10-Close to you

295 14 2
                                    

10




Nakahinga ng maluwag si Iris. Hindi siya sesante. Makakasama pa niya ang pamangkin. Napangiti siya, Mabait rin pala si Jayson kahit inaway niya ang nobya nito. Akala niya sesante na talaga siya, buti nalang… mabuti nalang mabait si The Jayson Young.



Umalis agad si Jayson sa kwarto ni Kent pagkasagot nito sa tanong niya. Ipinagkibit balikat nalang niya ito. Pinuntahan niya ang pamangkin para tulungan ito sa pagkain. Naabotan niya itong seryosong hawak ang kutsara.


Napangiti siya sa ka-cute-tan ni Kent. Kamukha nito ang ate niya kapag masyadong seryoso. Nakakunot ang noo at lumulubo ang pisngi. Nanggigigil niyang pinisil ang pisngi ni Kent. Lumingon ito sa kanya at ngumiti.


“Tita-mommy!”






“So clingy my baby Kent” kinarga niya ang pamangkin at siya ang naupo sa upuan nito. Pinaupo niya ng patagilid ang pamangkin sa kandungan niya.




“Nahihirapan ba ang baby sa pagkain?”



“No po, tita-mommy. I can eat me alone lang”

“Really? So big boy na my baby?” mabilis na tumango si Kent. Pinisil niya ulit ang pisngi nito.


Siya na ang nagsubo kay Kent. Patapos na sila nang bumukas ang pinto sa kwarto ni Kent napalingon silang dalawa ng pamangkin doon.


Pumasok si Jayson na may dalang transparent box. Kita niya ang laman doon- alcohol, betadine, bandage, gauze, medical tape at bulak. Nagkatagpo ang kanilang mga mata pero agd siyang nagbawi nang malaman kung ano ang plano ng binata.


It would be awkward.

“JK, can you help me put medicine on your tita-mommy’s arm?” at talagang ginamit pa talaga nito si Kent para hindi siya makahindi dito. Tss..

“Yes po, daddy!”


Pumayag na si Iris dahil si Kent ang kumuha ng bulak at betadine sa kamay ni Jayson. Maingat lang ang paglapat ni Kent ng bulak na may betadine sa kanyang braso. Hinihipan din ni Kent ang braso niya. Napangiti siya dahil doon.

Kent is so precious. He is her treasure.

Si Kent na rin ang naglagay ng bandage doon.


“Don’t hurt my tita-mommy” sabay halik sa braso niyang may bandage. Napayakap siya tuloy siya sa pamangkin.

“I love you, baby” bulong niya sa tenga nito.

Jayson was just staring at the two hugging. Gusto niyang sumali pero ramdam niyang hindi siya welcome. Pinagsawa nalang niyang pagmasdan ang magandang eksena sa harap niya. At hindi iyon napansin ni Iris.



Kung lilingon lang sana ang dalaga kahit sandal, makikita niya ang mapupungay na mata ni Jayson, na puno ng pagmamahal. Na kahit ang may-ari ng mga matang iyon ay hindi alam kung gaano niya kamahal ang babae sa kanyang harapan.



=============



Apat na buwan ang lumipas na nasa poder siya ni Jayson kasama si Kent. May nagbago ng kakunti tulad ng magkasama silang tatlo kumain tuwing nasa bahay sila. Noong una umayaw siya dahil sa tingin niya awkward kapag kasama mo ang amo mo sa kainan, pero malipit ang pamangkin niya kaya napa-oo na rin siya. Wala na siyang stock ng instant at canned good dahil ipinagbawal ito ni Jayson sa bahay. Pati ang mga kasambahay bawal na rin kumain ng mga processed foods.

Iyong si Serene naman, hindi na napunta sa bahay ni Jayson. Nalaman niya pagkatapos ng dalawang araw mula ng makaharap niya si Serene, kay Jane na kapatid si Serene sa yumaong asawa ni Jayson.


Jason Young [Completed]Where stories live. Discover now