Chapter 20

3.1K 79 5
                                    

Lust

NAG-INIT ang ulo ni Miya ng Makita ang isang babae na nilalandi si RK, kaya siguro hindi siya ginising ng binata para malaya itong makapaglandi, halata namang enjoy na enjoy sa bakasyon. Hays! Sana hindi na lang siya sinama kung magiging chaperon lang pala siya nito.

Mabuti na lang pala at naisipan niyang magtungo sa beach, kung hindi ay hindi niya makikita ang dalawa!

Ang Turistang nakadapa sa lounge chair ay kausap si RK at hinahawakan pa ang braso nito. Ang hambog naman ay nagpapahawak dito. Hindi ba nito alam na ang katawan nitong iyon ay kanya lamang? Teka! Anong sabi niya? Nababaliw na ata siya? Masyado na ata siyang in- character ah!

“RK!” tawag niya rito. Hindi niya ito tinawag na boss para mas in-character.

Nakakunot noo itong bumaling sakanya, siguro'y hindi nagustuhan ang di niya pagtawag dito ng sir!  Nanigas ang bagang nito ng makitang nakabikini siya. Asa beach naman siya kaya okay lang naman sigurong magbikini diba? Ang babaeng kasama nito’y bahagyang ngumisi ng makita siya. Something strange!

“Oh! There you are.” Halata niya sa boses nito ang galit habang hinahagod siya ng tingin!

Tsk! Anong kinagagalit nito? Siya nga dapat magalit eh! Saka bakit ganito ito makatingin para naman ang pangit-pangit niya, ngayon nga lang siya nagkaroon ng confident na magsuot ng swimsuit tapos mukhang di pa nito nagustuhan.

Lumapit siya sa mga ito. “Honey, why are you here, I’ve been looking all over for you.” Pangagaya niya kung paano siya nito tawaging ‘Honey’. Tutal Fiancee daw siya kuno nito! Ni hindi niya binalingan ng tingin ang babae.

“I think I need to go..” Tumayo ang babae mula sa kinauupuan  nito bago ito tuluyang umalis ay ngumiti ito sakanya saka tumingin sa hambog niyang boss. “… I’ll see you later, Love...at dinner” Wika pa nito pero parang nang-aasar ang dating, hindi sakanya kundi sa binata?

Nanlaki ang mata niya. Natural lang na kastiguhin niya si RK lalo pa’t hayagan itong nambabae sa harap niya!

“Who the hell she is?”

“One of a guest maybe.” Lumaki ang mga butas ng kanyang ilong. Mukhang nakalimutan ng lalaking ito ang deal nila ah!  Wait! Galit ba siya?   Hays! Bakit ba siya naiirita halata namang sa harap lang ng Ina at ng ex-Fiance nito valid ang usapan nila.

“Ah! Kaya pala love ang tawag sayo!”

“I don’t like what you’re getting at,” anitong bahagyang nagsalubong ang mga kilay.

“Why the hell are you having dinner with that girl?

“Hold yourself, she calls everyone ‘love’! and about that dinner, she’s just mocking me!”

Lumunok siya, totoo ba ang sinasabi  nito? Tsk as if!

“Sinungaling!

“Wait, why are you picking a fight as early in the morning and what the hell are you wearing!”

Pasigaw nitong sabi sakanya kaya ang confident na nararamdan niya kanina ay nawala. Nakaramdam  siya biglaang  tension  ng makita  kung paano nito hagurin ng kanyang buong katawan, hindi niya alam kung dinadaya lang siya ng kanyang paningin pero nakita niyang umalon ang adams apple nito.

“Hindi ako nakikipag-away saka swimsuit tong suot, swimsuit!”

“You exposed too much skin, go back to our suite and change something decent.” Kalmado ang pagkakasabing ito ng binata pero mahahalata sa boses nito ang pinipigilang galit.

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireWhere stories live. Discover now