10

1 0 0
                                    

Lea POV

"ma'am dumudugo ang ulo niyo!"

sigaw ni fin pero hindi ko siya pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad.

ng makalabas ako ay na gulat ako ng makita si Elaine kaya na patigil ako.

"siguro naman na alog na yang utak mo at ngayon ay malinaw na sayo kung saan ka dapat lulugar"

seryoso niyang tugon  at tipid na tango na lang ang sinagot ko.

"kapag kinakausap kita sumagot ka!"

sigaw niya sa akin saka hinila ang buhok ko kaya na bitawan ko si zoe!

"Elaine! bitiwan mo siya!"

sigaw ni liam at agad na pumagitna sa aming dalawa.

lumabas na yung ibang investor at na rinig ko pa ang bulungan nila.

"bagay lang yan sa kaniya, malandi kasi"

"hindi ko alam kung bakit siya ang pinakasalan bobo naman"

"mas bagay pa sa kaniya si Elaine kesa diyan sa lea na walang alam"

yan ang ilang na rinig kong bulungan ng mga matatandang babae na mapang husga at parang tinusok ang puso ko sa na rinig ko.

wala naman akong ginawang masama pero bakit ganito sila?

"zoe?"

pag tawag ko at hinanap siya hanggang sa na kita ko siya sa gitna ng kalsada.

"zoe come here"

utos ko sa baby ko pero hindi siya gumalaw at na katitig sa harap niya kaya na patingin ako doon.

nanlaki ang dalawa kong mata ng makita ang malapit na humaharurot na kotse na papalapit kay zoe.

"ZOE!"

sigaw ko saka dali daling tumakbo papunta sa gitna at agad na yinakap si zoe.

tumalsik kami sa gilid at yinakap ko ng mahigpit si zoe dahilan para mag pagulong gulong kami.

"MA'AM LEA!"

sigaw nila lester saka agad na lumapit sa akin at tinulungan ako.

na kita kong nag lakad palapit sa akin si demon at yung mga na nonood kanina ay wala na pero kasama ni demon si Elaine.

"may masakit ba sayo baby?"

tanong ko kay zoe at tinignan kung may sugat ba siya pero wala naman kaya na kahinga ako ng maluwag.

"see? she's stupid!"

pang iinsulto ni Elaine pero hindi ko siya pinansin dahil ayokong patulan siya.

"ma'am may sugat po kayo!"

sabi ni fin kaya na patingin ako sa braso ko at kaunting galos lang naman.

"ayos lang ako, umuwi na tayo"

tugon ko saka ngumiti sa kanilang lahat.

agad akong sumakay sa kotse at sumunod naman si lester.

umandar na ito kaya naging tahimik lang ako at hindi ko alam kung sumunod ba si demon.

ng tumigil na ang kotse ay agad akong lumabas pero na pahawak ako sa pinto ng kotse ng biglang sumakit ang ulo ko.

"ma'am ayos lang po ba talaga kayo? dalhin ko na po kayo sa hospital"

nag aalalang sabi ni lester pero umiling lang ako.

"ayos nga lang ako"

pilit kong pinasigla ang boses ko saka ngumiti.

may tumigil na isang kotse at bumaba doon si demon kaya na una na akong pumasok sa loob.

na patigil ako ng may humawak sa braso ko kaya na palingon ako kay demon.

"why did you that?"

malamig niyang tanong kaya binawi ko ang braso ko.

"ang alin?"

tanong ko sa kaniya habang karga karga si zoe.

"bakit ka pumunta sa gitna ng kalsada para sagipin ang walang kwentang aso na yan?"

sagot niya kaya biglang nag init ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

"wala kang alam kung bakit ko ginawa yun"

naging seryoso na ako dahil kwestiyunin na nila ako wag lang ang aso ko.

"handa kang gawin ang lahat para lang sa aso na yan? handa mong ibigay ang buhay mo para mailigtas lang ang isang aso"

dugtong niya kaya tinignan ko siya ng seryoso.

"oo! handa kong gawin ang lahat para sa aso ko"

na pataas ang tono ng boses ng boses ko at malamig niya akong tinignan.

"dahil siya ang ibinigay sa akin ng magulang ko bago sila mamatay dahil siya ang nasa tabi ko ng panahon na kailangan ko ng kasama dahil siya lang ang alaala ng mga magulang ko kaya wag na wag mong maaso aso lang ang alaga ko dahil wala kang alam! wala kang alam sa mga pinag daan ko at wag na wag mong pakielaman ang mga ginagawa ko dahil hindi ko pinapakielaman ang iyo"

dugtong ko at may luhang pumatak sa mata ko pero agad kong pinunasan iyon.

unti unti ng nanlalabo ang paningin ko.

"k-kaya wag na wag mong kokontrahin ang mgs ginawa ko dahil wala kang alam-"

hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng biglang sumakit ang ulo ko.

na bitawan ko si zoe at nanlalabo na ang lahat sa paningin ko.

"z-zoe"

pag tawag ko kahit na nahihirapan na ako.

tuluyan ng nag dilim ang paligid ko at hindi ko na alam kung ano ang nang yari ang alam ko lang ay sobrang nang hihina ang buo kong katawan dahil sa nang yari kanina.

The Cold Hearted Mafia KingWhere stories live. Discover now