Chapter 26

2.9K 80 18
                                    

Loathing

"LET’s end it here, I’m tired! don’t look for me.
Take care of baby Devika…...”

IYON ang pinakamasakit na mensaheng natanggap ni RK sa kanyang tanang buhay at hindi niya inaasahang magmumula iyon sa tanging babaeng pinag-alayan niya ng kanyang buong pagmamahal.

Naroon pa rin ang sakit sa tuwing naaalala niya ang mensaheng iyon kahit limang taon na ang nakalipas mula ng mabasa lalo na’t hindi na ito muli pang nagpakita.

Ni hindi man lang ito nagdalawang isip  na iwan ang  kanilang anak na nangagailangan pa ng kalinga ng isang ina nong mga panahong iyon!

Ang buong akala niya'y mahal nila ang isa't isa kaya hindi niya lubos maisip na nagawa nitong umalis!   Lalo't malinaw pa sakanyang isipan ang mga magagaang haplos nito sa kanyang mga pisnging nong wala pa siyang malay.  Punong-puno iyon ng pagmamahal.

-

ISANG taon na noon si Baby Devika nang magising siya mula sa halos dalawang taong pagkaka-coma, hindi niya nasaksihan ang pagbubuntis ng dalaga pero kahit gano’y nakaramdam siya ng lukso ng dugo noong unang kita palamang niya sa bata.

Sabi ng Doctor mahihirapan daw siyang bumalik sa paglalakad dahil nadamage daw ng husto ang spinal cord niya kaya siya nabaldado hindi naging madali para sa isang tulad niya na tanggapin iyon pero sa tuwing nakikita niya kanyang mag-ina nakakalimutan niya ang kanyang problema.

Masaya silang nagsama ng dalaga, hindi naman sila naghirap dahil mayaman naman siya at nabibigay naman niya ang pangangailangan ng kanyang mag-ina. Ang kompanya naman ay ipinagkatiwala muna  niya pansamantala kay Floyd, magaling ito kaya hindi siya kinakabahang ipagkatiwala rito ang pinaghirapang kompanya.

Sa mga panahong iyon walang ibang mahalaga  kundi makasama ang kanyang mag-ina kahit na habang buhay na siyang mabaldado. Pero bigla nalang dumating ang isang hindi inaasahang pangyayari, nagpaalam sakanya ang dalaga ang sabi nito’y bibili lang ito ng gatas para kay Devika pero ilang oras na ang nakalipas ay hindi na ito bumalik.

Lumipas ang isang lingo na naging isang buwan pinahanap niya ito kung saan-saan maging sa mga police inireport na niya ngunit walang nangyari  hanggang sa isang gabi habang pinapatahan niya sa pag-iyak si Baby Devika ay nakatanggap siya ng isang mensahe galing dito kung saan nagsasabing pagod na ito at gusto na nitong tapusin ang namamagitan sakanila!

Sa una hindi siya naniniwalang galing iyon sa dalaga ngunit ng makitang kalakip ng mensaheng iyon ay ang larawan nito kasama ang ibang lalaki ay wala siyang magawa kundi umiyak at maawa sa anak nila. Dahil doon ay unti-unti niya itong kinamuhian.

Kasabay ng kanyang lungkot na nadarama ay dumating si Lorrel, at sinabing handa itong magpakananay kay Devika at tutulungan siyang kalimutan ang nanay nito, isa na iyong magandang alok pero sa hindi niya alam na kadahilanan ay hindi niya tinanggap, marahil ay umaasa pa siyang babalik  pa si Miya.

Pero hindi doon tumigil si Lorrel, araw-araw itong bumibisita at ito ang gumagawa ng mga bagay na dapat si Miya ang gumagawa ngunit hindi niya talaga kayang suklian ang ibinibigay nitong pagmamahal.

Until one day he got tired! He want to back in his old life, ang dating siya, yong kinakatakutan at hindi ang pathetic na tulad niya ngayon! Gusto niyang makalakad ulit kaya nagdesisyon siyang pumunta sa America at doon magpagamot, isanama niya ang anak.

Sakanyang pag-alis isang pangako ang kanyang iniwan.

Sisiguraduhin niyang pagsisihan ng dalaga ang pag-iwan nito sakanila!

Pero bakit ganun, Ang galit na matagal niyang inilagaan at kinimkim ay unti-unting natutunaw ngayong nakikita niya sakanyang harapan ang dalaga?

Ayaw man niyang aminin ay nakaramdam siya ng pangungulila. Hinagod niya ito ng tingin she became more beautiful, nakatali ang mahaba nitong buhok at bahagyang lumalaylay sa mukha ang ilang takas na hibla. Her lips are kissable, ang katamtamang tangos ng ilong ay nagbibigay dito ng kakaibang aura bagama’t ang mga matang malamlam ay tila laging iiyak.

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireWhere stories live. Discover now