2

134 9 0
                                    

            He leaned forward to get closer to her again. Ngumuso ito na tila hinihintay na magtagpo ang mga labi nila. Nguit imbes na labi ay palad niya ang sumalo sa mukha nito. "Mali ka ng iniisip. You lose."

"Ows?" tumaas ang kilay nito na tila hindi naniniwala sa sinasabi niya. "Oh, well. Okay. Sabi mo, eh. Pagbibigyan kita ngayon pero next time, I'll be taking that kiss, okay? And I'm not going to take 'no' for an answer."

"Baliw. Lumayo ka sa 'kin," iwinasiwas niya sa tapat ng mukha nito ang tinidor na nabawi niya rito. "Kapag lumapit ka pa sa 'kin, ipapa-pulis na talaga kita."

"Haay, bakit ba masyado kang allergy sa 'kin? Dahil pa rin ba 'to kay Clint?" natahimik siya. He took that as a yes. "Oh, come on. That was eight years ago. Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin ako napapatawad? Don't tell me, hangang ngayon may feelings ka pa rin sa kulugong 'yon? Dapat nga magpasalamat ka pa sa 'kin kasi iniligtas kita sa kanya. Kung naging kayo talaga, magiging kulugo ka rin."

Clint was the guy she liked way back in college. Everything was going smoothly between the two of them until Louis butted in. Kaklase niya sina Louis at Clint. Medyo close rin sila noon ni Louis dahil kaibigan niya naman ang lahat ng mga kaklase niya. Kaya hindi niya ma-gets kung bakit ginulo nito ang naudlot niyang love life.

Unang araw palang ng pasukan ay nagustuhan niya na agad si Clint. Ngunit noong una ay hindi siya nito gaanong pinapasin kaya nakontento nalang siya sa lihim na pagmamasid dito. Kaya nga daig niya pa ang nanalo sa lotto nang ligawan siya ng lalaki noong third year college sila. Ngunit nang araw na sasagutin niya na sana ang lalaki ay nagulat siya nang bigla nalang nitong sabihin na ayaw na siya nitong makita. She was shocked then. Tinanong niya ito kung bakit bigla-bigla nalang itong nagalit sa kanya. Ang tanging isinagot lang nito ay, "itanong mo kay Aquino," and then he left. Nang komprontahin niya si Louis ay lalo lang siyang nagalit nang marinig ang sinagot nito.

"Since you're my important classmate, I'm doing you a favor. I took that trash out of your life. You can thank me later."

Sinampal niya ito pagkatapos nitong sabihin ang bagay na iyon. Simula nang araw na iyon ay isinumpa niya na si Louis. Iniwasan niya na rin ang lalaki at nagsimula na siyang hindi kilalanin ang existence nito. Hindi na rin ipinilit ni Louis ang sarili nito sa kanya at hinayaan lang siya sa gusto niyang gawin. Naka-graduate sila ng college na ganoon ang set up nila. Akala niya ay hindi niya na uli ito makikita ngunit last year ay aksidente silang nagkita sa restaurant ng ate niya. Paborito pala nitong restaurant ang Akira's Cuisine. Simula noon ay halos araw-araw na siya nitong pinepeste.

"Shut up!" asar na saway niya rito nang magsimula nanamang bumangon ang pagkaasar niya sa lalaki. "Huwag mong siraan si Clint dahil kung kulugo siya sa tingin mo, ikaw naman, pigsa sa paningin ko! Di hamak naman na mas maayos si Clint sa 'yo, no!"

"Hey, don't compare mo 'to the bastard. Di kami magka-level. I'm too great compared to him."

"Oh, nag-aaway nanaman kayo," naiiling na sambit ng ate Akira niya nang lumapit ito sa pwesto nila. "Talagang binibinyagan niyo ng alitan niyo ang restaurant ko, ha? Bad 'yan. Mamalasin ako sa business ko."

"Suswertehin ka hanggat nandito ako sa restaurant mo," nakangising sambit ni Louis. "Pogi kasi ako. Tatayo lang ako sa labas, marami na akong maakit na customers."

