10

5.3K 200 0
                                    

"Gusto ko lang ipaabot ang pasasalamat ko sa mommy mo, sa ginawa niyang lunch para sa akin. Napakasarap niyang magluto!" nakangiting sabi niya. Tumango ito at akmang aalis na nang awatin niya ito, kaya muli itong bumaling sa kanya. "'Yong lunch box nga pala, nahugasan ko na 'yan." Nakangiting inabot niya 'yon dito na mabilis din nitong kinuha sa kanya.

"Anything else?" tanong nito.

Umiling-iling na siya. Naglakad na ito palapit sa sasakyan nito nang muli siyang magsalita. Alam niyang hindi niya dapat itanong 'yon, kung bakit bigla na lang 'yon dumulas mula sa kanyang bibig.

"K-Kayo ba ni Reneé?"

Hindi nagbago ang unemotional face nito, ni hindi man yata nagulat sa itinanong niya. "Why?" malamig na tugon nito.

"Ha? Ah, wala naman, naitanong ko lang. Ang saya mo kasi kapag kasama mo siya at bagay na bagay kayo." Malumanay na sabi niya. Nakatitig lang ito sa kanya at walang anumang reaksyon sa sinasabi niya. "Kung mahal mo talaga siya, dapat ipaglaban mo siya."

"Why are you saying that? Are you jealous with Reneé?" diretsang tanong nito na ikinalaki ng kanyang mga mata.

"W-What?" nagulat niyang tanong. Saka niya pinaypayan ang sarili niya. "Of course not!" Ang feeling, ha! Bigla na namang tumubo ang inis niya dito, akala niya ay okay na sila pero masyado namang assuming ang lalaking ito!

"That's good then," anito, saka akmang bubuksan na ang pintuan ng sasakyan nang muli itong magsalita. "I saw you with my cousin a while ago. At kapag may nakakita sa inyo sinuman sa miyembro ng pamilya natin, tiyak aakalain nilang patay na patay ka kay Emir, which was true. Right?" hindi niya alam kung galit ba ito o may sarcasm sa sinasabi nito, wala kasing emosyon ito pati ang mga mata nito.

Napalunok siya nang mariin. "I-Ikaw rin naman ah, magkasama kayo ni Reneé."

"They've known Reneé for years now and they knew that we're just friends."

"E, wala naman kaming relasyon ni Emir, ah."

"But you look so in love with him!"

Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. "Ikaw din naman—" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang mabilis na itong nakapasok sa loob ng sasakyan nito at mabilis nang pinaharurot 'yon. Naiwan tuloy siyang kunot na kunot ang noo.

Ang kapal ng lalaking 'yon para sabihan siyang baka magkagulo ang pamilya nila kapag nalaman ng mga ito na in love siya kay Emir, samantalang ito ay halata din namang in love kay Reneé pero siya ang pinagbubuntunan nito.

"Ano'ng problema niya?" naiinis siyang napasuntok sa hangin.

ISANG GABI ay nagulat na lang ang pamilya Versoza nang hindi sila na-inform na dadalaw ang pamilya Lim sa bahay nila. Hindi tuloy sila nakapaghanda nang masarap na pagkain, nakapaglinis ng bahay at nakapag-ayos ng kanilang sarili—nakadamit pambahay lang kasi sila—lalo na siya, dahil baka mapagkamalang pamunas ang damit na suot niya.

Gusto sana niyang magpalit ngunit hindi na siya hinayaang makaalis sa pagkakahawak ng mommy ni Toffer na noon ay nasa kaliwa niya—sa kanan niya nakapuwesto ang binata. Mabuti na lang at nakaligo na siya kanina bago pa dumating ang mga ito. Nagbatian sila saka giniya ng mama niya ang pamilya Lim sa sala para maupo sa sofa. Hindi na nag-abalang magluto ang mama at papa niya dahil may dala ng pagkain ang pamilya Lim na niluto pa daw ng mommy ni Toffer.

