X: The Dinner

11 0 0
                                    

[Nyx Zaire's POV]



Alam nyo ba yung feeling na hindi mo alam kung anong dapat mong maramdaman? Kung matatae kaba? Naiihi? Nahihilo? Kasi yan ang nararamdamamn ko ngayun nang sabihin ng maid na pumunta na daw ako sa dinning room. At oo, hindi ako binalikan ng hudas. Kaya nga hudas diba?


"Ah, ate pwede magtanong?" Tanong ko. Medyo napatampal pa ako sa sarili kong sinabi, eh nagtatanong na ako.


"Ano po yun?" nahiya ako sandali sa kagalangan ni ate na halatang mas matanda pa saakin.


"Bakit parang wala pa yung ibang Apollo?" tanong ko sakanya. Naisipan ko kasing kung dito nakatira ang mga apollo, edi dito rin umuuwi si Lucas, atleast meron akong ka close dba? At para hindi rin ako mailang sa palasyo nato.


"Ah, baka mamayang gabi pa sila babalik ma'am" sabi nya kaya napakamot ako. At napatango nalang saka kami nagpatuloy sa paglakbay papunta sa dinning room.


Kinakabahan ako, baka kasi mamaya ica-career talaga ng hacob na yun ang pagkahudas nya at wala rin sya sa dinning room. Mapapatay ko na talaga sya kung ganun.


Mas kumabog pa ang dibdib ko nang nasa harapan na kami ng malaking pinto. Actually malaki naman lahat ng pinto dito, karamihan double door pa. Napaka susyal talaga ng mga Apollo. Pero parang nahihilo na ako sa kaba.


"Nandito na po tayo ma'am" Sabi nya nang huminto na kami.


"handa na po ba kayo?" Tanong nya na mas nagpakaba saakin.


"Handa sa ano manang?" kabadong tanong ko na bahagyang napatawa si manang.


"Pasensya na ihja, nahahalata ko kasi ang kaba mo. Wag kang mag alala, mabait naman ang mga Apollo" sabi nya kaya napa ngiti nalang ako pabalik tas parang slo-mo lang ang pagkabukas niya ng pinto na syang kumuha ng hininga ko.


Nagsuot ako ng maayos na light pink dress at ginamit ang pink na 3 inch heels na pindala ni Cassandra. Nag lagay rin ako ng light make up para hindi naman ako masyadong yagit sa harap nila. Pero masama parin pakiramdam ko sa moment nato. Parang yung kasali ako sa isang pageant at ako na ang next na tatawagin.


Tinignan ko ang mga mukha ng mga taong nasaakin ang ma mata ngayun at halatang ako nalang ang hinihintay. At para naman akong robot na na estatwa sa titig nilang lahat. Nilibot ko narin ang tingin ko sa paligid pero wala akong nakitang hudas.


At napagdesisyunan ko sa mismong mga oras na ito na mapapatay ko na talaga ang hudas na yun.


"So you're Nyx?" Sabi ng isang magandang babae na nasa mid 30's pa ata. Baby face naman ni madam.


"Come sit" Wala naman akong ibang magawa kaya sinunod ko ang sinabi nya at kitang kita ang malaki nyang mga ngiti. Kaso nakakailang paring ang titig nga lahat saakin lalong-lao na ni Don Apollo at ng isang poging kuya sa harapan ko ngayun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Criminal Mind [Jacob Hernandez]Where stories live. Discover now