Bago pa tuluyang magtalo itong mga kasama niya itinapat niya ang mic sa bibig at nagsalita. Totoo naman ang sinabi ni Zamiel, wala siyang sasabihin pero dahil itinutulak ng barkada nila ang speech, gagawin niya kahit papaano.

"Hello, ipinipilit ng mga barkada ko na magsalita ako kaya birahin natin nang ma-blow ko na iyong kandila sa cake saka iyong may hawak."

Napangisi siya nang makita niyang mag-tense si Zamiel mula sa gilid ng mga mata niya. Kung hindi lang din lolokohin ni Ridge ang sarili, kitang-kita niya rin ang pamumula ng mga pisngi ng binata. Samantala, dahil sa sinabi niya, naghiyawan ang mga bisita niya at tinudyo silang dalawa pero ipinagsakibit balikat niya lang iyon.

"Iyong mga may dalang tapperware, bukod sa pamilya niyo, pati rin yata buong baranggay ninyo pakakainin niyo 'no?" Panunudyo niya roon kay Jamaica at Matty na hindi rin talaga nahiya na ipakita iyong bitbit nilang mga tapperware. "Flinex niyo pa, palabasin ko kayo, e."

"Ano ka ba, Ridge! Maghahakot lang kami ng pangkain ng ilang araw! Kulang na kulang ang sahod! Baka naman, papi East?!" Hiyaw ni Matty sa likod, dahilan para balingan ito ni Easton.

At kung tutuusin, nagulat pa nga ito.

"Ba't sa 'kin? Diyan kayo kay Wade, siya nagdi-distribute ng sahod niyo."

Nagulat din si Wade at maging ito, hindi makapaniwala sa sinabi ni Easton.

"Ba't ako?! Sa 'kin pinasa iyong sisi, aba?! Magkakakilala tayo mula ng college pero matatapos na rin yata samahan natin dito 'no?!"

"'Wag kayong ganyan. I-step up niyo pa pang-aasar niyo kay Easton. Ang hihina niyo e," sabad naman ni Aaron.

At muling nakalimutan ng mga tao na birthday pala niya. Aliw na aliw silang lahat at palagay pa ni Ridge, mukhang made-delay na naman ang kasal nina Aaron. Kung ma-delay man, sila na ni Zamiel ang mauuna. Walang pakundagan at walang hintayan kapag kasal-kasal ang usapan.

Though, he knows that it's still early to think about marriage. Ni wala pa nga silang ipon ni Zamiel, e. Meron daw itong pinagkagastusan noong minsan at ayaw nitong ipasabi kung ano.

Nang kumalma ang mga ito, muli pa siyang itinulak ng mga kasama na tapusin ang speech nang mahipan na niya ang kandila sa cake at nang makalamon na silang lahat.

"Wala naman na 'kong sasabihin. Basta 'wag kayong mang-ubos ng spaghetti kasi paborito ko 'yon," ito lang ang huli niyang mga salita bago bumaling sa birthday cake na noo'y bitbit pa rin ni Zamiel.

Nang hipan niya iyon, mabilis siya na kinongratulate ng mga bisita. At hindi lang doon natapos, talagang tsumansing pa ng halik si Zamiel na dahilan ng panibagong round ng hiyawan.

Mahina niyang itinulak si Zamiel na natawa lang. "Tsatsansing pa, e."

"Open minded naman mga bisita," sagot naman nito bago inilapag ang cake sa lamesa.

"Pasalamat ka talaga wala akong ano e, batang bisita."

"Sina Zach at Leon, isip bata. Do they count?"

"Hoy, narinig ko 'yon!" Sipat ni Leon na noo'y nasa likod lang pala nina Ridge at abalang mang-atake ng fruit salad. "Savage niyong dalawa, kaya kayo na-delay ng ilang taon, e."

"That doesn't even make any sense, Leon," asik ni Zamiel dito.

Iniyuko ni Ridge ang ulo ng kaunti nang magkakitaan si Leon at Zamiel saka makapag-away ng mas mabuti. He knows his place and that is not to get involved in their argument. Kaya naman kukuha nalang siya ng paper plate at saka kukuha ng isang malaking scoop ng spaghetti.

No make that about ten scoops basta punung-puno ang paper plate niya. Tapos noon, iginala niya ang mga mata sa handa hanggang maningkit ang mga iyon dahil ang daming kamay na nagsasapawan sa sandok.

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Where stories live. Discover now