"Yuck," puno ng disgustong sambit ni Alexa. "Gagawin mo pang host club 'tong restaurant ni Ate. Kung gusto mong ma-pick up ng babae, sa mga bar ka pumunta. Wholesome 'tong restaurant ni Ate at hindi ka bagay sa image nito."

"Asus, nagselos naman agad ang darling honey pie ko. Huwag kang mag-alala. Hindi kita ipagpapalit sa kung sino-sino lang diyan," nagpapa-cute na turan ni Louis. Pinalamlam pa nito ang mga mata nito at nag-pretty eyes pa sa kanya.

Kung hindi lang siya nakapagpigil ay hinampas niya na ito ng baso. "Nakakadiri ka! Lumayas ka sa harapan ko. Kapag nakarinig pa ako ng kahit isang salita mula sa 'yo, ihahampas ko na talaga sa 'yo tong plato!"

Itinaas nito ang dalawang kamay nito tanda ng pagsuko at kunway isinara nito ang mga labi nito na tila isang zipper. Inirapan niya ito at ibinaling niya nalang sa iba ang tingin niya. Good. Sa wakas ay nanahimik na rin ito. Ma-e-enjoy niya na ang ice tea niya na unti-unti ng tumatabang dahil napabayaan niya na.

"'Yan, behave lang kayong dalawa," naiiling na sambit ni Akira. "'Wag na uli kayong magulo, ha? Mahiya naman kayo sa mga customers ko."

"Ako pa talaga ang magulo? Eh, si Louis diyan ang unang lumapit at unang nambwisit" asar na binalingan ni Alexa si Louis na tahimik lang na pangiti-ngiti sa harap niya. Napailing nalang siya sa kunsimisyon at kinuha ang bag pack niya. Bumaling siya kay Akira na nakahalukipkip na nakatingin sa kanilang dalawa. "Whatever. Uuwi nalang ako. Okay na naman sigurong umuwi ako ngayon, diba, ate? Pinagbigyan na kitang pumunta ako dito kaya ibalik mo na 'yung battery at charger ng laptop ko, please lang."

"Hay, oo na. Oo na. Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon?" pumapalatak na sambit nito saka kinuha sa bulsa nito ang ilang piraso ng susi. "Hayan. Susi ng drawers sa kwarto ko. Nandoon sa pantatlong drawer 'yung charger at battery mo."

Walang imik na kinuha niya ang susi at naglakad na palabas sa restaurant. Napabuntong-hininga nalang siya nang makalabas siya. Pakiramdam niya ay naubos ang lahat ng energy niya sa pakikipagtalo kay Louis. Kung alam niya lang na nandoon ang lalaki ay hindi na sana siya pupunta.

Ayon kasi kay Louis ay pupunta daw ito sa Los Angeles para sa isang business conference kaya nagulat siya nang makita niya ito kanina. Halos araw-araw siyang tine-text ng lalaki para i-update sa mga ginagawa nito kahit wala naman siyang pakialam kung ano man ang gawin nito sa buhay nito.

Dati ay sinubukan niyang i-block ang number nito ng isang beses ngunit sumugod ito sa bahay nila at kinulit siya ng kinulit na i-unblock niya ang number nito. Hindi siya nito tinigilan hanggat hindi nito nakikita mismo na in-unblock niya na ito. Hindi niya na uli iyon inulit dahil binantaan siya nito na sa susunod daw na i-block niya ang number nito ay re-rape-in siya nito.

Lord, ano bang masamang ginawa ko at tinambak Niyo sa akin ang pesteng lalaking iyon? Mabait naman po ako, diba? Bakit kailangang danasin ko ang kunsimisyong ito?

Napu-frustrate na talaga siya. Ano kaya kung bigyan niya ang lalaki ng restraining order? Hmm, pwede. Tumango-tango pa siya. Ngunit nang maisip niya ang maarinig maging counter-measure ng lalaki sa gagawin niya ay gusto niya nalang maiyak sa sobrang inis. Hanggang kailan siya magtitiis sa lalaking iyon na ipinanganak yata para maghasik ng kunsimisyon sa buong mundo?

Lulugo-lugong pinara niya ang unang napadaang taxi sa harap niya at nagpahatid sa bahay nila.

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido #7: No Erase (COMPLETED)Where stories live. Discover now