chapter 15

3.5K 114 10
                                    

Marry?

NAKAHINGA ng maluwag si Miya ng sa wakas ay nakatulog na rin ang binata.

Abot langit  kasi ang kabang naramdaman niya kanina matapos niya itong masampal, maslalo pa siyang kinabahan nang napahawak ito sa pisngeng natamaan niya ang buong akala niya’y magagalit ito sakanya pero laking gulat niya’y bigla itong tumawa ng malakas kasunod non ay bigla nalang itong nawalan ng malay at tuluyang nakatulog.

Sinilip muna niya kung tulog talaga bago dahan-dahan siyang umalis mula sa pagkakayakap nito saka marahang bumaba sa kama, Sa sala nalang muna siya matutulog para safe mahirap na at baka bigla nalang siya nitong gapangin. Napahagikhik siya sa naisip mukhang nagiging assumera na siya mula pa kanina.

Bitbit ang unan na lumabas siya ng kwarto at dumeretso sa couch na nasa gitna. Maliit lamang ito ngunit sapat na iyon upang maiunat niya ang kanyang likod.

Pagsayad na pagsayad ng kanyang likod sa couch ay agad siyang nakatulog dahil narin sa pagod mula sa paghihintay rito.

-

HINDI niya alam kung ano ang gumising sakanya, Nang magmulat siya ng mga mata ay mataas na araw. Sandali siyang nalito ng makita ang paligid, hindi pamilyar sakanya at lubhang napakaganda. Ngunit agad niyang naalala na naroon pala siya sa condo ng boss.

Saglit muli siyang pumikit at napasinghap ng maalala kung anong nangyari sa nagdaang gabi, mabilis siyang bumangon at tinungo ang kwarto ngunit wala na ang binata, mukhang maaga itong pumasok!

Napatampal siya sa kanyang noo ng makita ang oras sa nakasabit na wall clock, Eight o’clock na ayon sa orasan!

Mas mabilis pa sa kabayo ang naging kilos niya, patay late na siya! Kumuha siya ng damit sa maletang dala niya at dumeretso sa banyo, ilang minuto lang ang itinagal niya sa pagligo bago mabilis na nagbihis.

Bitbit ang shoulder bag niya at patakbong lumabas sa condo, sa kakamadali ay hindi na niya nagawa pang magsuklay at mag-ayos. Ang gagong yon hindi man lang siya nagawang gisingin!

Pasara na ang elevator  ng dumating siya ngunit hinarang iyon ng lalaking nasa loob kaya bumukas ulit, binigyan niya ang lalaki ng nagpapasalamat na ngiti saka mabalis na pumasok.

Lihim niyang tinitigan ang lalaking katabi, sumandal ito sa pader, crossing his arms infront of him, hindi mapagkakailang well-conditioned ang body nito.

A well- constructed one indeed, naisaloob ni Miya.

Ang light gray suit nito halatang ginawa para dito, as well with his leather shoes, pero ang friendly na mukha nito ang kumuha ng atensyon niya, kung ikukumpara ang lalaki sa boss niya ay total opposite ang dalawa, Napakafriendly ng dating nito samantala ang boss niya’y napaka arogante, her boss has a powerful and arrogant aura while this man next to her is have a playful aura base narin sa tindig nito.

Napasinghap siya at nagkunwaring may hinahanap sa loob ng bag niya ng mahuli siya nitong nakatitig. Kahit hindi siya tumingin ay alam niyang nakatingin ito sakanya at halatang pinag-aralan ang itsura niya, bigla tuloy siya na- conscious knowing na wala siyang ayos at hindi nasuklay ang buhok. Napansin niyang may kinuha ito sa loob ng suit nito, My gosh ano kaya ang kinuha nito?

“Miss, are you looking for this?”

Napahinto siya sa kunwaring paghahanap ng marinig niya itong nagsalita, ayaw man niya’y napilitan siyang tumingin dito.

Napatitig siya sa hawak nitong suklay, pinilit niyang hinanap sakanyang isipan kung may suklay ba siyang katulad ng hawak nito? Ang mga suklay niya’y naghahalaga lamang  ng sampong peso na nabibili lamang sa isang tabi samantalang ang suklay na hawak nito’y mukhang mamahalin kaya sigurado siyang hindi kanya iyon.

Rk Montreal, The Ruthless BillionaireWhere stories live. Discover now