23: Novus Lux Inc.

257 13 14
                                    

Naglakad lakad muna si Jessy sa park kung saan sila unang nagkita ni Matthew noong mga bata pa sila.

Dito rin nagsimula ang lovestory nila. Si Matthew ang nakakaalala sa dating mga alaala nila, ngayon maging sa kanya medyo malabo na ang mga dating alaala.

"buset kang Yosiboy ka! Kung magkikita tayong dalawa sisingilin talaga kita!" hinawakan niya naman ang bigay netong ring na ginawa niyang pendant.

Maagang nakauwi si Jessy sa kanilang apartment at sinalubong naman siya ng mama niya.

"Anak, napano ka at napakatanda mong tingnan." di niya alam kung matatawa ba siya o maiinis lalo sa sinabi neto.

"Huh? Ganun ba ako ka haggard, Ma?" inayos naman niya agad ang buhok niya. Hinimas himas naman ng mama niya ang buhok niya.

"hehe. Hayaan mo na, napaka responsableng anak mo naman. Nag handa na ako ng hapunan." Agad niya niyakap ang mama niya ng mahigpit. Eto ang pinagkukunan niya ng lakas, sa mundong napakagulo at ayaw siya tigilan ng problema.

"mama, si Matthew nakita ko. "at sa wakas sinabi niya na ito. Hinarap naman siya neto. Simula lumipat mama niya sa syudad, hindi na siya nakakapag sabi ng mga kwento sa buhay niya.

"Alam ko."

"Huh? Sino may sabi sayo??" nagtatakang tanong neto. Baka ang chismosong Ren nanaman ang nag feedback sa mama niya!

"hehe. Sorry ate Jessy ako may sabi. Pero dinagdagan ni Kuya Ren eh!" Lumabas ng kusina si Ayu. Ang dalawang ito talaga.

"Camellia! Di kana nag sasabi ng mga problema sa mama mo ha! Hindi naba tayo close?!"

"kasi naman, di rin ako sigurado kung siya naba yun o hindi. Alam mo yun, ma? Parang nasa KDRAMA ako! Di niya ako maalala!"

"So sinasabi mong ikaw ang bida sa sariling Kdrama mo, ate Jessy?" gusto niya kutusan ang babaeng ito! Sobrang daldal. Parang Alvin na babae ang kaharap niya. Parang kapatid niya na talaga si Ayu.

"Ayu, hayaan mo na ang ate jessy mo. Alam mo naman may malaking problema na dinadala eh." nag peace sign naman si Ayu.

"Maligo ka muna at kakain na tayo. Dun tayo mag uusap habang kumakain tayo."

***

Naikwento nga ni Jessy paano niya nakita si Navin na kamukhang kamukha ni Matthew at hindi siya neto kilala. Ang problema noong panahon na nawala sa kanila si Alvin. Ang mga sakripisyo ni Matthew para kanya at pamilya niya.

Ang mga desperate moves ng mga joe's kay Navin. Ang masasakit na binitiwang salita ni Navin sa kanya.

Nalungkot naman si Ayu sa kwento ni Jessy, dahil nabanggit neto ulit si Alvin. Ang lalakeng minsang minahal niya, at hanggang ngayon mahal niya parin.

"Hindi ko na alam anong gagawin ko Ma. Paano kapag wala na rin si Matthew? Nangako naman kasi kame na walang magbabago. Baka ako nalang ang umaasa. Baka ako nalang ang kumakapit. Paano pala kapag siya na pala yun? Or paano pala kapag nasa malayo si Matthew tapos nakatuon ako sa Navin? Waaaa ang komplikado masyado. " hinawakan naman ni Lily (jessy's mom) ang kamay neto.

"Camellia, hindi pa tayo sigurado kung siya naba si Matthew na soon to be son-in-law ko. Diba, nanggaling na rin sayo na hindi ka sigurado kung siya naba ang Matthew na kilala natin. "

Pero sabi ng puso niya, si Matthew ang kaharap niya. Na ang matagal niya ng hinihintay, dumating na!

"Pero..."

"Anak, kung kayo talaga ang tinadhana, kayo talaga hanggang dulo. Kung hindi naman, wala tayong magagawa kahit anong tagpi tagpi pa natin. Mag tiwala ka. Mag tiwala ka sa salitang binitawan niya. Mag tiwala ka sa pangako niyo. Mag tiwala ka sa Diyos. " Ngumiti naman ito sa kanya.

TIG2: Intertwined FatesWhere stories live. Discover now