19

1 0 0
                                    

Lea POV

mabilis naman lumipas ang araw dahil bukas na ang birthday daw kuno ni demon.

nandito pa din ako sa hospital at malapit na din akong umuwi dahil iniba ang sched ng trabaho ko.

"oh bakit hindi ka pa umaalis?"

na tauhan ako ng may biglang nag salita sa likod ko kaya na palingon ako.

si doc jane lang pala eh.

"doc mamaya papo ang off ko at wala naman po akong gagawin eh"

sagot ko sa kaniya ng makaupo siya.

"hindi ba dapat ay pag handaan mo na ang birthday ni demon para bukas?"

balik niyang tanong saka ngumiti pa sa akin.

eh? wala naman akong alam sa pag hahanda ng mga ganyan eh.

"eh doc paniguradong mag paparty yun kaya huwag na lang"

sagot ko at na patigil ako ng bumukas ang pinto at ilinuwa non sina lester kaya na patayo ako.

na patingin din sa kanila ang mga kapwa ko nurse maging ang mga doctor ay na patingin sa kanila.

akmang mag sasalita ako ng lumapit sa kanila si doc jane at may sinabi.

"lester anong ginagawa niyo dito?"

tanong ko ng makalapit ako dahil wala naman silang sinabi.

"sinusundo po namin kayo ma'am lea"

sagot niya at na patingin sa akin si doc jane saka tinapik tapik ang balikat ko.

"sige na umalis ka na para makapag handa ka pa para bukas and make sure na magiging masaya siya"

bilin ni doc jane at sinabi din niyang kinausap na niya yung head admin at pumayag naman.

agad kong kinuha ang gamit ko saka lumabas na ng hospital at na kasunod sa akin sina lester.

"ma'am saan po tayo?"

tanong ni liam ng makasakay ako ng kotse.

"sa mall tayo may bibilhin lang ako para bukas sa birthday ng boss niyo"

sagot ko sa kaniya kaya pinaandar na niya.

ngayon palang ako mag hahanda ng ganito dahil na sanay akong hindi nag hahanda kapag may birthday dahil kapag birthday ko ay lagi lang ako nandito sa hospital.

ng tumigil na ang kotse ay agad na bumaba si fin saka pinag buksan ako ng pinto kaya lumabas na ako.

agad naman na nag sigilid ang mga taong na kikita ako na pinag taka ko?

bakit sila gumigilid at binibigyan daan ang pag pasok ko?

"liam bakit sila gumigilid?"

tanong ko dahil hindi ako sanay sa ganito na iniiwasan ng mga tao.

"ma'am kasi po si boss ang isa sa pinakamayaman dito sa pilipinas maging sa ibang bansa kaya kilalang kilala nila si boss at since na ikaw na po ang asawa niya ngayon kaya po sila gumigilid"

paliwanag ni liam kaya na patango na lang ako.

ng makapasok kami sa loob ng mall ay agad kaming pumunta sa grocery dahil balak kong mag luto.

agad naman silang kumuha ng  push cart kaya pumasok na kami sa loob.

"alam niyo ba kung anong paborito ng boss niyo na kainin?"

tanong ko habang kumukuha ng karne.

"ang alam po namin ma'am ay mahilig po si boss sa kare kare at menudo pero hindi na po namin siya na kikitang kumakain ng ganon ngayon eh"

sagot ni lester kay na patango na lang ako.

balak kong mag bake ng cake para sa kaniya.

ng mabili na namin lahat ay sunod naman kaming pumunta sa decoration section dahil balak kong bumili ng mga lobo at confetti.

na pansin ko ding puro itim ang kulay ng buong mansion kaya na isipan kong lagyan naman ng ibamg kulay para maging maaliwalas.

"ano ba magandang kulay ng pintura para sa mansion?"

tanong ko dahil may mga na isip naman akong kulay, pwede kasing peach, yellow o di kaya ay purple.

"bakit po ma'am iibahin niyo po ba ang kulay?"

tanong ni fin kaya tumango tango ako.

"oo eh, para naman maging maaliwalas ang buong mansion hindi yung puro itim na lang ang na kikita"

paliwanag ko at alam kong sobrang laki ng mansion kaya hindi yun kaya na pinturahan ng isang araw.

"kami na pong bahala sa pag pipintura ma'am lea, ano po bang kulay?"

tanong ni liam kaya na pangiti ako.

"yellow ang gusto kong kulay"

sagot ko kaya agad siyang tumango saka kinuha ang cellphone niya ay may tinawagan.

"ma'am ayos na po, mag sisimula na po sila ngayon at bukas po ay kulay yellow na nag buong mansion"

sabi ni liam kaya tumango na lang ako.

ang alam ko ay bukas pa ng gabi uuwi si demon kaya mahaba pa ang oras ko para mag handa.

ngayon lang ako makakapag handa ng ganito kaya sana magustuhan niya.

The Cold Hearted Mafia KingWhere stories live. Discover now