"How's the pastry business?" nakangiting sabi ng lolo ni Toffer sa papa niya, na mukhang namumutla ang mukha at malaki ang ipinagbago ang hitsura sa huling pagkikita nila nito, gayunpaman ay masayahin pa rin ang aura.

"Okay naman po Mr. Lim, nabubuhay naman kami ng araw-araw sa tulong ng maliit na negosyo namin." Nakangiting sagot ng papa niya.

Nagka-sarilinan na ang usapan nang dalawang lalaki kasama ang mama niya, siya naman ay kausap ng mommy ni Toffer at kausap naman ng kapatid niya si Toffer.

"Kahit ano ang isuot mo hija, ang cute mo pa rin; ang ganda din ng mga mata mo, mga pilik-mata tapos bagay na bagay sa 'yo ang mala-porselana mong kutis. Mukha kang cute na baby." Puri pa ng ginang sa kanya, nahihiya tuloy siyang napangiti dito.

"Kuya Toffer, mahilig ka ba sa Science?" narinig niyang tanong ni Pen-pen sa binata na tinanguan nito. "Kung gano'n mahilig ka sa Chemistry?"

"Yes. That's why I took Biochemistry." Sagot ng lalaki na ikinatuwa ng kapatid niyang Science geek. Kung anu-ano pa ang itinanong ng kapatid niya sa binata hanggang sa nagulat siya sa sunod na naitanong nito. "Are you somehow related to Emir Lim?" anito.

Napansin niyang saglit na tumingin sa kanya ang binata saka ito muling bumaling sa kapatid niya—ang weird nga dahil panay tango na lang siya sa mommy ni Toffer kahit hindi na niya naiintidihan ang tinatanong nito dahil nasa kabilang usapan ang mga tainga niya.

"He's my cousin." Sagot ni Toffer na ikinasinghap ng kapatid niya.

"Omg! Paano 'to nangyari? Ang super crush ni ate at ang mapapangasawa niya ay magka-mag-anak?" halos pabulong na sabi ni Pen-pen, pero narinig niya 'yon, mabuti na lang at parang tatlo lang silang nakarinig. Nang magtagpo ang mga tingin nila ng kapatid ay pinanlakihan niya ito ng mga mata.

Mayamaya ay nagyaya na ang mama niya na mag-dinner dahil naihanda na nito ang mga pagkain na dala ng pamilya Lim, tumulong na rin siya sa pag-aayos sa hapag-kainan. Pagkatapos nilang mag-dinner ay siya ang naghugas nang pinagkainan dahil siya naman talaga ang naka-sked ng paghuhugas para sa araw na 'yon—pero nagulat siya nang makita niya sa tabi niya si Toffer na nakahawak ng tuyong pamunas.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya.

"I'm going to help." Sagot nito.

"Why? Doon ka na!" itataboy sana niya ito nang makita niyang nakasilip pala ang buong pamilya nila sa kanila mula sa sala—saka niya napagtantong ginagawa lang 'yon ng binata para kunin ang loob ng mga ito. "Right! You're doing this to look heroic infront of our families."

"I'm doing this because I think you need a help."

Tinignan niya ito nang masama. "Don't me Mr. Genius!" naiiling na sabi niya.

"I don't care whether you believe it or not," sagot nito, nagulat uli siya nang ipatong nito mabigat na braso nito sa ulo niya. "Bilisan mo na lang maghugas para mapunasan ko na."

"Ang bigat ng braso mo!" reklamo niya.

"Ang bagal mo kasing maghugas!" Pikon na pikon na siya sa lalaki, nang marinig niya ang tawanan sa sala—kaya napalingon silang dalawa ni Toffer doon, lalo na nang marinig niyang...

"They looks so sweet, I think, ready na sila para sa nalalapit nilang engagement party, more than a week from now." Nakangiting sabi ng mommy ni Toffer.

Napabuga na lang siya ng hangin. Oo nga pala, malapit na ang kina-i-stress-an niyang engagement party nila ng kumag na lalaking ito!

Soon to be Married with my Enemy (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora