Chapter 25

2.9K 91 13
                                    

Sorrow

7 years later………

PALABAS na si Miya sa kanyang inuupahang apartment ngunit bigla siyang napatigil nang hindi makita sa loob ng dalang bag ang kanyang employee’s ID.

Naalala niyang inilagay niya pala iyon sa kanyang drawer pagkauwi galing sa trabaho kagabi, napabuntong hininga siya saka mabilis na bumalik sa loob para kunin.

Kasalukuyan siyang namamasukan bilang Sales Lady sa isang Sikat na Department Store sa Makati. At iyon ay malaking pasasalamat niya kay Jelay na siyang nagpasok sakanya sa trabaho at tumulong sakanya upang malabanan ang pangungulila sakanyang mag-ama.

Mapait siyang napangiti ng maalala muli ang masalimuot niyang nakaraan. Hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang kirot sakanyang puso at ang labis na pagsisisi.

Kamusta na kaya ang kanyang mag-ama?

Masaya kaya sila ngayon kung hindi siya umalis?

Sana hindi nalang siya pumayag!

Sana ipinaglaban niya ang mga ito!

Sana….  Maraming mga sana na alam niyang mananatili nalang habambuhay na sana!

Kinuha niya ang Id sa drawer saka lumabas, kahit gaano pa man siya nagsisisi ngayon alam niya sa sariling hindi na maibabalik ang nakalipas, tanging magagawa lamang niya’y magsurvive at harapin ang buhay ng mag-isa.

Alam niyang darating din ang panahon na makakasama niya ulit ang kanyang mag-ama at sisiguraduhin niyang pag nangyari iyon ay hindi na niya hahayaan pang mawalay sa mga ito.

Pagdating niya sa kanto ay ilang minuto pa siyang naghintay sa may paradahan bago may dumating na jeep papunta sa pinapasukang Department store.

Nakipag-unahan siya sa iba pang mga pasahero sa pagsakay bago makaupo. Sa dami nila ay siksikan sila sa loob at nagkahalo-halo ang mga amoy.

Ganun ang kanyang naging buhay sa nakalipas na pitong taon. Araw-araw gumigising ng maaga, nakikipag-unahan sa jeep pag papasok at buong araw na magtatrabaho pagkatapos uuwing pagod, kakain at matutulog.

Ginugul niya ang sarili sa pagtatrabaho umaasang makakalimutan ang lungkot na nadarama. Nakakalimot nga siya ngunit pansamantala lamang dahil sa tuwing umuuwi  ay muling bumabalik sakanya ang katotohanang mag-isa na lamang siya at laging nauuwi sa magdamagang pag-iyak.

Napatingin siya sa pambisig na relo at halos manlaki ang kanyang mga mata ng makitang ilang minuto  na lamang ay malalate na siya.

“Manong wala na po bang ibibilis to, Late na ho kasi ako” Pasigaw niyang reklamo ng makitang malayo pa sila. 

Hindi naman talaga siya reklamador ang kaso lang ayaw niya talagang malate dahil kinalkaltasan sila sa sahod pag late. Iyon ang iniiwasan niyang mangyari dahil kailangan niyang mag-ipon para pag makita ang anak ay hindi siya mahihiyang magpakilala bilang ina nito.

“Pasensya na rush hour kasi kaya traffic.” Hinging paumanhin naman ng tsuper.

Lihim nalang siyang napabuntong-hininga saka napasandal sa upuan kasabay ng panalangin na sana ay  makarating na sila.

-

MABILIS ang takbo ni Miya papasok sa employees Entrance hindi alintana ang atensyong nakukuha sa mga papasok ding ibang katrabaho, agad niyang itinapat ang id sa biometrics at napahinga ng maluwag ng makitang hindi siya late. Hay! Salamat hindi mababawasaan ang sahod niya ngayong araw!

Nagtungo siya sakanyang locker at iniligay ang dalang gamit saka pumunta sa pwesto para mag-umpisang magtrabaho sa araw na iyon.

Bandang alas-diyes nang nilapitan siya ng kanilang Store Manager na si Jenna nakakunot ang noo nito at halatang may malaking problema. Masasabi niyang hindi maganda ang pakikitungo nito sakanya pero hinahayaan nalang niya kahit madalas siya nitong utusan ng hindi kasama sakanyang trabaho.

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireWhere stories live. Discover now