14

5.1K 192 0
                                    


"Shoot!" sigaw niya nang makita niyang isho-shoot ni Toffer ang bola mula sa three point lane—he is the point guard in the team, at isa sa mga miyembro ng kanilang school basketball team—while Emir is the shooting guard of his team pero hindi ito miyembro ng kanilang school basketball team, nevertheless, magaling din itong maglaro ng basketball.

Mahilig siyang manood ng basketball at anupamang klase ng sport dahil 'yon ang libangan nila ng papa at lolo niya no'ng bata pa siya. Naging runner din ang lolo Luisito niya no'ng nasa elementarya ito—na namana niya.

Napatalon-talon siya nang maipasok ni Toffer ang tinira nitong tres. Mas charming pa pala ito sa court at naiinis siya dahil ang daming mga babaeng tumitili sa pangalan nito! Kapag manalo ang team ni Toffer, tiyak na mas lalong madadagdagan ang inspirasyon niya para sa marathon game niya bukas!

At gano'n na lang ang talon ni Chynna Lee nang matapos ang laro sa score na seventy one to seventy at panalo ang team nina Toffer. Akmang susugurin niya ang binata para i-congratulate ito nang harangin siya ni Emir na ikinagulat niya.

"Makakapunta ka ba mamayang gabi sa 'Rock en roll' presentation ko?" nakangiting tanong nito. Naramdaman na lang niya ang mga pinong kurot ng mga kaibigan niyang noon ay nasa likuran niya—na tila nagsasabing 'oo na agad'.

"Oo ba!" nakangiting sagot niya, mabilis nitong ginulo ang buhok niya, ngumiti sa kanya at kumaway sa mga kasama niya bago ito tuluyang umalis sa harapan niya. Natawa siya nang tuksuin siya ng mga kaibigan niya—ano daw ba ang ginawa niya no'ng past life niya at ang swerte niya ngayon—napapansin na din daw kasi ng mga ito ang pagkakalapit nila ni Toffer.

Nang bumaling siya kay Toffer ay nakatitig din ito sa kanya, ngumiti at kumaway siya sa binata ngunit in-snob siya nito at bumaling sa ibang mga fans nito na noon ay nagpapa-picture dito. Napasimangot tuloy siya.

Pero nang makita niyang mag-isa na lang ang binata ay mabilis niya itong nilapitan para i-congratulate at g-in-ood luck para sa final game bukas. Tumango lang ito at hindi siya sinagot. Cold!

Kinagabihan ay maaga siyang sinundo ng mga kaibigan niya para sa rock en roll presentation ni Emir nang gabing 'yon sa school stadium. Todo ayos ang mga ito, samantalang siya ay simpleng white shirt na printed, skinny jeans at rubber shoes lang, wala namang dress code, e.

Sa second row sila pumuwesto, malapit pa rin 'yon sa stage kung saan magpe-perform si Emir. Nakaramdam siya ng kasiyahan—siguro kung tulad pa rin siya nang dati na dead na dead sa lalaki—malamang nagdala na siya ng malaking tarpaulin nito at nagwawawala na sa concert stage. Pero ewan ba niya, malakas ang kamandag ni Toffer, e, dahil nagawa nitong ma-occupy agad sa puso at isipan niya!

Ilang saglit sila naghintay bago nagsimula ang performance ni Emir. Ngumiti at kumaway pa ito nang makita siya sa kinaroroonan nila, gumanti din siya ng kaway sa binata. Hindi tuloy maiwasan na pagkukurutin siya ng mga kasamahan niya dahil sa inggit ng mga ito. Nagsimula nang kumanta si Emir ng acoustic version ng 'Treat you better' by Shawn Mendes.

Napa-'haaay' silang magkakaibigan sa ganda ng boses ng lalaki. Napaka-suave ng boses nito, naalala tuloy niya no'ng una niya itong napakinggan—it was heaven! Ang cute ng makapal na kilay nitong tumataas-baba habang kumakanta ito, he is truly a charmer. Napuno nang tilian sa buong stadium ng mga solid fangirls nito.

