24-Tear

293 10 0
                                    

24










Natapos ang bakasyon nilang tatlo na sila lang. Hindi nakasunod ang mga magulang ni Jayson. Busy daw sa pagpapasyal ng kapatid ni Mrs. Young.



Four days of vacation is too short for Iris. Gusto niya pang magtagal pero alam niyang hindi pwede. Meron talagang katapusan sa lahat. Kailangan harapin ang bagong kabanata.

Pagkarating nila sa bahay ni Jayson agad siyang sinakop ng pangamba. Hindi siya handa na may makaalam na nanliligaw si Jayson sa kanya.



People will talk. They will judge. Sasabihin na immoral siya. That she used her nephew to get Jayson.



Sa loob ng tatlong araw na bakasyon nila, ipinaramdam ni Jayson sa kanya kung paano ito mag-alaga. She saw Jayson’s good side that she previously thought he can’t be someone worth to be love.


He’s sweet. He always wants to cuddle, always. He thinks of her and Kent first. He’s also get jealous easily.



Minsan may ibang guest na napatingin sa kanya o tingin ni Jayson na nakatingin sa kanya- kahit hindi naman- lalapitan nito at tatanungin kung anong kailangan nito sa kanya. Minsan, napipigilan niya ito’ng hindi lapitan ang ibang guest. Nahihiya siya.



He would sulk and kiss her in front of people.



Ang pamangkin naman niya ay nakikisali rin sa trip ni Jayson. Magkasundo ang dalawa.




“Gusto mong magpahinga? Ako muna ang magbabantay kay JK” naputol ang pag-iisip niya nang magsalita si Jayson.



Kakapasok pa lang nila sa bahay ni Jayson. Ang mga kasambahay nito ang nagdiskarga ng kanilang mga gamit. Dahil iyon ang gusto ni Jayson. She wanted to bring her bag since it’s not heavy but Jayson stopped her. Wala siyang nagawa nang hilain siya paalis sa garahe.




“H-huh? ‘wag na!”





“Are you sure?” tumango siya.


Tiningnan niya ang kamay na hawak ni Jayson. Kinakabahan siya nang mapagtanto na baka nakita iyon ng kasambahay ni Jayson.




They will gossip, for sure!



Tila ba napaso siya sa hawak nito at mabilis niyang inagaw ang kamay. Nagtataka si Jayson na nilingon siya.


“Why?”




“Makikita nila”




“So?”




“Hindi ka natatakot?”



“Why would I? They can’t do anything about it. This is my life. This is our life” wika nito sabay halik sa kanyang labi.




Napaatras siya sa ginawa ni Jayson. Mabilis siyang tumingin sa paligid baka may nakakakita sa kanila.





“Jayson!” she hissed.



Tahimik siyang nagpasalamat nang wala siyang makitang iba bukod sa kanilang tatlo. Tulog si Kent kaya hindi rin nakita ng bata.






“What?” he chuckled





“Nasa bahay mo tayo!”





This is Jayson and Celine’s house. She doesn’t want to disrespect it.



Sa kuwento ng mga kasambahay ni Jayson sa kanya tungkol sa dati nitong asawa, alam niyang sobrang bait nito. Hindi siya nakarinig ng kahit isa na masamang kuwento kay Celine.



Jason Young [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon