26-Highschool

308 10 0
                                    

High school



Bitbit ang isang libro nakayukong tinungo ni Iris ang locker niya. kailangan niyang magmadali dahil naghihintay na ang kaibigan niyang si Lyka sa library. May usapan sila ng kaibigan na magkita doon para sa project nila sa English.


Dahil maarte ang mga mayayaman nilang kaklase ayaw ng mga ito na sila ang maging kagrupo buti nalang pangdalawahan ang project. Hindi na nila kailangan makisingit sa iba.


Nang marating ang locker binuksan niya iyon. Hindi na siya nagtaka nang mahulog mula doon ang pulang sobre. Laging ganito ang bumubungad sa kanya kada bukas niya ng locker.



As usual it's a love letter from The Jason Young, halos magiisang buwan na ang ganitong eksena. Unang araw palang ng makatanggap siya ng sulat- kuno nito- niirita na siya.



Jayson Young is known for being the campus playboy.



Alam niya na hindi ito seryoso sa mga ginagawa nito.



Walang pagalinlagang dinampot niya ang pulang sobre at itinapon sa basurahan. She never read his letter. Wala siyang interes doon.


Kinuha niya ang gamit na kailangan at tinungo na ang library.


The next day, the same thing happened in her locker. Tinapon niya iyon ulit.




Naglalakad si Iris sa botanical garden ng paaralan. Bakante sila ngayon ng kaibigan pero hindi niya kasama ito dahil may tatapusin pa daw itong essay sa library. Gusto niyang samahan si Lyka pero ayaw niya munang sa library tumambay.


Masaya niyang diniligan ang mga tanim doon.


Sa loob ng isang taon niya sa Del Paz bilang scholar, library at ang botanical ang paborito niyang tambayan.


"Hi!"

Napatalon si Iris sa gulat ng may nagsalita sa likod ng kanyang tenga. Hinampas niya kung sino man 'yon ng water can na hawak.

"Aray!"





Masama niyang tiningnan ito.


Padabog na binitawan ang water can at nagsimulang magmartsa paalis. Bago pa siya tuluyang makaalis may humawak sa braso niya.




"Ano ba!" sigaw niya rito




"Easy!" he chuckled "Hi! I'm Jayson. Jayson Young"




"I don't care!"



Alam niya kung sino ito. Sa reputasyon ba naman na meron ito sa paaralan nila? Tss




"You haven't read any of my letters"


"So?" nakataas kilay niyang sabi


"I wrote there that I want to court you"


Pinigilan niyang matawa. The Jayson Young will court her? A joke for the year! Kung isa lang siya sa mga babaeng nahuhumaling dito sigurado umabot na sa langit ang kilig niya pero hindi. Hinding-hindi siya magiging isa sa mga babae nito.

Na kay Jayson lahat ng ayaw niya sa lalaki at tanga lang ang maniniwala sa lumalabas sa bibig nito.



Inagaw niya ang brasong hawak ng lalaki.




"No thanks" sabi niya sabay alis.



Wala siyang panahon sa mga ganong bagay. Mataas ang pangarap nila ng ate Maria niya. Malayo pa sila roon kaya ayaw niya ng may makakasira ng pangarap nilang magkakapatid.

Kinabukasan nakita niyang nakatayo si Jayson sa pintuan ng kanilang classroom. Iba kasi ang section nito. Hindi niya iyon pinansin. Tuloy ang lakad nila ni Lyka papuntang library.

"Hey beautiful!" he called. Maraming studyante ang napatigil sa paglalakad at nagtitili.

Hindi siya lumingon.


Sa buong isang linggo nag-abang ulit si Jayson sa kanilang classroom. Hindi niya pinansin ang lalaki kahit na naglalakad ito papalit sa kanya. Buti nalang at marami itong babae kaya hindi ito tuluyang makalapit dahil naharangan.

Nagpatuloy ang pagbibigay nito ng love letter kuno sa locker niya. Minsan may tsokolateng kasama o kaya'y bulaklak. Ibinibigay nalang niya iyon sa janitress na naging kaibigan niya.

Isang araw, mag-isa si Iris na nagbabasa sa sulok ng library. Wala kasi si Lyka may lagnat kaya hindi nakapasok.



Naputol ang pagbabasa niya nang may humarang na rosas sa pahina ng kanyang librong binabasa. Matalim ang tingin niyang tiningnan kung sino ang may gawa n'on.




Malaki ang ngiti na nakaplaster sa mukha ni Jayson.




"What?!"



"I'm courting you"



"No thank you" tumayo na siya para maghanap ng ibang pwesto na walang mangugulo. Sumunod ito sa kanya.





"You will eventually like me, Iris. So why shut me off?"





"You're being delusional. Hindi lahat makukuha mo. Maghanap ka ng iba ayoko sa'yo"






"Why?"






"I just don't like you"



"One day you will like me- no... you will love me. You will fall hard"

"Keep dreaming. It's free"


"When that time comes... wala kang kawala sa'kin. I will marry you and be the mother of my children"



Tiningnan niya ito na parang nagjo-joke ito na hindi nakakatawa.


"Well, I guess you'll just keep on dreaming?"


"I will stop courting you-"





"Thank you! You made my day"




"For now, Iris. But when the time comes... when the time that I'll see you again. I will chase you and I won't stop till I have you"




"Say what you want and leave. So I can have my peace back"




"One day..."


Tumalikod na siya. Kailangan niyang matapos ang binabasa, naiiexcite na kasi siya kung sino.talaga ang tunay na killer sa binabasa.



She run until she can't catch her breath. It stopped chasing her. She look around to make sure no one's there. She saw it. She saw how it kills, she saw how it cut throats and it scares her. But the blood...




"Okay"

Jason Young [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon