VIII : Nyx on TV?

55 6 0
                                    

[Nyx Zaire's POV]

"Ako na" sabi sakin ni Eros at kinuha ng bag sakin at sya na naga-ayos ng ibang gamit ko.

"Nyx umupo ka muna sa wheelchair" sabi naman ni Enzo.

"Ano kaba Enzo, ok na ako noh" sabi ko pa sakanya.

Ngayun kasi ako ma di-discharge. Isang buwan rin ang tinagal ko dito sa ospital dahil kailangan kong magpahinga. At sa loob ng isang buwan na yun iba't ibang doktor ang nag check sakin pati psychiatrist para sayusin trauma ko sa apoy.

Nandito rin pala si Enzo dahil alam niyang ngayun ako ma di-discharge.

"Ate nandito na ang sasakyan" sabi pa ni Cassandra na kakarating lang.

"Tayo na?" Tanong pa ni Enzo kaya tumango ako sakanya at inalalayan nya naman ako sa paglalakad kahit kaya ko naman.

"Ok na ba talaga yang binti mo?" Tanong nya pa saakin sabay tingin sa binti kong malapit na naman maghilom.

" Oo nga" sabi ko pa.

" Nga pala eto, natapos ko na" sabi ko naman sakanya at binigay sakanya ang isang folder.

"Sabi ko naman sayong ipagpabukas mo nato eh" sabi nya pa at kinuha naman yun sakin.

"Wala naman kasi akong ginagawa at saka, na delay na nga yan dahil sakin ." sabi ko pa.

"Tsk, tigas talaga ng ulo" rinig ko namang bulong nya.

" Bulong ba yun?" Tanong ko sakanya.

"Hindi, sinadya ko talagang marinig mo" sabi nya pa saakin.

Kaya napailing nalang ako.

Ang laman kasi ng folder na yun ay yung listahan ng mga babaeng nag apply para sa bluehouse. Or should I say nag audition?

Sabi ko na sa inyo eh, pam PBB ang peg ng mga Apollo.

Ang pinagtataka ko lang naman ay pwede naman gumawa ng arrange marriage si Don Apollo para sa mga apo nya kaya bakit gumawa pa sila ng PBB eksena? Halata namang mga babaeng kilalado ang pamilya ng kukunin nila.

Hayst!

Nang marating na namin ang lugar kung saan pi-nark ni tatay ang sasakyan ay agad rin kaming sumakay.

Sa buong byahe naman ay puro bangayan lang si Eros at Cassandra habang nakikipag usap naman ni tatay kay Enzo. At nagpapanggap naman akong tulog.

Wala lang, ayaw ko lang sigurong mapasali sa usapan nila lalo na't paminsan minsan ay nababanggit nila 'sya'.

Nang makarating kami sa bahay ay umakyat na ako at pumunta muna sa kusina para uminom ng tubig ng marinig ko nanaman ang pangalan 'nya'.

"Nandito pala si Kuya Jacob" rinig kong sabi ni Cassandra.

"Ano pinaguusapan nila ni tatay?" Tanong naman ni Eros.

" Ewan" sabi pa ni Cassandra.

" Huy kayong dalawa bilisan nyo dyan at bumaba kayo dito sa shop. Maraming costumer ngayun" sabi naman ni Ate kina Eros.

" Nandyan na" sabi pa ni Cassandra.

Tapos nakita kong nag suot muna ng headset si Eros bago bumaba.

*Sigh*

Inubos ko ang tubig sa baso ko at pumasok ko kwarto.

Nagbihis ako ng comportableng damit bago humiga sa kama.

Criminal Mind [Jacob Hernandez]Where stories live. Discover now