7

5.4K 191 6
                                    

"MAMA, baka pwede pang umatras sa kasunduang ito. Hindi pa naman po kami engage e, saka hindi po namin gusto ang isa't isa. Ang gusto lang po ng Toffer na 'yon ay cake!" kalabit niya sa mama niya, na nasa kanang bahagi niya.

"Wala nang atrasan ito, anak! Magka-schoolmate naman pala kayo e, kaya hindi imposibleng magkagustuhan kayo since lagi kayong nagkikita sa school," sagot ng mama niya, saka nito mas lalong inilapit ang bibig nito sa tainga niya. "Anak, ang guwapo niyang bata! Tiyak maganda ang lahi ng magiging anak mo kapag kayo ang nagkatuluyan!"

"Mama!" hindi niya naiwasang mapalakas ang boses niya, kaya napatingin ang ibang mga kasamahan nila sa mesa. Umiling at ngumiti naman ang mama niya sa mga ito na sinasabing 'don't mind her!'.

Nagpaalam ang matatanda kasama na si Josephine "Pen-pen", na mauuna nang aalis mula sa restaurant dahil magco-coffee pa daw ang mga ito at bahala na rin daw silang dalawa ni Toffer kung ano ang gagawin nila, since may dala naman daw sasakyan ang binata, pumasyal daw sila kahit saan huwag lang lalagpas ng alas dyes since dahil may Duterte's curfew na.

Hindi man lang nag-disagree ang binata instead ay parang okay lang dito ang nangyayari sa kanila. Wala ba itong sariling desisyon at sunod-sunaran na lang ito sa pamilya nito? Naiinis na talaga siya!

Sa Manila bay siya dinala ng binata. Maganda at tahimik ang kapaligiran, pero kakaunti ang mga bituin sa kalangitan at nauulan pa yata dahil sa panaka-nakang pagguhit ng kidlat sa kalangitan, presko at talaga namang nakaka-relax ang simoy ng hangin na galing sa karagatan. Naunang lumabas ang binata mula sa sasakyan at tumayo paharap sa madilim na karagatan na tila may malayo itong tinatanaw. Ang sweet sana ng scenery kung totoong boyfriend niya ito, kaya lang hindi e, at naiinis pa rin siya dito—dahil sa hindi nito pag-aapila sa kasunduang 'yon! Lumabas din siya mula sa sasakyan at naglakad palapit sa lalaki—tumabi siya dito at tinignan ang tinitignan nito sa madilim na karagatan—alas otso na noon ng gabi. Marami din ang mga tao at magkakasintahan ang naroon noon para mamasyal at maglakad-lakad.

Ang tangkad talaga ng lalaking katabi dahil hanggang balikat lang siya nito, maganda din ang porma at pangangatawan nito kaya hindi nakakapagtakang kahit gabi na ay naaagaw pa rin nito ang atensyon ng ibang mga naroon sa lugar.

Tumikhim siya nang malakas para maagaw ang atensyon nito. "Gusto mo ba ako?" hindi niya napigilang tanong. Oo na, makapal na ang mukha niya! Pero hindi lang talaga niya alam ang rason kung bakit wala man lang itong reaksyon sa nangyayari. "Bakit ka pumayag sa kasunduan na 'yon? Wala ka bang sariling desisyon sa buhay?" nang hindi ito sumagot ay muli siyang nagsalita. "You're weird. Hindi ka nagsasalita."

Dahan-dahan itong bumaling sa kanya at walang kaemo-emosyong tumitig sa kanya. "No, I don't like you, I don't have a choice and I have my own decisions." Malamig na sagot nito sa kanyang mga katanungan.

"Ayaw natin sa isa't isa at sobrang ayoko nang kasunduang ito, bakit hindi tayo mag-isip ng paraan para hindi matuloy ang plano nilang engagement."

"You're just wasting your energy." Unemotional na sagot nito.

"Hello! Kasalan kaya ang usapan dito, okay lang sa 'yo na makasal sa taong hindi mo gusto?" Relax Chynna Lee, tumataas na ang BP mo! Pagpapakalma niya sa sarili. "Ang gulo mo din e, ang sabi mo wala kang choice—kaya heto, nagsu-suggest ako ng pwedeng paraan para hindi matuloy ang engagement, kaya lang wala ka namang reaksyon o comment. Manhid ka ba o ano? Ang gulo mo, ha! Bata pa ako at gusto ko pa mag-enjoy sa buhay, kaya ako pang matali sa isang relasyon katulad nito—"

"Stop!" nagulat siya nang bigla na lang tumaas ang boses ng lalaki. Napakurap-kurap siya habang nakatitig sa lalaking ngayon lang niya nakitang napakunot-noo at nagtaas ng boses. "Kung gusto mong hindi matuloy ang engagement, gawin mo ang anumang gusto mong gawin."

