisahan niya dahil may kasama pa pala ang animal.

na kalagay ang dalawa kong kamay sa bulsa ng suot ko.

tumatakbo yung lalake papalapit sa akin pero hindi ko pinansin at yung lalake na nauntog eh knock out na agad.

mahina pala ang isang ito eh.

ng malapit na siya ay agad akong humarap sa kaniya saka sinalubong ng sipa sa mukha.

hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya na tumba siya sa lakas ng pag kakasipa ko sa kaniya.

"sino ang nag utos sa inyo na gawin ito?"

seryoso kong tanong saka tinapakan ang dibdib ng lalake para hindi makatayo.

"hindi ka sasagot?"

tanong ko sa lalake pero matalim niya akong tinignan.

yung lalakeng na katulog kanina ay gising na at ng sinugod niya ako ay hindi ko siya hinarap at itinaas ko lang ang kamao ko na tatamaan ng mukha niya kaya na tumba siya.

"baka gusto mong ilublob kita sa kumukulong tubig? o di kaya ay isa isa kong hugutin ang mga laman loob mo at ipakain sa aso?"

dugtong ko pero matalim niya akong tinignan kaya hinila ko siya patayo saka isinandal sa pader at ilinapit ang bibig sa tenga niya.

"yung higit sa ayaw ko ay yung pinag hihintay ako and I warn you sabihin mo diyan sa amo mo na hindi niya ako makukuha sa mga ganito niya"

bulong ko saka ihinampas ang ulo niya sa pader kaya na walan siya ng malay.

may dugo na lumabas sa ulo ng lalake.

na patay ko ata?

na palakas ata ang pag kakahampas ko ng ulo niya sa pader?

hindi buhay pa yan, na tutulog lang.

lumapit ako sa telepono sa gilid saka nag simulang tawagan ang number ng guard station.

pero hindi paman ako na kakapag salita ay may kung ano ang tumurok sa batok ko.

kaya nanlabo ang paningin ko at liningon ko yun pero hindi ko na siya makita ng maayos dahil sa panlalabo ng mata.

"matulog ka muna dahil mamaya ay mag lalaro tayo"

bulong ng lalake sa tenga ko at na kasuot siya ng uniporne namin.

na pakapit ako sa kaniya hanggang sa tuluyan ng dumilim ang buong paligid.

The Cold Hearted Mafia KingOù les histoires vivent. Découvrez maintenant