Chapter 31

3.2K 95 24
                                    

Save Miya

MABILIS ang naging kilos ni RK. Tinungo niya ang kanyang kotse at agad pinaandar ngunit pagkalabas niya sa  garahe ay may bigla nalang humarang na motorcycle sakanyang daanan kaya siya napahinto.

“Fuck!”

Di niya mapigilang mapamura lalo’t tumigil ito sakanyang mismong harapan. Kung hindi lang siya naging maagap ay baka nasagasahan niya ito. 

Maka-ilang beses siyang bumusina pero nanatili lang sa harap ang motor bagkus ay tinanggal pa ng driver ang suot nitong helmet.

“W-what the…” Nasabi na lamang niya ng makitang si Thunder iyon.

Kumunot ang kanyang noo nang maalala ang sinabi ni Miya sakanya kasabay ng pagtagis ng kanyang bagang at pagkuyom ng mga kamao bago siya bumaba sa kotse at galit itong sinugod.

Isang malakas at punong-puno ng galit na suntok ang iginawad niya dito, hindi iyon napaghandaan ni Thunder kaya natumba ito kasama ang motor.

Sa galit ay sinugod pa niya ito at sunod-sunod na pinagsusuntok bago kwinelyuhan.

“How dare you for crossing the line, how could you do that to Miya? I will really kill
you! You damn bastard!”

Sunod-sunod niyang sigaw saka ito muling sinuntok sa mukha. Hindi nanlaban si Thunder sa halip ay hinayaan lang siyang sumuntok.

Halos mandilim ang mga paningin ni RK, walang awa niya itong pinagsusuntok hanggang sa napuno ang kanyang kamao ng dugo mula rito. Kung hindi lamang nagsilabasan ang mga katulong niya na marahil narinig ang kanilang ingay ay hindi niya ito titigilan.

Inawat siya ng mga ito at sapilitan silang pianghiwalay.

Taas baba ang kanyang dibdib dahil sa labis na galit. Nangagalaiti niyang tinignan ang pinsan na hirap tumayo.

Dumadaloy ang dugo mula sa kanang mata nito at putok ang ibabang labi, tulad niya’y taas baba din ang dibdib nito.

“Y-you probably can’t forgive me b-but I want to ask your forgiveness.” Hirap nitong sabi habang sinusubukang punasan ang dugong patuloy na tumutulo.

“Damn you! You’re worse than an animal! how can you think of kidnapping her, don’t you know that she trusts you more than she trust me? You are a piece of shit!” Galit na galit niyang duro.

Wala siyang pakialam kahit na patuloy ang pagdurugo ng mata ng pinsan kulang pa nga iyon sa lahat ng ginawa nito.

Dahil dito kaya sila nagkahiwalay ni Miya!

He hates her so much because of him and Lorrel!

“I-I regret everything, I mean It!” sincere nitong sabi pero dahil nilalamon siya ng galit ay hindi niya iyon pinansin.

“You can never be forgiven!”
Mariin niyag sabi.

Inayos niya ang nagusot na damit saka ito tinalikuran, sumakay ulit siya sakanyang kotse pero bago pa man niya iyon mapaandar ay bigla nalang pumasok sa passenger seat si Thunder.

“I-I know you can never forgive me but please let me help you to find Miya.”

“Do you know what Miya’s did?” naninisi niyang sabi.

“I Think so!”

Tumawa siya ng pagak at mas lalong sumidhi ang galit niya para dito.

“Don't you know that Because of what you did to Miya five years ago she’s triggered to do horrible things! She kidnapped Lorrel to make revenge!”

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireWhere stories live. Discover now