Saglit siyang hindi nakapagsalita sa gulat pero unti-unti din siyang nakabawi. "E, kung hindi kita siputin sa engagement party natin, hindi ka mahihiya sa mga taong naroon?"

"I don't care."

"Bakit?"

Bumuga ito ng hangin at muling bumaling sa madilim na karagatan. "You really wanna know why?" tumango-tango siya dito. "Because I have an upright reason but I can't tell you about it."

"Sapat na rason para ipagpatuloy ang kasunduan na 'to?"

Tumango ang binata at nawala ang pagkakakunot ng noo nito, saglit itong natahimik at napatingala sa kalangitan. "I think this is enough for tonight." Akmang tatalikod na ito nang awatin niya ito.

"Hindi ka ba nagulat na ako ang ipinagkasundo sa 'yo? Ano ang naging reaksyon mo nang malaman mo ang tungkol sa kasunduan?"

"Alam ko na ang kasunduang ito eversince dahil naririnig ko nang usapan nila mommy. And yes, nagulat ako nang malaman kong ikaw ang ipinagkasundo para sa akin, pero wala naman akong magagawa, e." mahabang sagot nito.

"Ako rin naman, no choice!" saka niya ito inirapan. "Kung sana si Emir na lang, e, di kahit ngayon na mismo ang engagement party, go na go!" pabulong niyang sabi.

"So, you like Emir." anito, na narinig pala ang sinabi niya.

"You knew him?"

"He's my cousin!"

"Your... what?" halos malaglag ang kanyang panga sa gulat dahil sa sinabi nito. "Pinsan mo si Sandro Emir Lim?"

"Are you deaf or slow?"

"Hindi nga, pinsan mo siya?"

"Yes but we're not close!" mabilis na sagot nito, na parang nahuhulaan na susunod niyang itatanong dito. Lihim siyang napailing. Sayang!

"Pero teka, kung nauna siguro siyang naipanganak sa 'yo, ibig sabihin siya dapat ang mapapangasawa ko?" curious na tanong niya na tinganguan nito. "Oh my gosh! Bakit ka agad nagpa-iri? Bakit—" hindi na niya naituloy ang pagda-drama nang naglakad na papasok sa loob ng sasakyan ang binata. Napailing na lang siya at agad na sumunod sa loob. "Bakit hindi kayo close? Balita ko pa naman mag-isa siyang anak. Pero no'ng bata kayo, close kayo?"

"Yes and no." sagot nito. Tuluyan na silang umalis sa lugar.

Ang tipid namang sumagot ng lalaking 'to! "Magkalapit lang ba ang mga bahay niyo? Nagkakasama ba kayo kapag may family occasion? Omg! Kapag ba natuloy ang engagement natin, dadalo siya?" Hindi ito sumagot sa sunod-sunod na katanungan niya. "'Uy, ipa-textmate mo naman kaming dalawa." Pakiusap pa niya.

"Are you thirsty?" instead ay tanong nito na ikina-frustrate niya. Ang dami niyang itinanong pero wala man lang itong sinagot sa mga 'yon.

"Sagutin mo muna ang mga tanong ko." Aniya.

"Kung gano'n, maiwan ka na lang dito sa loob." Anito, saka ito nag-park sa gilid ng kalsada at mabilis na lumabas ng sasakyan—nakita niyang patungo ito sa loob ng Starbucks. Kaya napailing na lang siyang sumunod.

"Mocha frappe sa akin." Imporma niya, nang makalapit siya sa binatang noon ay nag-oorder na nang inumin.

"And one mocha frappe. Thanks." Anito sa kaharap nitong babaeng crew. Tila kilig na kilig naman ang babaeng na nag-assist sa lalaki. Naglakad si Toffer para maupo sa bakanteng mesa kaya muli siyang sumunod sa lalaki.

"Mahilig din ba si Emir sa mga sweets? Naalala ko na naman 'yong cake na kinuha mo na dapat ay para sa kanya!" nakasimangot na sabi niya.

"Why don't you ask him, instead." malamig na sagot nito.

Soon to be Married with my Enemy (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