Nang nag-i-strumming ito ay nagsalita ito at 'g-in-ood luck siya' para sa laro niya bukas. Mas lalo tuloy kinilig ang mga kasama niya—natanong tuloy ng mga naroon kung may namamagitan na sa kanila ng binata na mabilis niyang ikinailing.

Pasimula na ang pangalawang kanta ni Emir nang magulat siya dahil nasa harapan na niya si Toffer—at hawak na rin nito ang kanyang kamay saka hinila paalis sa kinaroroonan niya.

Nagtataka siyang napatitig dito. "Toffer?"

"Maaga ang laro mo bukas, hindi ka dapat nagpupuyat!" malamig na tinig nito.

Napakunot-noo siya. Alas syete pa lang naman ng gabi. "Malapit nang matapos si Emir!" ngunit hindi na ito nakinig sa kanya at patuloy siyang hinila paalis sa lugar.

Mabilis din siyang binitiwan nito nang makarating sila sa hallway ng school na walang katao-tao. "Do you like him that much?" mula sa malamig na tinig—ngayon naman ay tila nagbabaga ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

"Hindi—" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang mabilis nitong tinakpan ang mga labi niya ng mga labi nito. Nanlaki ang kanyang mata at bumilis ang tibok ng puso niya—is this feeling they called heaven? Hindi na niya 'yon nanamnam 'yon nang tapusin din nito agad ang halik—at dahil hindi pa rin siya maka-get over ay tila naestatwa na siya sa kinaroroonan niya.

Mabilis itong nag-iwas ng tingin sa kanya. "R-Remember this, hindi ka allowed magkagusto sa ibang lalaki dahil malapit na ang engagement party natin. I'll be waiting for you at the parking lot." Anito, saka na ito naunang naglakad—nakatitig lang siya sa papalayong bulto ng binata. Mabuti na lang at marami siyang kinain kanina, na siyang nagbibigay lakas ngayon sa kanya despite na nanlalambot na ang kanyang mga tuhod dahil sa first kiss na ibinigay sa kanya ni Toffer Lim!

Good luck sa kanya, tiyak hindi siya patutulugin nang kiss na 'yon!

MASAYANG nagtatatalon si Chynna Lee kasama ng mga kaibigan niya nang siya ang itinanghal na champion para sa marathon game, kahit medyo napuyat siya kagabi dahil sa—okay, sa kiss ni Toffer. Pero naging lucky charm yata niya ang kiss na 'yon, e, kaya siya nanalo. Napailing siya sa kanyang naisip.

Dikit ang labanan nila ng dating champion ngunit sa huli ay siya ang idiniklarang panalo! Worth it ang prayers and good lucks ng pamilya at mga kaibigan.

Nakita din niya si Emir sa bandang likuran ng mga taong nanunood, nag-thumbs up at ngumiti ito sa kanya, kaya nginitian niya ito, ngunit nakakapagtaka lang dahil hindi niya makita kahit anino man ni Toffer, ang sabi nito sa kanya kagabi bago siya bumaba sa sasakyan nito dahil inihatid siya pauwi—ay manunood ito sa laro niya. Ngunit wala ito!

Hindi tuloy niya maiwasang magdamdam, umasa kasi siya e!

"Hinahanap mo si Toffer?" ani She, na nahulaan ang paglinga-linga niya sa paligid. Hindi na siya nagkaila dahil alam naman na yata ng mga ito na may 'something' na siyang nararamdaman sa binata—kaya nga hindi na nakikipag-agawan ang mga ito sa kanya, sa binata.

"Nakita ko siya kanina nakatayo sa likuran namin, kaya lang nagmamadali ding umalis nang tumunog 'yong phone niya, e."

"Baka may emergency." Ani Che.

Baka si Reneé 'yong tumawag! Nagkibit-balikat na lang siya. Masyado nang nasasaktan 'yong puso niya dahil sa hindi nito pagnood sa kanya—gusto pa niyang madagdagan?

Soon to be Married with my Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now