Chapter 8

4.1K 142 23
                                    

His property

NAPATAKBO palapit si Miya sa mga gamit niyang asa labas ng kanyang inuupahang apartment, napalunok siya ng magawi ang tingin sa harap ng pinto.

Nakatayo doon si aling Coring ang landlady niya, nakapameywang, umuusok na naman ang ilong at handang na siyang sigawan. Pagbilang niya ng tatlo ay nangyari nga ang inaasahan niya.

"Aba salamat naman sa diyos at naisipan mong umuwi! Baka nakakalimutan mo na tatlong buwan ka ng di nakakabayad! Sagad na sa buto ang pasensya ko sayo Miya! Hindi libre ang pagtira mo dito, Wala akong pakialam kung wala ka ng pera kaya ayan tinapon ko na lahat ng gamit mo dahil kanina lang may dumating na kailangan ng matitirahan at syempre dahil may datung sila ibinigay ko yong apartment mo! Alam ko kasi na hindi ka na naman makakabayad ngayon!"

Napaikot mata nalang siya. Kahit kailan talaga napakadaling masilaw sa pera si aling Coring. Ano pa nga bang magagawa niya nasa labas na nga lahat ng gamit niya kokontra pa ba siya?

Pero hindi naman kasi makatarungan ang ginawa nito, sana man lang hinintay siya nitong dumating bago itapon lahat sa labas ang kanyang mga gamit para man lang maayos niya kaysa naman ngayon na hindi niya alam kung ano ang unang pupulutin.

Kahit naman sabihing hindi pa siya nakakabayad ay magbabayad din naman siya nakadagdag pa na maraming nakikiusosyong mga kapitbahay niya na ngayo'y nakadungaw sa mga bintana nila.

"Magdamag akong naghintay sayo kagabi dahil sabi mo babayaran mo ako pero anong napala ko? wala! Tumirik na ang mata ko di ka pa dumarating! Naghintay lang ako sa wala! Sana matagal na kitang pinaalis mula nong natangal ka sa trabaho mo dahil pati ata ako nahahawa na sa kamalasan mo! Letche!"

Pag papatuloy pa nito na hinayaan lang niya kusa lang din naman itong titigil pag napagod pero iba ngayon mukhang nagkamali siya dahil wala ata itong balak tumigil, naisip niya ang sinabi nito kanina magdamag itong naghintay?

Napakibit balikat siya, paano ba siya uuwi kung asa kulungan siya at dumagdag pa yong hambog na lalaking yon na puro kabastusan ang lumalabas sa bibig.

Kanina nga'y pagkatapos niya itong masampal ay agad siyang lumayo at ng mapansing nakatagis bagang lang ito at di umimik ay mabilis siyang kumirapas ng takbo palabas ng opisina pero pagdating niya sa may ground floor ay sumalubong sakanya ang lalaking sekretarya nito at kung hindi siya nagkakamali Floyd ang pangalan.

Nagpresenta itong ihahatid sa kung saan siya nakatira na hindi na rin niya tinanggihan sa kawalan ng pamasahe kunsabagay ito rin naman ang nagdala dito sakanya ang problema nga lang ay umalis siya sa lugar na iyon na hindi niya nasasabi kung tinatangap niya ang offer nito o hindi dahil ang mahalaga sakanya'y makaalis na.

Napabugtong hininga siya, saka hinarap ang matanda para lang makita ang unat na unat nitong buhok na nagpangiwi sakanya siguro'y nauto na naman ito ni Jelai isa sa mga kapitbahay niya na nagtatrabaho sa isang parlor shop na rumaraket at tumatanggap ng Home service.

Mukang may naiisip siyang paraan para mapatigil ito.

"Hay naku, umuusok na naman ang ilong niyo aling Coring, huwag kayong masyadong magalit sige kayo lalo kayong kukunat niyan". Pamemelosopo niya dito.

Napatigil ang matanda at pinandilatan siya ng mata, halatang di nagustuhan ang sinabi niya.

"Anong sabi mong babae ka makunat ako? Tatadyakan talaga kita diyan!"

"Ay hindi po! Wala po akong sinasabing ganun ang ibig ko pong sabihin ang ganda ng ilong niyo, ang tangos! saka parang bumata kayo ah! Bagay sainyo yong bagong unat niyong buhok! lakas makabagets!"

Agarang sabi niya umaasang mabobola niya ito at ang matanda agad namang napahawak sa ilong at mukha, Mula sa galit na mukha ay biglang lumambot at halatang naniwala sa sinabi niya.

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireWhere stories live. Discover now