12

263 20 1
                                    

MUKHANG inaasahan na ni Akira nang makita siya nitong pumasok sa private office nito. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ng ate niya at mukhang may ideya na ito kung bakit nandoon siya. Itinabi nito ang mga papeles na binabasa nito bago siya pumasok.

"Umupo ka muna, Alexa. Baka bigla ka nalang himatayin diyan," sabi ni Akira. Umiling siya kaya napabuntong-hininga nalang ito. "So? Naisipan mo na ring magbukas ng tv kaya nalaman mo na ang tungkol kay Louis at kay Margarette?"

"You... you mean, totoo ang lahat ng iyon?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Totoo na may babae siyang pinangakuan na papakasalan niya pero niligawan niya pa rin ako? Anong tingin niya sa 'kin? Palipasan ng oras habang naghihintay siyang magbalik 'yung Margarette na 'yon?"

"Hoy, Alexa. Dahan-dahan ka sa pambibintang mo," saway sa kanya ni Akira. "Sa tingin mo ba, totoo 'yang sinasabi mo? Na ginawa ka lang niyang pampalipas oras habang wala ang babaeng 'yon? Bakit? Habang magkasama ba kayo ni Louis, kahit kailan, naisip mo bang nagpapanggap lang siya? That he isn't honest with his feelings for you? Sa lahat ng tao sa mundo, ikaw dapat ang mas nakakaalam na totoo ang lahat ng ipinakita sa 'yo ni Louis. Na sinsero siya sa tuwing sinasabi niyang mahal ka niya. You had a chance to know the real him, right? Mukha ba siyang nagpapanggap lang sa harap mo?"

Natigilan siya. Her sister had a point. Louis had always been honest to her. Kahit kailan, hindi ito nagsinungaling sa kanya at open ito sa nararadmaman nito pagdating sa kanya. Sa tuwing sinasabi ni Louis ang katagang "mahal kita" ay kahit minsan, hindi niya naramdamang nagbibiro lang ito.

"Kung totoo ang sinasabi niyang mahal niya ako, bakit iba ang papakasalan niya?" hindi niya mapigilang sumbat sa lalaki. "He's in love with me. Ako dapat ang pakasalan niya at hindi ang babaeng 'yon."

"If he says he loves you and ask you to marry him, will you say 'yes?'" muli siyang natigilan sa tanong nito. "Hindi ka sasagot ng 'oo,' diba? You are so obsessed on putting your heart on guard. Takot kang magmahal dahil ayaw mong masaktan. Hindi ka handang papasukin si Louis sa puso dahil nagpatalo ka sa takot. Tapos ngayong mayroon ng ibang babae na handang ibigay sa kanya ang lahat ng pinagkait mo sa kanya, aakto kang ganyan? Stop being a selfish brat and grow up, Alexa. Hindi habang buhay, hahabol-habulin ka lang ni Louis. Kung ayaw mong mawala siya sa buhay mo, ikaw ang gumawa ng paraan para manatili siya at hindi siya maagaw ng iba. You owe him that much for constantly ignoring his feelings all these time."

"Paano kung mas piliin niya ang babaeng iyon kaysa sa 'kin?"

"Edi, tanggapin mo ang desisyon niya. You used to be a romance writer, Alexa. Alam mong sa pag-ibig, hindi ka laging panalo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang papaboran ni Kupido. If you don't want to lose him, fight with all your might to have him back," tumayo ito sa kinauupuan nito at lumapit sa kanya. Magaang nitong tinapik ang ulo niya. "'Wag mong gayahin ang ginawa ko dating hayaang mawala ang Kuya Ace mo sa 'kin. It took us few years to have each other back. At sinuwerte lang ako na ako pa rin ang mahal niya kaya kami uli hanggang ngayon. Paano kung tuluyan na siyang magpakasal sa babaeng 'yon? Hindi mo na siya pwedeng paghintayin pa ng mas matagal lalo na at may isang babae na handang tanggapin siya anytime. Kung ako sa 'yo, kalimutan mo na 'yang takot mo. You love him, right? That's the risk you have to take to have your own happy ending."

Umiiyak na tumango siya. Tama ang lahat ng sinabi ng ate niya. Kung mahal niya si Louis, dapat ipaglaban niya ito.

"And little sis," niyakap siya ni Akira at masuyong hinahaplos ang buhok niya. "This time, tell him properly your feelings. Siguraduhin mong maramdaman at malaman niyang mahal mo talaga siya. Louis already said everything he needs to say. It's your time to talk."

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido #7: No Erase (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