20- Court

295 13 0
                                    

20


Sometimes you gotta get through your fears to see the beauty on the other side. -The Good Dinosaur

-----------------------------------------------------------------------------------

"Have you packed your clothes?" tanong sa kanya ni Jayson.

Nasa kusina si Iris ngayon dahil bigla siyang nauhaw nang patulog na sana siya. Kanina pa tulog ang alaga dahil excited ito para bukas.


"Oo" ang totoo hindi pa siya nakaimpake. Ang plano niya ay gigising siya nang maaga at saka na magiimpake.


"We'll be on vacation for four days. Dapat Saturday afternoon nandito na tayo dahil balik na sa Monday ang class ni JK?"




"Okay..." hindi na sana niya ito kakausapin nang maalalang, baka pwede nilang isama si Jane. "Hindi ba natin isasama si Jane?"

"Hindi na. Maraming magbabantay kay JK. We have Mom, Dad, me and you. I give Jane a three days off."


Napatango siya.

Hinugasan niya ang ginamit na baso at inilagay sa lalagyan. Naglakad na siya paalis sa kusina nang hawakan ni Jayson ang kanyang braso.

"What?!" matigas niyang wika. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito sa kanyang braso.

Nagulat siya sa ginawa ni Jayson. Hindi niya naihanda ang sarili sa ginawa nito. Muntik na niyang sapuhin ang nagtatambol na puso.



Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, masarap sa kanyang pakiramdam ang mainit nitong kamay na nakahawak sa kanyang braso.



Tumaas ang kanyang tingin mula sa braso patungo sa mukha ni Jayson.




"I thought you accepted me being your friend. Why are you so cold, again?"



Hindi niya magawang iiwas ang mukha kay Jayson. Tila ba may kapangyarihan itong kunan siya ng lakas para hindi makaiwas.

She's staring at him and he's staring at her.


"This is me, being your friend..."





"No. I saw how you treated Lyka as your friend. You're not cold at her."





"Because she's my bestfriend"




Humaplos ang hinlalaking daliri nito sa kanyang braso. Banayad ang bawat haplos.



The temperature of her body rises. Uminit lahat ng sulok ng kanyang katawan, pero napansin niya na mas uminit ang ibaba ng kanyang tiyan.


Another foreign feeling.




"W-what are you... d-doing?" halos kapusin siya ng hininga habang nagsasalita.




"I want to be close to you, babe. I like you..."



Nanlaki ang kanyang mga mata, laglag ang kanyang panga at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Rinig na rinig niya kung gaano kalakas iyon at siguradong rinig din ito ni Jayson.


Mabilis niyang binaklas ang kamay nito mula sa kanyang braso at agad tinakbo paakyat ang kuwarto niya. Hindi niya alam kung paano narating ang kuwarto niya na hindi nadapa. Lutang ang kanyang pakiramdam, hindi niya alam kung paano niya tinakbo ang hagdan.


Agad niyang ini-lock ang pintuan ng kanyang kuwarto pagkapasok. Naisandal niya ang nanghihinang katawan.




Hanggang ngayon malakas parin ang tibok ng kanyang puso. Sinapo niya iyon gamit ang dalawang kamay.



Jason Young [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat