6

103 10 0
                                    

TAHIMIK lang si Alexa habang tinitikmang lahat ang mga pagkaing nakahain sa buffet table. Nagpaalam si Louis kanina dahil nagpasama dito si Bloom. Nalaman niyang isa rin pala sa mga dahilan kung bakit gustong pumunta doon ni Louis ay dahil tutulungan nito ang sister-in-law nitong i-monitor ang catering dahil hindi makakarating ang kuya ni Louis na si Liui na siyang asawa ni Bloom.

Napaangat siya ng tingin nang tumigil ang musika na mula sa orchestra na tumutugtog para sa party. Nabaling sa entablado ang atensyon niya nang may marinig siyang tumikhim. Nakatayo sa platform ang isang may-edad na lalaki na sa tingin niya ay siyang organizer ng party na iyon. Kung hindi siya nagkakamali, ang tawag nito sa sarili nito ay Lolo Kupido. Matangkad ito at matikas pa rin ang tindig sa kabila ng edad.

Nakasuot ito ng white suit at tuxedo mask, may black cape din ito sa likod. Bigotilyo ito subalit kahit hindi niya gaanong makita ang itsura nito ay sigurado siyang magandang lalaki ito. Lolo Kupido somewhat emits mysteriousness in him. Kaya tuloy pati siyang wala namang pakialam sa mundo ay naenganyong makinig sa sasabihin nito.

"Good evening ladies and gentlemen," pagsisimula nito sa baritonong tinig. "Welcome to the Party of Destiny. Welcome to Mystic Landia. Kilala niya na siguro kung sino ako," bahagya itong ngumiti. "Ako si Lolo Kupido na siyang host ng party na ito," pinasadahan nito ng tingin ang mga guests na naroroon. "Hindi ko akalain na ganito karami ang magbibigay ng panahon sa pagtitipon na ito. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat," yumukod pa ito.

"Hindi kaila sa akin na may ilang tao dito ang hindi naniniwala sa destiny at hindi naman ako mamimilit na magbago kayo ng mga pananaw at paniniwala ninyo sa buhay. Sapat na sa akin na dumalo kayo sa pagtitipong ito at pansamantalang makalimot sa kanya-kanya ninyong problema sa labas ng lugar na ito.

"Isinasabay ko na rin sa pagtitipon na ito ang pagbubukas ng resort kong ito na tinatawag kong Mystic Landia. Nais kong maging memorable para sa bawat isa sa inyo ang lugar na ito. Nais kong magkaroon ng katuparan ang pangarap ng bawat isa na naririto sa larangan ng pag-ibig," ilang sandaling huminto ito. "Muli maraming salamat at sana ay magawa ninyong i-enjoy ang party na ito."

Pagkatapos ng speech na iyon ay muli na namang umugong ang malakas na palakpakan, kasabay niyon ang muling pagtugtog ng orchestra. Tumalikod na si Lolo Kupido at pumasok sa loob ng isang silid sa likod ng platform na iyon. Ibinalik na ni Alexa ang atensyon niya sa pagkain nang makaalis na si Lolo Kupido.

Habang pinapapak ang sliced fruits na nasa maliit na mangkok ay inilibot ni Alexa ang tingin sa paligid para hanapin si Louis na napansin niyang napatagal na ang pagbalik. Hindi niya ito makita sa mga taong nandoon. Saan kaya nagsusuot ang lalaking iyon? Ipinagkibit-balikat niya nalang iyon.

"Bahala na nga siya sa buhay niya."

Nang masawa na siya sa pagpapak ng pagkain ay ipinasya niyang maglibot-libot nalang. May nakita pa siyang ibang pinto bukod doon sa main entrance kaya lumabas siya doon. Napa-"wow" nalang siya nang makita niya ang pool doon na napapalamutian ng paraphernalias na konektado sa Valentines na mas lalong nagpaangat sa ganda ng lugar. May bridge sa gitna ng pool at sa gilid naman ay may built in falls na nagiiba-iba ang kulay.

Naglakad siya palapit sa pool saka hinubad ang sandals niya at ibinabad ang paa doon. Hinubad niya na rin ang suot niyang maskara para ma-enjoy niya ang tanawin. Huminga siya ng malalim at napangiti siya nang makalanghap siya ng sariwang hangin. Malamig ang gabing iyon bahagyang malakas ang hangin. She liked the feel of the evening breeze in her skin. Pakiramdam niya ay nilipad na rin ng hanging iyon ang lahat ng stress na nanipon niya nitong nakaraang buwan. She felt revived and new.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal doon nang maramdaman niya ang pagtapik ni Louis sa kanya. She immediately knew it was Louis because she remembered his scent. If there was one thing she liked about him, it was definitely his scent. Hindi niya alam kung anong gamit nitong pabango. Ngunit sigurado siyang mula noong college sila hanggang ngayon ay iisang klase lang ng pabango ang gamit nito.

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido #7: No Erase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon