Chapter 11

3.9K 105 4
                                    

Housemate

NANLALAKI ang mga matang napatitig si RK sa taong nabungaran niya pagkabukas niya ng pinto ng kanyang Condo.

Kagigising lang niya ng may nagdoorbell kaya dali dali niya itong pinagbuksan pero dahil sa kamamadali nakalimutan niyang wala pala siyang damit pang itaas kaya unaware siyang humarap ditong nakatopless saka lang niya nalaman ng mahuli niya itong naglakbay ang tingin sa kabuuan niya at tumigil sa tiyan niyang may walong abs.

Ilang minuto din itong tumitig doon at sa palagay niya'y binilang pa nito. Kaya imbes na takpan ay taas noo pa niyang ibinalandera ang katawan ngunit parang kakaiba ang titig nito ayaw man niya'y bigla siyang nang-init.

Nag-unahang umalon ang kanyang lalamunan hindi niya alam kung dahil sa pagka-ilang o dahil sa sensasyong unti-unti bumabangon at gumigising sa natutulog niyang pagnanasa.

Bigla siyang nasamid sa naisip at mahinang napaubo na nagpabalik sa atensyon ng taong nasa harap at inosenteng ibinalik ang tingin sa mukha niya

Nakangiwi itong nangingiti habang nilalabanan ang titig niya. Napabuga siya ng hangin ano pa nga bang aasahan niya ito lang naman ang kaisa-isang taong kayang labanan ang titig niya at walang kiming sagutin siya.

"What are you doing here, Ms. Marquez?"

Yes! Ang taong nasa kanyang harapan ay walang iba kundi si Miya!  Ang babaeng palaban at walang inuurungan.

"Hey you there! Care to talk?"

Napakunot noo siya, tama ang ba dinig niya? Did she just call him "hey" not sir?

Sa pagkakatanda niya'y epektibo na ngayong araw ang pagiging P.A nito so basically she will start working under him as his Personal Assistant pagkatapos niya itong pinapirma ng kontrata kahapon pero kung maka "hey" ito'y parang di siya nito boss.

"Come in"

Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto upang papasukin ito pero ganun na lamang ang gulat niya ng mabungaran ang dala nitong maleta at mga ilang gamit na hindi niya nakita kanina dahil hindi masyadong bukas ang pinto kanina.

Kunot noo at nagtatakang tumingin siya dito pero ang huli'y ngumiti lang at nahihiyang tumitig sakanya.
Kinabahan siya at kahit hindi pa ito nagsasalita'y alam na niya kung ano ang gusto nito.

"No way! Don't look at me! that's not ganna be happen! No! No!"

Umatras siya at akmang isasara ang pinto pero agad itong hinarangan ni Miya habang nagmamakaawa.

"Sir please! Kailangan ko lang talaga ng matutuluyan! Saka diba tinanong mo naman sakin non na kung willing akong tumira dito at sabi ko oo! Huwag mong sabihing nakalimutan mo na yon sir!"

Tumaas ang sulok ng kanyang labi, kanina "hey" ngayon "Sir" na? Ibang klase din ang babaeng to! Pero talaga bang inaya niya ito?

"Did I?"

"Oo sir! Sabi mo pa nga are you willing to move into my place?"

Paliwanag nito, ginaya pa nito ang pagkakasabi niya.

"Kaya pumayag ka na sir total Personal Assistant mo naman ako at mas magandang magkasama tayo sa iisang bahay para hindi na hassle pag kakailanganin mo ako kung sakali"

Wala siyang ibang magawa kundi tumitig lang dito ng maalala niyang sinabi niya nga yon! Damn! Mula ng dumating ito sa buhay niya maraming nagbago sakanya niya at pati utak niya'y naapektuhan narin! Ano bang meron sa babaeng to?!

Hindi niya mapigilang murahan ang kanyang sarili sa katangahang ginawa! Bakit ngayon pa? Ngayong iba na ang epekto nito sakanyang katawan! Kung makakasama niya ito sa iisang bubong ay baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at may masama siyang magawa dito! At iyon ang hindi pwedeng mangyari kailangan niyang umisip ng paraan!

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireOnde as histórias ganham vida. Descobre agora