17

5.2K 182 0
                                    

PARA hindi mahalata ang engagement ring nina Toffer at Chynna Lee ay naisipan niyang gawin na lang pendant ang mga 'yon—ayaw sana ni Toffer ngunit makulit kasi siya kaya sa huli ay wala na rin itong nagawa.

Dapat ay palihim lang sila magkita ng binata dahil ang usapan nila noon ay dapat walang makaalam tungkol sa anumang mayroon sila ng binata, ngunit nilabag din nito ang mga sinabi nito nang ito na mismo ang lumalapit sa kanya at nakikipagsabay kumain sa kanya, sa canteen. Hindi tuloy maiwasan na tuksuin siya ng mga kaibigan niya.

Kapag uwian naman ay hinihintay siya nito sa baba ng kanilang building para ihatid siya pauwi, minsan ay niyayaya din siyang kumain sa labas after ng afternoon class o di kaya manood ng sine. Pero mas madalas na sa bahay ng pamilya Lim siya dinadala dahil gusto daw siyang makita ng lolo at mga magulang nito.

At dahil nga sa gano'ng set up nila ni Toffer, hindi na nakayanang palagpasin ng mga kaibigan niya ang nangyayaring "kababalaghan" sa pagitan nila ng binata, kaya isang araw ay kinorner siya ng mga ito para tanungin ang totoong "relasyon" nila ng binata.

Kung hindi daw niya napapansin ay dumarami na din ang mga babaeng gustong manira sa kanya—na mga Toffer fangirls. Nalaman nga niya sa mga kaibigan niya na nakitaan daw siya ng picture sa isang puno na tadtad ng mga darts, natakot tuloy siya para sa sarili. Hindi kasi basta-basta ang pakikipaglapit sa mga sikat at heartthrob dahil madaming mga fangirls ang magagalit—ngunit hindi na rin niya naisip 'yon, dahil para sa kanya wala nang mas sasaya pa sa pagiging fiancée ni Christopher John Lim!

"He is now my fiancé." Pagtatapat niya sa mga kaibigan saka ipinakita sa mga ito ang engagement ring na nasa kuwintas niya—na halos ikalaki ng mga mata ng lahat. Nasa loob sila noon ng classroom at katatapos lang ng kanilang cooking activity.

"You are... what?" sabay-sabay pang pagpapa-ulit ng mga ito sa sinabi niya.

Hindi tuloy niya napigilang mapangiti at mapailing. "Fianceé na niya ako. Engaged na kami." Dahan-dahang paliwanag niya. Muling nanlaki ang mga mata ng lahat saka nang maintidihan ang mga sinabi niya ay nagtititili ang mga ito at agad siyang sinugod ng yakap.

"Paanong nangyari 'yon?" tanong ni She.

"Anong pang-aakit ang ginawa mo kay Mr. Perfect?" ani Che.

"Share naman dyan!" ani Cleo.

Hanggang sa umungot na ang lahat nang "detalyadong" kuwento sa kanya. From start to finish daw, walang labis, walang kulang. Natawa na lang siyang nagkuwento sa mga ito. Nainggit din ang mga ito sa "kasunduan" thingy—na sana daw ay mauso din sa pamilya ng mga ito. Napailing-iling na lang siya.

Nauna siyang nagpaalam sa mga kaibigan niya dahil hinihintay na siya ni Toffer sa parking lot, sasamahan kasi siya nito para bumili ng ingredients para sa chocolate cake na ibi-bake niya sa bahay ng pamilya Lim. Na-excite siya ngunit hindi pa rin niya maiwasang ma-pressure dahil magagaling na cook ang pamilya Lim, lalo na si Lolo Que.

Ngunit pagbaba niya sa kanilang building ay nabungaran niya ang hindi niya ini-expect na makita nang araw na 'yon—si Reneé Laine Peñano.

"Hi!" bati nito sa kanya, saka tipid na ngumiti.

