Chapter 15: Doubts

362 41 43
                                    

Akala ko hanggang doon na lang kami ni Justin. Akala ko talaga matatapos na kung ano man ang meron kami pero hindi pala. At ngayon naniniwala na talaga akong mahal niya ako. Dahil iyon ang  nararamdaman ko at naniniwala ako na yon ang totoo.

Nitong mga nakaraang araw ay nawalan na talaga ako ng pag-asa. Akala ko kasi magiging tuloy-tuloy na yung panlalamig niya. Pero iba ang nangyari dahil nitong mga nakaraang araw ay mas lalo siyang naging sweet sa akin. Nagiging madalas din ang paglabas namin at ngayon ay mas ramdam ko na siya. Yung tipong kahit magkasama na kami hindi pa rin niya mabitawan yung kamay ko. Feeling ko talaga ayaw niya ring mawala ako.

Minsan kahit nasa bahay lang ako at magkatext kami para siyang napaparanoid. Isang beses kasi nagbanyo ako habang magkatext kami at nakalimutan ko sa ibabaw ng kama yung phone ko. Nagulat na lang ako nang pagbalik ko ay tadtad na ng text at missed calls ang cp ko. Imbes na mainis, lalo akong natuwa kaya napangiti na lang ako. Ibig sabihin kasi nag-aalala din pala siya sa akin. Yun lang naman kasi talaga ang gusto kong malaman eh. Kung gaano ba niya ako kamahal.

Masaya ako kasi nagbalik na ang dating pagtrato niya sa akin. Ngayon nga ay dumoble pa. Napakaprotective niya. Minsan kahit sa mismong mga kabarkada niya, ayaw niya akong iwan. Pero syempre mas gusto ko naman yun kasi mas komportable akong kasama siya. Pag kasama ko siya, hindi ako nahihiya, hindi ko kailangang mailang. Parang ang gaan-gaan sa pakiramdam kapag kasama ko siya. Kaya nga ayaw ko nang mawala siya kasi nasanay na talaga akong kasama siya. Gustong-gusto ko kapag malapit ako sa kanya. Gustong-gusto ko yung kapag pinapagalitan niya kahit yung mga barkada niya kapag medyo nakakaoffend magjoke.

Ngayon pa lang natatakot na akong mawala siya. Alam ko kasi sa sarili ko na siya lang ang kaya kong mahalin. Siguro para sa iba, OA ang dating pero ako kasi, naiimagine ko na ang sarili ko na kasama siya sa pagtanda. Yung magkakaroon kami ng sarili naming pamilya, magkakaroon ng mga cute na anak at mga apo. Siguro nga masyado lang akong advance mag-isip pero ganyan talaga siguro kapag nagmamahal. Iniisip kasi natin na parte na tayo ng buhay ng isa't-isa kaya naman hinihiling natin na sana talaga siya na yung forever natin. Ako kasi ganun. Magmula nang maging kami ay talagang itinatak ko na sa puso ko na kami na talaga forever. Na wala na talagang iwanan to. Na kahit anong mangyari, ipaglalaban namin ang isa't-isa dahil kami ang magpapatunay na merong forever.

***************************************

Isa sa pinakagusto ko sa kanya ay yung pagiging showy niya. Hindi naman ibig sabihin nun na gustong-gusto kong nagpapahalik o nagpapahawak sa kanya in public. Gusto ko lang yung feeling na proud siya sa akin kasi girlfriend niya ako. Yung hindi siya nahihiyang hawakan ang kamay ko sa harap ng classmates at schoolmates namin. Yung pinagsisigawan niya sa mga taong mahal niya ako at ako lang ang girlfriend niya. Nakakataba ng puso. Imagine, isang dating playboy, ngayon stick to one na. Nakakaoverwhelm. Minsan nga iniisip ko kung panaginip lang ba ang lahat ng ito kasi kung nagkataong nanaginip ako, ayoko nang magising.

***************************************

*smack*
*smack*
*smack*

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang bigla niya akong halikan sa lips. Shocks! Nakakahiya talaga tong lalaking to. Hindi ba niya naiisip na nasa loob kami ng cafeteria at lahat ng mga mata ay nakatutok sa amin? Hinampas ko lang siya ng mahina at napayuko ako upang itago ang pamumula ng mukha ko. Hindi talaga ako sanay sa atensyon.

"Argh! Babe, nakakahiya. Andami kayang nakatingin!"

"Mabuti nga yan para alam nilang teritoryo kita at hindi ka na pwedeng lapitan. At saka, ang lalim kasi ng iniisip mo. Parang hindi na ako nag-eexist sa paningin mo. Mamaya baka ibang lalaki yan ah."

Gusto kong matawa sa reaction niya. Para kasi siyang nalugi. Para siyang batang naagawan ng pinakamamahal niyang lollipop. Nakapout pa talaga siya.

Love Fools Series #1: A Deal to Fall In LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя