Sheda, naalala ko 'tong lalaking 'to ahh. Siya 'yung chubby na matalio. Gosh, bakit ang payat na niya na at mas lalong tumangkad. Ang bilis naman ata ng isang taon para pumayat siya nang ganyan. He's really thin right now. Hindi ako makapaniwalang siya pala 'yung nakatalikod kanina. Akala ko ibang tao kanina kasi ang payat nung likod, siya nga pala talaga.

"Ellie." I stopped daydreaming when Michelle pokes my arm. I looked at them confused. "Ikaw na."

I looked around. Everyone is waiting for me including our instructor kaya agad na akong tumayo at naglakad sa harapan. Bakit naman ang bilis ko, at bakit naman iniisip ko pa 'yon, hindi tuloy ako nakapaghanda nito. Nanginginig ang kamay kong humarap sa kanila at ngumiti.

"G-good morning, everyone. I'm E-ellie Rivera. 19 year old." I smiled awkwardly.

Nakatingin ako sa kanilang lahat pero hindi naman sila nakikinig, pwera nalang 'yung mga lalaki sa likuran namin na ang lagkit ng titig sa akin. I went back to my seat without looking at my surroundings. Hindi pa rin natatapos ang lahat sa amin ngunit nakakalahati na bago kami pinalabas.

Break time comes and since first day palang naman ay mas maaga kaming nadismiss. I went to the engineering department to meet Kesha at syempre para makita ko rin si Nathan na umaasa akong makikita nga siya roon.

Pagkarating naman, agad lumabas si Kesha para salubungin ako. Nag-uusap lang kami ng mga nangyari sa aming unang araw ngunit ang mga mata ko at malilikot na at hinahanap ang anino ni Nathan. Hindi ko pa kasi siya nakikita kanina pa. Nakakahiya namang magtanong Kay Kesha tungkol do'n. Bigla tuloy akong kinabahan nang maalala ko ang sinabi niya dati.

Flashback
Kesha : Bess wrong info. Hindi pala ako sure kung doon pa rin mag-aaral si Nate kasi naikwento niya sa group chat na baka lilipat daw siya.

Nasa living room lang kami kumakain dahil marami nang bisita ngayon. I was happily eating when I received a message from Kehs. I can't believe to what she said.

Ellie : What? Are you sure? Bakit daw? Saan na raw siya?

Kesha : Idk. Hindi na niya sinasabi e basta 'di lang siya sure.

I felt sad of what she said which made me lose my appetite. Nawala ang mga ngiti ko at buong summer ay hindi ko na enjoy kakaisip kay Nate. Lagi akong naka abang sa profile niya ngunit wala akong nakukuhang impormasyon. Hindi ko naman siya friend sa Facebook kaya hindi ko nakikita ang mga mydays niya. Malakas ang kutob ko na baka roon siya nag uupdate.
End

I was trying my best to wait and stay calm. Nakikipag usap ako kay Kesha ngunit ang utak ko ay okupado pa rin ni Nate. Hindi ata gumana ang ginawa ko dati e. Malungkot akong nagpaalam kay Kesha. Dahan dahan pa ako naglakad baka sakali man lang ngunit nakahalukipkip na si Kesh dahil sa ginagawa ko.

"Nathan, it's good to see you again!"

Biglang umangat ang ulo ko at nanatili sa pwesto ko. Gustong gusto ko nang lingunin ang likuran ko ngunit may hinihintay nalang akong senyales na mapapaniwala akong siya nga 'yon.

"Sorry, late! May dinaanan lang." Biglang tumalon ang puso ko at mabilis itong tumatakbo nang marinig ang senyales na hinihintay ko.

Napangiti ako nang pagkalawak dahil alam ko sa sarili ko na sigurado na nga ako at wala nang alinlangan pa. Dali dali ko itong nilingon at nakita siyang kausap ang mga kaibigan. Naka side view man ngunit kitang kita ko pa rin ang mukhang gustong gusto kong makita pagkatapos ng ilang buwang nawala siya sa paningin ko.

Mas nagulat pa si Kesha kaysa sa 'kin habang ngitian ko naman siya nang malawak. Natawa nalang siya dahil sa akin at nilapitan ako.

"Ang saya mo ahh. 'Yung tipong sigurado talaga na makikita siya ngayon. Hoy, nagpahula ka ba o ginayuma mo." Naiiling na saad nito habang natatawa pa.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now