Gumanti din siya ng ngiti sa dalaga, saka mabilis na nilapitan ito. "H-Hi din," saglit itong natahimik kaya muli siyang nagsalita. "M-May kailangan ka ba sa akin?" nauutal na tanong niya, bigla kasi siyang kinabahan dahil hindi naman sila close ng babae para mag-usap—o baka may kailangan ito sa kanya.

"Hindi nga pala ako nakadalo at hindi ko rin kayo nabati ni Toffer sa engagement party ninyo, he invited me but I was busy with my piano piece." anito, ngunit kitang-kita sa mga mata nito ang labis na kalungkutan. "Chynna, can I ask you a favor?" anito, na dahan-dahan niyang tinanguan. "Ingatan mo sana si Toffer at alagaan." Madamdaming wika nito, saka ito yumuko at nagpunas ng mga mata bago muling nag-angat ng tingin sa kanya. "Alam kong gagawin mo naman 'yon, kahit hindi ko sabihin. I'm so silly!" mapait itong ngumiti. "It's just that, hindi ko kasi siya naalagaan nang husto noon at ipinagpalit ko siya sa kung ano'ng mayroon ako ngayon. Pero huli na ang lahat nang maramdaman ko kung ano ang kulang sa buhay ko," malungkot itong ngumiti sa kanya. "He's a living treasure, Chynna, so please take care of him."

"R-Reneé..."

"Don't sympathize with me, I deserve this. Hindi ko siya pinahalagahan tulad nang ginawa niya sa akin and my family were against our relationship. Pinaglaban niya ako sa pamilya namin pero nag-break din kami and later I've found out na sumang-ayon na siya sa kasunduan na sinasabi ng pamilya niya."

Sumakit ang puso niya sa narinig na sinabi nito—mahal na mahal talaga ni Toffer si Reneé, na kaya nitong ipaglaban ang babae mula sa pamilya ng mga ito, pero sa huli ay sinunod nito ang kasunduan—hindi dahil sa gusto nito, kundi dahil gusto nitong pagbigyan ang kagustuhan ng lolo nito.

"M-Mahal mo pa ba siya?" Hindi niya napigilang itanong.

"Ikaw, mahal mo na ba siya?" ganti nitong tanong.

Saglit silang nagkatitigan ng babae bago sabay na tumango sa isa't isa. Tipid silang napangiti. She's a nice girl and harmless though, dahil hindi ito tulad ng fangirls na binata na anumang oras ay kaya siyang saktan.

"Pero ngayon, huli na ako para bumalik sa puso niya. I'm no longer inside."

Napakunot-noo siya. "Ha?" Saglit siyang nag-excuse para sagutin ang phone niya—si Toffer ang tumatawag at sinabi nitong kanina pa daw ito naghihintay sa kanya sa parking lot—oo, sa wakas ay nagkapalitan na sila ng phone number!

"Si Toffer?" tanong ni Reneé na tinanguan niya. "Go ahead, baka awayin ka na naman niya." nakangiting sabi nito, ngunit bago siya umalis ay muli itong nagsalita. "You know what, Chynna, sa 'yo ko lang nakitaan nang iba't ibang emosyon si Toffer, madalas kapag kasama niya ako nakangiti lang siya—pero iba kapag kasama ka niya."

Hanggang sa pagdating niya sa parking lot ay hindi pa rin niya makalimutan ang mga sinabi ni Reneé na siyang nagpapagulo sa isipan niya—para kasing sinasabi nito na may 'something' na din sa kanya si Toffer—na imposible niyang paniwalaan.

Paano mangyayaring agad niyang mabihag ang puso ng katulad ng binata—e, ang layo-layo niya sa ex-girlfriend nitong si Reneé na; maganda, talented, matalino at mayaman. Siguro kung sa panaginip, baka maniwala pa siya.

Mabilis niyang nakita ang binata na nakasandal sa kotse nito habang nakasunod ang tingin sa kanya na papalapit dito. "What took you so long?" malamig na tanong nito.

"Ahm kasi," hindi niya alam kung sasabihin ba niyang nakipagkita sa kanya si Reneé o hindi—pero sa huli ay sinabi din niya at binati sila ng dalaga sa nagdaang engagement party—na tinanguan lang nito.

Soon to be Married with my Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now