IV : A Date to curse

70 7 7
                                    

[Nyx Zaire's POV]

"Hey Nyx, are you okay?" Tanong sakin ni Enzo nang mapansing lutang ako.

"Ha? Bakit?" Tanong ko.

"Sabi ko nandito na tayo" sabi nya at napatingin naman ako sa kinatatayuan ko. Lagpas na pala ako.

" S-sorry" sabi ko nalang at sinundan sya papasok.

Nakakabanas kasi yung Hudas na Apollo na yun.

"Hey Nyx!" Ngiting bati sakin ni Dave( ang Sc  Auditor)kaya ngumiti rin ako sakanya..

Nandito kasi ako ngayun sa Sc Building.

Pinatawag kami ng principal eh.

Umupo ako sa upuan tapos malapit pa akong matumba nang sirang upuan pala yung inupuan ko kaya binigyan ako ni Enzo ng bagong upuan.

"Nyx kanina kapa lutang. May nangyari ba?" Tanong naman ni Enzo.

"Ha? Wala" sabi ko at napatingin sa cp ko.

3:50 na malapit na ang out.

Hindi ko sya hinihintay ah? Tatakas pa nga ako eh.

"Nyx---"

"Hindi ko nga sya hinihintay" sabi ko pero agad rin akong natigilan ng makitang si Hiro yun.

"Uh? Ito yung files na pinapahanap mo?" Sabi nya sabay abot ng isang clear folder sakin.

"A-ah oo nga" ngiting sabi ko at tinanggap yun.

"Lutang ka talaga gurhl" sabi ni Prince----este princess daw pala dapat.

"Ate bakit ka lutang?" Tanong naman ni Eurika, ang pinakabatang member ng Sc.

"Wala nalipasan lang siguro ako ng gutom" sabi ko.

Kaya ayun hindi na sila nang gulo. Tapos nang dumating yung principal nagsimula na yung meeting.

"So bago tayo magsimula, para mas maiintindihan nyo ang meeting nato. Papanoorin muna natin yung balita" sabi ng principal.

(-_-) parati naman kaming nanonood ng balita bago magsimula ang meeting eh.

Nang ma on na ang tv ay nakapagsimula na ang ang balita tung sa mga Apollo.

(+_-) Apollo nanaman!

"Nais nang magkaroon ni Don Apollo ng apo sa tuhod bago pa man ito lumisan sa mundong ibabaw. Kaya naisipan nyang gumawa ng kompetensya para sa mga kababaehan upang maging asawa ng isa sa mga apo nya, at para narin daw ipakita sa mamamayan na ang pagpili nya ng mapapangasawa ng kanyang mga apo ay hindi mahalaga kung nanggaling sa mahirap o mayamang pamilya. Laganap na rin ito sa buong bansa------"

Hindi natapos ang telebisyon nang patayin agad ito ni Sir Principal.

" Narinig nyo naman siguro yun?" Tanong nya pa.

"Eh Sir, bakit naman tayo magkakameeting tungkol sa bagay nayun?" Tanong naman ni Herald.

" Kasi isa ang school natin sa napili upang magpakilala ng mga kababaehan" sabi nya pa sa boses nyang sobrang hina.

Diba dapat nag retire nato si Sir? 65 years old na sya ah. Naka wheelchair narin sya.

"Lolo, nakalagay rin dito na kailangan magpasa ng resumé. Ano to? Naglalaro lang ba sila? Tsk tsk tsk" Tanong ni Enzo habang nakakunot ang noong naka tingin sa mga papel na na-distribute kanina para sa meeting.

Criminal Mind [Jacob Hernandez]Där berättelser lever. Upptäck nu