Prologue

1.3K 59 2
                                    

Two years after...

Sabay na idinaos ang graduation party nina Chynna at Toffer sa isang maganda at romantic na restaurant, na noon ay exclusive lamang para sa pamilya nila at mga malalapit na kaibigan.

Dagdag na rin sa okasyon ang pagiging Magna Cum Laude ng binata at pagkaka-graduate ni Chynna na walang bagsak na subject. Indeed, nakatulong si Toffer sa pagiging inapirasyon nito sa buhay niya.

"Congrats sa ating lahat!" masayang tumayo at itinaas ni Chynna ang wine glass para mag-toss ang lahat at i-celebrate nang masaya ang araw na 'yon. "Especially to my dearest and handsomest Christopher John for being a Magna Cum Laude, any inspirational message, love?" masaya at proud na sabi ni Chynna sa lalaking minamahal.

Time flies really fast. Parang kailan lang nang una n'ya itong makita, makilala, makaaway, makainisan at maka-in love-an, ngayon matatag pa rin ang relasyon nila though minsan ay malakas pa rin ang topak n'ya at hindi pa rin naaalis ang pagiging fangirl, pilit naman siyang iniintindi nito sa abot nang makakaya nito.

Mag-ti-three years na din sila. Kinilig siya sa ideya na mas lalo lamang nadagdagan ang pag-ibig nila sa isa't isa. Iniisip na nga n'ya ang future na kasama ito. Siguro kapag nag-propose ito sa kanya baka bigla na lang siyang himatayin, hindi prepared ang utak at puso n'ya para doon. Natawa tuloy siya sa naisip n'ya, masyado pa kasing maaga para sa iniisip n'ya, kaka-graduate lang nila!

"But first of all, Emir wanted to serenade us all with his beautiful song composition." imporma ni Toffer.

Muli siyang napangiti. Her first super crush, the ever talented Sandro Emir, who also graduated as Summa Cum Laude, kaya sobrang proud ang buong pamilya nilang lahat.

So far, naging malapit na magkaibigan na rin ang dalawa since naging sila ni Toffer, napansin n'ya sa kasintahan na mas naging malawak ang pang-unawa nito at mas naging understanding.

Kapagdaka'y nagsimula nang kalabitin ni Emir anv strings ng gitara nito, sinulat daw nito ang melody at lyrics ng love song na 'yon, na pinamagatang "Marry me". Nang magsimula na itong kumanta ay muling nagbalik ang pagiging fangirl n'ya sa lalaki.

Nagulat siya nang biglang takpan ni Toffer ang kanyang mga mata dahil baka daw bumalik ang Chynna na super fangirl ni Emir at makalimutan na n'ya ito, na tinawanan lang n'ya. Impossible! Kahit isang daang Emir pa ang dumating at magpakita sa buhay n'ya, kailanman ay hindi nito matutumbasan ang nag-iisang Toffer. This is true love, indeed.

Saglit pa ay niyaya siya ni Toffer na sumayaw sa may gitna habang kumakanta ang pinsan nito. Saglit pa ay nagsisunuran na rin ang iba.

Nagulat siya nang biglang namatay ang ilaw sa buong paligid.

"Brownout!" malakas pa ngang sigaw n'ya.

Gusto n'yang bumalik sa kanilang mesa kanina para kunin ang cell phone n'ya sa bag para may flashlight sila, kasi ang weird lang dahil wala man lang nagsisindi ng flashlight sa mga cell phone ng mga ito.

Nang biglang umilaw ay biglang bumulaga si Toffer na nakaluhod ang isang tuhod sa kanyang harapan, habang pumapailanlang ang magandang kanta sa gitara ni Emir.

Kumabog nang mabilis ang puso n'ya. Huwag sabihin ni Toffer na may kinalaman ang kinanta ng pinsan nito sa gagawin nito sa harapan n'ya?

Bigla ay para siyang naha-hyperventitale dahil sa labis na kaba. Sabi nga n'ya kanina, hindk siya ready sa mga ganitong eksena sa buhay n'ya. Pilit n'yang kinakalma ang puso n'ya pero dumagdag pa ang panginginig ng katawan n'ya, hindi na n'ya ma-kontrol ang sarili n'ya.

"My heart and soul belongs to you, my world revolves around you and my heart is truly only for you." madamdaming wika ni Toffer sa kanya.

Titig na titig ito sa kanyang mga mata kaya mas nadagdagan ang kaba sa puso n'ya. Magpo-propose nga ba talaga ito sa kanya o it's a prank? Pero feeling n'ya malapit na siyang panawan ng ulirat. Promise. Tahimik ang kapaligiran maliban sa magandang tugtog sa gitara ni Emir, ang lahat ay masayang nakatuon ang atensyon sa kanila.

Soon to be Married with my Enemy (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora