20

1 0 0
                                    

Lea POV

maaga akong gumising dahil mahabang oras ang kailangan ko para pag handaan ang birthday ngayon ni demon.

kasama ko sina lester, liam at fin dahil sila ang gustong mag bantay sa akin ni demon at maayos lang sa akin dahil nagiging malapit na din ako sa kanila.

"ma'am lea saan ko po ilalagay itong banner?"

tanong ni lester ng makapasok ng kusina kaya na patigil ako sa pag aayos ng mga plato.

"isabit mo yan sa itaas ng hagdan para kapag pumasok siya ay makikita niya kaagad ang banner"

paliwanag ko sa kaniya kaya agad siyang umalis.

tinutulungan nila ako sa pag hahanda ngayon dahil kailangan ko talaga ng tulong.

kulay yellow na ang buong mansion at itong kusina ay pinakulayan ko ng purple na light lang para naman maaliwalas ng kusina.

nag lagay din ako ng mga bulaklak sa buong mansion para magandang tignan.

ako ang nag linis ng mga kalat dito dahil nakalimutan kong wala nga palang katulong ang na iwan dito kahapon at bukas pa sila makakabalik.

nag luto ako ng menudo at kare-kare  na paborito daw ni demon at hindi lang naman iyon ang hinanda ko eh.

gumawa ako ng leche flan, cheesecake, brownies, muffin, chocolate cup cake.

hindi ko alam kung ano ang paboritong flavor ng cake ni demon kaya gumawa na lang ako ng strawberry cake at mango cake.

may plano na ako para sa gagawin ko dahil balak kong surpresahin si demon at hindi ko ipinaalam sa kaniya.

gumawa din ako ng beef steak at salad.

mabilis naman lumipas ang oras kaya agad akong na ligo dahil maya maya din ay uuwi na siya.

agad akong nag bihis ng pinaka magandang dress ko dahil mahalaga ang araw na ito.

ng makababa ako ay bitbit ko na si zoe.

na kita ko na sina lester na nakahanda na sa baba at bihis na bihis na sila.

ng makababa ako ay agad akong lumapit sa kanila saka ilinapag muna si zoe sa sofa.

"pauwi na ba siya?"

na kangiti kong tanong sa kanila dahil excited na ako sa kalalabasan ng ginawa ko.

na kahanda na sa dining table ang lahat ng linuto ko at buti na lang ay tinulungan nila ako.

"sigurado pong pauwi na si boss, ma'am lea"

sagot ni liam kaya na patango tango ako.

na patingin ako sa orasan at 6:40 p.m palang at mamaya pang 7:00 p.m uuwi si demon.

"tara na muna sa kusina at papakainin ko kayo ng ginawa ko"

aya ko sa kanila dahil may ginawa din ako para sa kanila.

"naku ma'am huwag na po"

"kaya nga po, hindi papo kami na gugutom"

pag tanggi nila pero hindi ako na kinig.

"wag na kayong mahiya, pasasalamat ko din ito para sa pag tulong niyo sa akin"

pangungulit ko kaya wala na silang na gawa kundi ang sumunod sa akin sa kusina.

agad kong ihinain ang ginawa ko kaya kumain na sila.

mabilis namang lumipas ang oras pero hanggang ngayon ay wala pa din si demon.

"lester may sinabi ba sa inyo kung anong oras siya makakauwi?"

tanong ko sa kaniya dahil mag hahating gabi na at wala pa din siya.

mag aanim na oras na akong nag hihintay sa kaniya at lumamig na ang mga pag kain.

"naku ma'am lea wala pa po ako na tatanggap eh"

sagot niya kaya tipid na tango na lang ang tinugon ko.

"iligpit na natin ang lahat, baka bukas na siya makauwi"

malungkot kong utos dahil na sayang lang ang ginawa ko.

"pero ma'am baka pauwi na po siya"

pag pigil sa akin ni fin habang ipinapasok ko sa loob ang mga pag kain.

"g*go! mag aanim na oras na tayong nag hihintay dito"

kontra ni liam pero hindi ko sila pinansin.

ng mailigpit ko na ang lahat ay sakto namang bumukas ang pinto at ilinuwa non si demon na kasama si Elaine.

na patigil siya ng na kita ako at si Elaine naman ay may ngisi sa labi niya.

"boss!"

tawag nila saka agad na lumapit, na kalimutan ko palang tanggalin ang banner na may na kalagay na 'HAPPY BIRTHDAY!'

"bakit gising ka pa?"

seryoso niyang tanong sa akin.

"boss bakit ngayon lang po kayo?"

tanong ni lester ng akmang mag sasalita ako.

"I have to go"

paalam ni Elaine saka hinalikan pa sa pisngi si demon at bago siya lumabas ay tumingin siya sa akin saka ngumisi.

"may ihinandang party si Elaine para sa akin"

seryoso nitong sagot at bigla na lang nag init ang sulok ng mata ko.

"h-hindi mo ba na basa ang message ko?"

piniliy kong hindi mautal.

"anong message?"

malamig niyang tanong kaya na patango na lang ako.

"matutulog na ako"

paalam ko saka nag tungo sa hagdan.

"by the way, happy birthday"

pahabol ko bago tuluyang umakyat.

hindi ko alam kung bakit ito ang na raramdaman ko?

parang may kung ano sa puso ko ang sobrang na lungkot

dahil pinag handaan ko ang lahat tapos mauuwi lang pala sa wala dahil may ihinanda na palang party si Elaine para sa kaniya.

sana naging masaya siya sa party na iyon.

The Cold Hearted Mafia KingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora