Nagulat ako ng maramdaman ang malakas niyang pitik sa aking noo.

“Aray ko naman, put-”

“Watch your mouth, lady. 'Pag narinig ka ni Taias hindi ka na talaga makakapasok sa bahay ko,”

Napasimangot ako kaagad sa kanyang tinuran. Nagsusungit na naman!

Tumunga ulit ito ng alak kaya napabaling ang aking tingin sa aming harapan.

“You know,  I never really told you the reason why I am here,”

“Hindi ko tinatanong,”

“Alam mo, ang gago mo!” angil ko rito. Nakakairita, hindi makausap ng maayos.

“Sabi rin ng kuya ko 'yan,”

Hindi na ako nagsalita dahil mukhang tinatamaan na yata siya ng alak. O baka ganito talaga siya madalas.

Pumasok na rin ako sa loob dahil hindi na niya ako pinapansin.

I decided to take a bath. Halos ala siyete na ng matapos ako. Sinilip ko ulit si Taias pero malalim pa rin ang tulog niya. Nakakain naman ito kanina kaya hindi na rin ako nag aalala. Mukhang naubusan talaga ito ng lakas sa pakikipag usap kay Zari kanina, lalo pa nga at nakipaglaro pa ang mga ito kay Baby V.

Napakunot ang aking noo ng mapansin na wala na naman si Yelo sa bahay. Maging sa labas ay wala ito. Mukhang lumabas na naman para uminom.

Napailing na lamang ako. Pumasok na lamang akong muli sa aking silid at doon nagpalipas ng oras.

Dorothy told me to be patient with Yelo. Sinabi niya sa'kin na may malalim na sugat si Yelo sa kanyang puso kaya siya ganyan. Kaya lamang, kailan ba mare-realize ni Alexander na hindi siya nag iisa? Kailan niya maiisip na makakaapekto sa paglaki ng anak niya lahat ng nangyayari?

I didn't know how long I was staring at the ceiling. At one point, hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako.

Napabaligwas lamang ako ng bangon ng may marinig na nabasag kaya naman mabilis akong napabangon sa kama at lumabas ng silid.

Nang makarating ako sa sala ay halos mapamura ako ng makita si Yelo na susuray suray, lasing na lasing at hindi na halos makatayo.

Napansin ko pa ang mga bubog na nakakalat sa sahig. Mukhang nasagi nito ang isa sa mga vase na naroroon. The lights being off isn't helping either 

Mabilis akong nakalapit rito para sana alalayan siya.

“You're so drunk!” angil ko rito. Sinubukan ko siyang hawakan ngunit tinulak niya ako palayo.

Nagulat ako sa kanyang ginawa.

A devilish smile escaped his lips. Lasing na lasing na talaga ito.

“S-sino ka?" Bahagya pa itong suminok at hindi na halos maimulat ang mga mata. "Si Mattee lang ang..ang pwede rito!”

Agad na may kumirot sa aking puso ng marinig ang kanyang tinuran.

Napahinga ako ng malalim. I can see how red his eyes are. Umiyak ba siya kanina?

"Matulog ka na, Yelo. Kailangan mong magpahinga,"

Sinubukan ko ulit na lumapit rito ngunit itinulak niya lamang ako, “Ibalik mo...”

"Huh?"  Taka tong tanong.

Napayuko ito at suminok. "Si Mattee..."

Bahagya na akong kinabahan dahil nakikinita ko na kung ano ang susunod.

YELO (P.S#6)Where stories live. Discover now