Chapter 31: Graduation Suprise!

263 24 8
                                    

Sydney's POV

Ang bilis ng panahon. Ilang linggo na lang aakyat na kami sa stage para sa graduation. Sobrang saya ko kasi sa wakas ay maaabot ko na ang mga pangarap ko. Napangiti ako nang isiping sabay naming maaabot ni Justin ang mga pangarap namin.

Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa rin sa isipan ko ang mga alaala namin noong high school pa lang kami. Yung unang beses ko siyang nakita habang nagbabasketball. Nung naging magkaklase kami at magkatabi ng upuan noong 4th year kami. It was honestly a dream come true for me. Naaalala ko pa yung araw na yun, first day of school. Sinigawan niya ako noon dahil kinulit ko siya para sa introduction. Di ko akalain na yun ang magiging simula ng lahat-lahat sa amin. Ang ugat ng lahat ng sakit pati na rin ng saya sa buhay ko.

Napabuntong-hininga ako sabay napangiti sa mga alaala namin dati. Parang kailan lang, sinaktan niya ako. Nabuntis nang wala sa oras, at sa edad na 18, naging isang ina. Lahat ng paghihirap na napagdaanan ko, ang nagpatibay sa akin. Naging matatag ako para sa anak ko. Nagkaroon ako nang panibagong inspirasyon. At kahit kailan, hindi ko inakala na darating ang panahon na magkakabalikan kami ni Justin. Pero nagpapasalamat pa rin ako kay God kasi binigyan niya kami ng pagkakataon.

Masasabi ko na ngayon maayos na ang buhay namin. Wala na kaming mahihiling pa dahil abot kamay na namin ang mga bagay na makakapagpasaya sa aming dalawa. Mayroon na kaming, guwapo at malambing na anak. Malapit na naming makuha ang diploma namin. Maayos rin ang samahan ng mga pamilya namin. At oo nga pala, pormal nang nagkakilala ang mga pamilya namin. Ganun na lang ang gulat ko nang malamang magkakilala pala ang mga magulang namin. It turns out na magkabatch ang Mommy ko at Mommy ni Justin noong high school. They were both members of a school org and were quite close. They lost touch during college since they enrolled in different Universities. That's when they met their husbands, my dad and Papa Marco. What a small world it is really.

And because of that discovery, palagi na kaming nagbabonding na magpamilya. Usually, we go out on sundays. We would go to a beach or an inland resort. Marco really enjoyed our every escapade and he really enjoys the attention. They also bought him toys, literally everything he wants. Minsan nga napapailing na lang ako, I don't want him to be spoiled but I know na kaya lang nila ginagawa yun dahil gusto nilang bumawi sa lahat ng pagkakataon na hindi sila bahagi ng buhay namin ni Marco. Kaya hinahayaan ko na lang din, if it's what makes them happy, then I will support them. Marco is so lucky to have a loving family.

I smiled as I watched my son bonding with his dad. Oo nga pala, maayos na ngayon ang paa ni Justin at hindi na rin siya gumagamit ng saklay. There are times na nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na muntik na siyang mawala sa akin, pero agad itong napapalitan ng saya kasi I realized that God indeed is working miracles. Maybe it was his way to let me realize how important and valuable Justin is. I remembered I was still holding back that time. Kahit na ilang beses nang may nangyari sa amin noon, alam kong naroon pa rin sa isip ko ang pag-aalinlangan at hindi ko rin kayang ibigay ng buo ang puso ko. Pero dahil sa nangyari, I've learned to live the moment. I don't want to let another day pass by without making them feel how I truly love them.

This is it!

The day we've all been waiting for has finally arrived. Today is our graduation day. Justin and I were getting ready together with our classmates for the graduation march. Nakahawak ako sa kamay ni Daddy at nakalinya na. Maya-maya pa nga ay nag umpisa nang tumugtog ang marching hymn at nagsimula na rin kaming maglakad patungo sa loob ng gymnasium. Ilang sandali pa ay nakaupo na kami sa kanya kanya naming mga upuan. Lahat ay nakangiti, at proud na proud sa suot na toga. I glanced at the far left side, and saw Justin looking at me. We smiled at each other and mouthed "I love you". I'm so nervous kahit na nakapagpractice na rin naman kami para dito. Parang hindi pa rin nagsisink in sa akin na pagkatapos ng araw na ito, officially graduated na ako. Tumayo na kami nang magsimula na ang emcee sa pagtawag ng mga pangalan namin. At dahil naka alphabetical order ito, tumayo na ako sa hulihan.

Love Fools Series #1: A Deal to Fall In LoveWhere stories live. Discover now